23

42.4K 1.5K 103
                                    

RYEE

    "SO, DITO KAYO TUMIRA." sabi ni Tatay habang nililibot ang paningin sa bahay namin.

Umuwi kami ngayon dito sa bahay namin sa skwater, ang dami ngang chismosang nakatingin samin eh.

"Yung katabi po nitong bahay, doon kami nakatira ni Abriella." Sabi ni Rychee. "Pinagawa ko yun, diba astig ako?"

"TOMBOY!!" Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas ang pinto at iniluwal non sila Iska.

"Ang ingay mo bakla!" Saway ko dito. "Ingay ingay mo."

"Totoo ba bakla? Rich kana?" Nakangising lumapit sakin si Pooh. "Beke namen, kahit maging katulong mo lang ako oh."

"Kahit maging aso mona lang si Bayhag." Sabi naman ni Iska. "Ikaw ah, mandurukot ka lang dati ngayon rich kana."

"Mga gaga, hindi ako yung mayaman, si Tatay yun." Parehas ko silang binatukan. "Atsaka mahiya naman kayo kahit konti kahit alam kong wala kayo nun."

"Infairness, Madir Reylyn, ang pogi ni Bebe mo." Malantod na sabi ni Pooh at hinampas sa braso si Nanay.

"Pangit yan, pinatulan ko lang." Tugon ni Nanay

"Love naman." Reklamo ni Tatay pero inirapan lang siya ni Nanay.

"Pooh, Iska, Bayhag, kamusta na kayo?" Nagsalita si Archer kaya napatingin sila dito.

Kita ko ang panlalaki ng mata nung tatlo, tumulo pa laway ni Pooh at Iska kaya napangiwi na lang ako. Mga salahula.

"Lollipop!?" Gulat na sabi ni Pooh. "Kyahhh, bumalik kana! Lalo kang gumwapo!"

"Ano na? Tagal mong nawala ah, hindi kana aning?" Si Iska. "Kyahh! Ang pogi, payakap nga diyan!"

Nilapitan nung dalawa si Lollipop pero bago pa nila ito mahawakan ay agad akong humarang.

"Manahimik, tama na yung batian lang." Masungit kong sambit. "Iska, mahiya ka nandiyan Asawa mo."

"Napakadamot mong tomboy ka!" Nilapitan ni Pooh si Rycher at binuhat. "Botchog, yung Nanay mo napakadamot."

"Bawal mo po talaga yakap Tatay ko, dapat si Nanay lang." Sabi ni Rycher kaya napangisi ako

"Mga selfish kayo!" Umirap ang bakla pero tinawanan ko lang siya. "Rycher, nagluto si Ninang ng halaya, diba favorite mo yun?"

"Opo, Ninang penge ako."

"Tara sa apartment, chikahan tayo." Aya ni Iska. "Bilis na."

Naunang lumabas ito kasama ang Asawa, sumunod naman sa kanya si Pooh na buhat si Rycher.

"Sama kayo?" Tanong ko kila Nanay.

"Hindi na, sige na." Sabi ni Nanay.

"Gagawa lang kayo ng milagro eh."

Bago pa ako mabato ni Nanay ay agad ko ng hinila palabas si Archer.

"Pogi, welkam back!"

"Tagal mong nawala ah!?"

"Kamusta na?"

Ang daming bumabati sa kanyang mga kapitbahay namin na kinagiliwan din siya dati.

"Maayos na ho ako." Magalang na sagot ni Archer at ngumiti sa kanila.

"LOLLIPOP!!" Hinarang kami ni Jahmod kasama ang mga kaibigan niya. "Bumalik kana!"

"Jahmod!" Nag-fist bump sila. "Kamusta na? Binata kana ah."

"Oo naman, tuli na nga ako eh." Sagot nito. "Laban tayong text, sigurado panalo na ako."

"Sa susunod na may gagawin pa ako eh." Ginulo ni Archer ang buhok nito. "Sige na."

"Sige Lollipop."

Nagtungo kami sa apartment ni Iska at nadatnan namin silang kumakain na.

"Upo kayo." Sabi ni Iska na buhat si Barb–bunso niya.

"Issa si Tatay ko yan." Lumapit si Rycher samin at kumandong kay Archer. "Diba sabi ko sayo may Tatay ako at pogi din eh."

Ngumuso lang si Issa bago nagpatuloy sa pagkain.

"Lollipop, kailan nyo balak sundan si Rycher?" Tanong agad ni bakla kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin

"Hindi ko pa alam." Pinagsiklop nito ang mga kamay namin. "Siguro kapag kinasal na kami."

"Taray, hindi ko akalaing makakabuo kayo nung time na Aning ka." Sabi ni Iska. "At dito nyo pa talaga ginawa si Rycher."

Mga hayop na mga 'to.

"Bakit ba yan ang pinag-uusapan natin!?" Inirapan ko sila para itago ang hiya ko.

"Anong gusto mong pag usapan natin? Yung panahong, todo tanggi kapa sa feelings mo kay pogi? Yung nandidiri kapa." Nginisihan ako ni Pooh. "Malakas sense ko kay kupido, indenial ka lang bruha ka."

"Sa sobrang lakas nga ng sense mo kay Kupido, ilang beses ka ng muntik ma-commatose dahil sa mga naging jowa mo." Nawala ang ngisi niya kaya ako naman ang ngumisi .

"Che! Hindi kasi nila ang tunay na definition ng beauty ko, mga bobo na yun!"

"Where are they now?" Seryosong tanong dito ni Archer

"Pagala gala ang mga hinayupak na parang walang ginawang karumaldumal." Sagot nito

"Give me their name, ako ng bahala sa kanila." Ngumiti si Archer pero imbis na mapangiti din ay napangiwi na lang ako.

"Wag mong ibibigay Pooh, kilala ko likaw ng bituka nito, siguradong bubugbugin niya yun." Sabi ko

"Ayos nga yun para makaganti ako eh." Tumingin ito kay Lollipop. "Lista ko, ikaw na bahala."

"Yeah, what are friends are for?"

Jusmiyo! Mahabagin!

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon