19

49.7K 1.7K 229
                                    

RYEE


      HANGGANG ngayon ume-echo pa rin sa utak ko ang sinabi ni Lollipop.

"Hey.." Kumaway ito sa harap ko. "Are you okay?"

"N-Naaalala mo ako?" Utal kong tanong. "T-Totoo?"

"Diba nag-promise ako sayo?" Ngumiti ito sakin. "I will never forget you and I will comeback to you."

"Gago.." Napangawa na lang ako ng iyak. "Lollipop ko."

"Ryee, Ryee ko." Natatawang pinunasan nito ang luha ko. "Huwag ka ng umiyak, bahala ka iiyak din ako."

"Akala ko hindi mo ako naaalala, akala ko mababalewala na yung paghihintay ko.." Sabi ko. "Lollipop, sorry kung hinayaan kong mawalay ka samin ah? Para rin naman sayo yun eh, ayoko lang mapahamak ka. Sana wag kang magalit."

"I'm not mad Ryee, actually I'm thankful to you." Ngumiti ito. "Thank you for giving up to me that time, ngayong magaling na ako ay ma-po-protektahan kona kayo nila Nanay, ma-po-protektahan na kita."

"Lollipop.." Hinila ko siya at niyakap. "Ang Lollipop ko."

"Nanay, sakit!" Napahiwalay lang ako sa kanya ng dumaing si Rycher. "Nanay, dede ako."

"He's our son?" Kita ko ang kislap sa mga mata nito. "My little man."

"Anak, diba gusto mong makita Tatay mo?" Inosenteng tumango ito habang dumedede pa rin. "Ayan yung Tatay mo oh."

Bumitaw naman ito sa pagkakadede at kukurap kurap na tiningnan si Lollipop.

"Tatay?"

"Yes, my young man." Binuhat siya ni Lollipop. "Tatay is here."

"Tatay!" Masayang yumakap si Rycher sa leeg ng Ama. "Tatay ko."

Natawa na lang ako bago  itago ang boobs ko, mahirap na at baka sapian na naman kami ng kalandian ni Lollipop.

"Sorry kung ngayon lang si Tatay ah?" Malambing na sabi ni Lollipop. "Don't be mad at me okay?"

"Sabi Nanay may work ka sa malayo kaya wala kapa." Ngumuso ito. "Tapos na work mo? Dito kana lang samin ni Nanay?"

"Yes, forever." Nakangiting sagot nito bago ako hinila patayo. Hinapit ako nito sa bewang at hinalikan sa noo. "My Family.."

"Tara sa sala, siguradong matutuwa sila Nanay kapag nalaman nilang okay kana." Excited kong sabi at hinila siya palabas.

Pero napawi ang excitement ko ng makita ang senaryo sa sala, si Nanay ay binabato ng gamit si Tatay.

"Raralo sila." Nakangusong sabi ni Rycher. "Sali tayo."

"Nay, Pa enough!" Pumagitna si Kuya Ryan sa kanila. "Mamaya na kayo mag away kapag wala ng bata."

"Love, pinagbigyan lang kita, humanda ka sakin mamaya." Nakangising sabi ni Tatay kay Nanay.

"Talaga, barilan tayo mamaya!" Gigil na sabi ni Nanay at naupo na parang walang nangyari.

Lumapit kami sa kanila. "Palagi na ngang may nagliliparang gamit sa bahay nila Rychee, pati ba naman dito?"

"Ganyan talaga ang mag asawa." Si Rychee ang sumagot. "Palibhasa wala kang asawa."

Pano manakal ng hindi nakakapatay?

"She will be Mrs. Carson soon." Sabi ni Lollipop at inakbayan ako. "Anyway it's been a while Rychee, I'm so proud of you because you kept your promise to Ryee–to your family that you will finished study and reaching your dreams."

"Aba, paano mo nalaman yan? Kung magsalita ka parang naaalala mona k–" Natigilan ito at nanlalaki ang mga mata tumingin kay Lollipop. "I-Ikaw na yung Lollipop namin!?"

"Hmm." Nakangiting tumango si Lollipop

"NANAY! BUMALIK NA SI LOLLIPOP!!" Masayang sigaw ni Rychee.

Alam kong tatalon siya payakap kay Lollipop kaya agad kong kinuha si Rycher para hindi maipit.

"Ang Lollipop namin." Tumayo din si Nanay at nakiyakap. "Ang buong akala ko ay hindi mona talaga kami kilala, balak kona sanang ipatumba ka."

"Nanay, pwede ba yun? I promised to Ryee na babalikan ko kayo." Humiwalay sa yakap si Lollipop. "Magaling na ang Lollipop nyo."

"So, it's mean hindi na kita paliliguan?" Nakangising sabi ni Kuya Ryan

Namula ang pisngi ni Lollipop na ikinatawa namin.

"Forget about that Kuya, it's embarrassed." Namumulang sabi nito habang nakasimangot.

"Welcome back bro." Tumayo si Kuya at tinapik sa balikat si Lollipop. "Sa wakas at may matatawag ng Tatay si little Golden."

"Thank you for being a father to my son." Nakangiting sabi ni Lollipop.

"Carson, you forgot about me." Sabad ni Tatay. "You impregnant my daughter even you're both not married, you need to face my punishment."

"I will face that Boss." Tugon lang ni Lollipop at inakbayan ako. "For now, I want to have bonding with Ryee and Rycher."

"Tatay, gusto ko swimming." Sabi ni Rycher. "May nakita ko pool doon labas kanina."

Tumingin sakin si Lollipop. "Let's have a swim?"

"Bet ko yan Lollipop." Tinapik ko ang tiyan nito. "Tara na."

"Yehey!" Agad bumaba si Rycher sa pagkakakarga at tumakbo palabas.

"Little Lollipop, wait for Tatay." Tumakbo si Archer at sinundan ito

"Wag munang sundan si Rycher." Sabi ni Nanay. "Kalma po puday mo."

"Nay, wala pa akong plano." Inirapan ko siya. "Gusto ko munang pakasalan niya ako at makahanap na rin ng trabaho."

"Di mo sure." Sabi ni Rychee

"Heh!" Agad ko silang tinalikuran at sinundan ang mag ama ko.

Nadatnan ko ang topless na si Lollipop na nasa swimming pool habang buhat si Rycher.

'Wag sana akong sapian ng kalandian'

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon