30

38.1K 1.2K 178
                                    

RYEE


   "PARA KANG TANGA PIO! UMAYOS KA NGA!" Natatawang sabi ko dito

Nag-ma-macho dancer kasi ito sa harap ko, masaya lang daw siya dahil sinagot na siya ng taong gusto niya.

"Pupunta ako sa inyo mamaya." Parang batang sabi nito. "Maglalaro kami ng Anak mong masungit."

"Babatuhin ka lang ulit non ng libro sa muka." Sabi ko

It's been a month again simula ng maging CEO ako, nung una ay nahirapan ako pero hindi nagtagal ay nasanay na ako at unti unti ng lumalago ang negosyo ni Tatay.

Naging close ko si Pio dahil lagi niyang pinapagaan ang loob ko, close din siya sa Pamilya ko pero madalas nag aaway sila ni Rycher.

At si Tatay at Archer, tanggap kona na wala na talaga sila, tanggap kona na hindi na sila babalik kaya sumuko na din ako. Nawawalan ako masyado ng oras sa sarili ko, lalong lalo na sa Anak ko dahil sa paghahanap sa kanila, siguro naman panahon na para sarili ko muna ang isipin ko at si Rycher.

"Love naman ako nun." Humiga ito sa couch na nasa office. "Inggit ako sa buhok niya, samantalang siya ayaw na ayaw sa buhok niya."

"Hindi ko rin naman siya masisisi." Sabi ko lang. "Oh, balik na sa trabaho, wag kang tatamad tamad!"

"Yes Ma'am!" Mabilis itong tumayo at lumabas ng office ko

Napailing na lang ako bago bumalik sa trabaho ko, ang kulit ni Pio.

Tinuon ko lang ang buong oras ko sa trabaho, nang magtanghalian na ay excited akong kinuha ang bag ko.

"Iska, uwi na tayo!" Excited kong sabi

Halfday lang kami ngayon dahil birthday ni Obry, ang Anak nila Rychee at Abriella.

"Nathalie bahala kana dito." Sabi ko

"Yes Ma'am." Sabi nito

Sumakay kami ng Elevator, nang bumukas ito ay sumalubong samin si Pio na ngiting ngiti.

"Bagal nyo." Sabi nito at parehas kaming hinila

"Bayhag, tara na." Aya ko dito

"Oh right!"

Lumabas kaming apat at dumiretso sa parking, sa sasakyan kami ni Pio sasakay. Marunong na akong nag-driver pero wala pa akong license kaya hindi pa ako pwedeng magdala ng sasakyan.

"Excited na akong makipag-bardagulan kay Rycher." Sabi ni Pio na ngiting ngiti.

"Kapag nagulo nyo Birthday ni Obry, lagot kayo kay Rychee." Sabi ko dito kaya napanguso siya

Takot kay Rychee.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming bumaba at sabay sabay na pumasok sa loob ng bahay.

"HAPPY BIRTHDAY OBRY!" Sabay sabay na sigaw namin.

"Tita Ninang!" Masayang sinalubong kami ni Obry na naka-dress na pula

"Ito gift ni Tita Ninang sayo." Inabot ko sa kanya ang dalawang paper bag. "Pakabait ka lalo."

"Thank you po!"

"Ano pang hinihintay nyo diyan? Aba kainan n–" Hindi natapos ni Nanay ang sinasabi niya dahil bigla na lang itong natulala.

Gagi, na-posess na si Nanay.

"Nay?" Takang tanong ko

Napatingin ako kila Kuya at kahit sila ay tulala habang nakatingin sa likuran namin. Takang napatingin ako sa likuran ko pero pati ako ay nagulat ng makita kung ano–sino ang mga nasa likuran ko

"R-Ryee..."

Si Tatay na  puro benda ang katawan habang akay si Archer na puro benda din.

"T-Tay.... A-archer." Bulalas ko

"A-Anak.." Lumapit sila samin. "Reylyn."

"Umalis kayo!" Madiing sabi ni Rychee. "Birthday ng Anak ko, wag nyo sanang sirain!"

"Magpapaliwanag kam–"

"–UMALIS NA KAYO!" Galit na sigaw ni Rychee

"Ryee..." Akmang hahawakan ako ni Archer pero hindi natuloy dahil may tumulak sa kanya.

"Rycher!" Gulat kong sambit.

"Wag mong hawakan ang Nanay ko!" Galit na sabi nito kay Archer. "Sino kaba para hawakan ang Nanay ko huh!?"

"A-anak–"

"–Hindi mo ako Anak, patay na ang Tatay ko!" Nilapitan ni Rycher si Archer at pinagsisisipa at pinagsususuntok. "Wala na akong Tatay! Iniwan mo kami ni Nanay! Nangako ka, tapos bigla kang nawala. Inasar ulit ako dahil iniwan mo ako! Umalis kana, hindi na kita kailangan!"

"R-Rycher!" Nilapitan ko siya at hinila. "Tama na."

"Ayoko sa kanya Nanay, hindi na siya ang Tatay ko, m-mas gusto ko kay Pio." Humihikbing yumakap ito sakin. "Ayoko na siyang makita, iniwan niya tayo kaya panindigan niya."

"Hindi ko ginusto yun." Mahinang sabi ni Archer. "H-Hindi ko ginusto."

"Ginusto nyo man o hindi, umalis pa din kayo!" Galit na sabi ni Rychee. "Tangina! Ngayon pa kayo lumitaw! Kung kailan importanteng araw ng Anak ko!"

"Rychee ang bunganga mo!" Saway sa kanya ni Nanay. "Tatay mo ang kausap mo!"

"Wala akong Tatay." Tumawa ng pagak si Rychee. "Meron pala, kaso matagal na siyang wala. Si Manuel lang ang Tatay ko at hindi si Jefferson!"

"Rychee!" Dumagundong ang galit na boses ni Kuya Ryan sa buong bahay. "Bunganga mo! Sinasaway kana ni Nanay!"

"Aalis na lang kami." Dahan dahang tumayo si Archer at lumapit kay Tatay. "T-Tuloy nyo muna ang celebration, babalik na lang kami ni Boss.."

"Kahit wag na." Malamig na sabi ni Rycher. "Hindi ka namin kailangan, hindi namin kayo kailangan ni Lolo. Mga walang kwentang tao kayo!"

Kusang kumilos ang kamay ko at sinampal si Rycher.

"Sumusobra na ang bunganga mo!" Galit kong sabi dito. "N-Naiintindihan ko ang galit mo, pero nakakalimutan mona ang paggalang mo!"

"Sige magkampihan kayo!" Umiiyak itong tumakbo patungong kwarto niya.

"Ryee, hindi mo dapat sinaktan yung bata." Mahinahong sabi ni Pio bago sundan si Rycher.

Hinarap ko sila Tatay. "T-Tay, kung pwede po, wag nyo na muna kaming guluhin. T-Tanggap na po namin eh."

Malungkot lang tumango si Tatay bago akayain si Archer palabas..








A/N: ARCHER POV NEXT

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon