26

39.9K 1.3K 62
                                    

RYEE


     "ARCHER, SAAN KA PUPUNTA?" Takang tanong ko ng makitang bihis na bihis siya.

Napatingin ako sa orasan at alas 3 pa lang ng madaling araw, wala rin naman siyang sinabi kanina na aalis siya.

"May aasikasuhin lang ako." Nakangiting lumapit ito sakin. "Babalik din ako agad."

"Balik ka agad ah?" Nakangusong tiningala ko siya.

"Opo." Sinapo nito ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. "I love you Ryee Ryee ko."

"Mahal din kita Lollipop ko."

Natawa ito, kinurot niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, Nilapitan nito si Rycher at hinalikan sa ilong bago lumabas.

Bumalik na lang ulit ako sa pagkakatulog.

Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Rycher, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, nadatnan ko dun ang Anak ko na kumakain.

"Wala pa po si Archer?" Tanong ko kay Nanay at dumiretso sa lababo

Naghilamos ako at nagmumog bago maupo sa tabi ni Rycher.

"Wala pa." Sagot ni Nanay. "Magkasama silang umalis ng Tatay mo kagabi eh."

"Saan naman kaya nagpunta ang mga yun?" Bulong ko

Napailing na lang ako bago sumalo sa Anak ko sa pagkain.

"Nanay, anong oras uuwi si Tatay?" Tanong nito. "Sabi niya magraralo ulit po kami."

"Baka pauwi na yun." Sagot ko lang dito. "Siguradong may pasalubong ka din doon."

Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo kaming dalawa sa kwarto, pinalitan ko siya ng damit at tinanggal ko ang pampers niya.

"Nanay, labas po ako." Paalam nito. "Hindi po ako takbo promise."

"Very good, bawal ka munang tumakbo dahil sasakit tagiliran mo."

Tumango lang ito bago lumabas ng bahay, ako naman ay lumabas din. Pumunta ako kila Rychee.

"Tita!" Sinalubong ako ni Obry.

"Nasan si Mama at Papa mo?" Tanong ko

"Si Papa tulog po, si Mama ko nag-re-review." Sagot nito. "Tapos po ako dito lang kasi ayaw ko sila maistorbo."

"Kasama mo na ako." Binuhat ko siya at umupo kami. "Chismisan na lang tayo."

Nakipag-chismisan lang ako kay Obry habang hinihintay si Archer, pero lumipas ang tanghalian ay hindi pa siya umuuwi, ganon din si Tatay. Hinintay ko ang gabi pero wala pa rin hanggang sa dumating ang kinabukasan.

Nag aalala na ako, ganon si Nanay baka kung napano na yung dalawa na yun.

"Baka nambabae na." Sabi ni Rychee kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang."

"Wag kana lang magsalita, hindi ka nakakatulong eh." Sabi sa kanya ni Abriella. "Baka po importante lang talaga ang ginawa nila, baka po pabalik na yun."

"Baka may nangyari ng masama sa mga yun." Sabi ni Nanay

"Wag kang nega Nanay." Inirapan ko ito. "Baka nga may importanteng ginawa lang."

Naghintay pa kami pero lumipas ang maghapon ay wala pa rin sila, lumipas ulit ang ilang araw hanggang sa umabot ng linggo pero walang Tatay at Archer ang lumitaw.

"Siguro hindi na tayo love ni Tatay." Umiiyak na sabi ni Rycher. "Hindi na nila tayo love."

"Tawagan mo kaya si Kuya Ezar, tanungin mo." Sabi ni Abriella at inabot sakin ang cellphone niya.

Kinuha ko naman yun at di-nial ang number ni Ezar, ilang ring lang ay may sumagot agad.

"Ezar, si Ryee 'to. Nakita mo ba si Archer? Si Tatay kasama mo?" Tanong ko

"Archer contacted me yesterday, he said he's with you." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakakunot ang noo niya. "What happened?"

Kasama kami?

"Anong kasama? Isang linggo na silang hindi bumabalik ni Tatay!" Tumulo ang mga luha ko. "Nambabae ba siya? Kung Oo, bakit dinamay niya pa si Tatay!?"

"I don't know too." Sagot nito. "But Archer don't do that, maybe something bad happened to them?"

"Pwede mo ba akong tulungang hanapin sila? Baka kasi kung anong nangyari sa kanila eh, si Rycher iyak din ng iyak kasi miss na niya Tatay niya "

"I will help you, just wait for my call."

"Maraming salamat."

Pinatay nito ang tawag, binigay ko kay Abriella ang cellphone niya at tinabihan ang Anak ko umiiyak pa din.

"Hahanapin natin sila." Sabi ko dito. "Baka may surprise lang sayo si Tatay mo."

"Nanay, kahit wala na pong surprise si Tatay, basta balik na siya pati po si Lolo." Sabi nito

"Tahan na." Pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap siya

Tangina Archer, nasan kaba?

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon