SPECIAL CHAPTER

42.7K 1.4K 232
                                    



     "BAHALA KA! HINDI MONA AKO MAHAL!" Umiiyak kong sigaw kay Archer. "DOON KANA! LUMAYAS KANA!"

"Mahal naman, wag namang ganyan." Lumapit ito sakin at niyakap ako. "Sorry na Mahal, tahan na."

"Pangit na kasi ako kaya ayaw mona sakin, ayaw mo ng ibigay ang gusto ko." Hikbi ko. "Doon kana!"

"Mahal naman, hindi naman sa ganon. Saan naman kasi ako makakahanap ng gintong mansanas? Wala namang ganon."

"Yun kasi ang gusto ko." Lumakas ang iyak ko

"Shit!"

"Ngayon minumura mona ako!"

"Ang aga aga ang iingay po!" Napatingin kami sa nagsalita. "Nanay, ang ingay mo po!"

"Kasi yung Tatay nyo ayaw akong ihanap ng gintong mansanas." Sumbong ko

"Nanay, may ganon ba?" Takang tanong nito

"Ako, nakahanap!" Sabi ng kapapasok lang na si Rycher. "Hindi siya totally naging kulay gold pero pwede na po ba ito Nanay?"

Kuminang ang mga mata ko ng makita ang dala niya, tinulak ko palayo sakin si Archer at nilapitan si Rycher

"Thank you Anak, mahal na mahal mo talaga ako." Hinalikan ko siya sa pisngi bago kuhanin ang dala niya.

"Mahal din naman kita." Singit ni Ayer.

Ilang taon na simula ng ikasal kami ni Archer, nabiyayaan ulit kami ng Anak na lalaki at ngayon ay pinagbubuntis ko ang bunso naming lalaki ulit.

"Mahal din kita." Sabi ni Archer. "Sorry na Mahal ko."

"Hiwain mo na lang ito." Inabot ko sa kanya ang mansanas na agad niyang kinuha. "Salamat!"

Nakangiting umupo ako sa sofa, tumabi sakin ang dalawang bata, samantalang si Archer ay nagtungo sa kusina.

"Nanay, wala na ba talaga tayong pag asang magka-baby girl sa bahay?" Tanong ni Ayer. "Puro kami boy, dapat may girl."

"Wala tayong magagawa Anak, dinaan na namin sa posisyon pero talagang lalaki ang dumadating." Sabi ko

"Nanay ambastos po." Sabi ni Rycher.

"Ede sa susunod po gawa ulit kayo ni Tatay pero dapat girl na." Sabi ni Ayer

"Wala ng susunod Anak, mahirap manganak." Sabi ko. "May pinsan naman kayong mga babae, pwede na yun."

"Pero gusto naming baby girl." Nakangusong sabi ni Ayer

"Paturo ka kay Tito Rychee, kung paano gumawa ng baby girl." Suggest ni Rycher kaya binatukan ko siya. "Suggest lang eh, sungit!"

"Mahal, ito na yung Mansanas mo." Sabi ni Archer

Nilapag nito ang platitong may mansanas at umupo sa kabilang side ko.

"Salamat." Kumuha ako ng mansanas at agad kumain.

"Nanay, bakit sila Kuya ginto yung buhok tapos sakin hindi?" Tanong ni Ayer. "Hindi ba ako nila tunay na kapamilya?"

"Luh? Ang lawak naman ng imagination mo." Sabi ko dito. "Normal kasi tayo kaya parehas tayo ng buhok, si Kuya at Tatay mo kasi ay abnormal."

"Nanay/Mahal!" Angal nung dalawa na ikinatawa ko lang

"Joke lang...Ayer, hindi man kayo magkakakulay ng buhok, magkakamuka naman kayo." Ginulo ko ang buhok nito. "Ang dami ng problema ng mundo, wag mo ng isali yan. Okay?"

"Kamusta naman school nyo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Okay lang po akin, maraming may crush sakin." Mahanging sagot ni Ayer.

"Okay lang din po sakin, madalas kong kaaway si Parsia, ang maldita kasi." Sagot naman ni Rycher. "Syempre, marami ding naghahabol sa Anak nyo."

"Okay lang yan, ang payo ko lang ay wag agad kayong gagawa ng bata, sinasabi ko sa inyo. Itatakwil ko kayo sinasabi ko sa inyo." Banta ko

"Iyot iyot lang muna, bawal iputok." Sabi ni Rycher at tumawa

"Aba't–"

"Ayer tara sa court!" Binuhat nito ang kapatid at tumakbo palabas ng bahay

"Kulit ng mga Anak natin." Baling ko kay Archer.

"Ayos lang yun, ang mahalaga disiplinado sila." Tugon nito. "Maloko sila pero mababait naman."

"Mana sila sa Tatay nila na makulit pero mapagmahal." Sabi ko sa kanya. "Swerte namin sayo Mahal."

"Mas swerte ako sa inyo." Hinalikan ako nito sa labi. "Love you Mahal..."

'Pano ba yan? May endgame na ako, sana kayo din'

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon