28

36.3K 1.3K 63
                                    

RYEE

     "KAILANGAN PO BA TALAGANG UMALIS TAYO DITO?" Walang emosyong tanong ni Rycher na bitbit ang maleta niya palabas. "Mas gusto ko po dito."

"Gusto ko din dito 'Nak, pero may kailangang gawin si Nanay eh." Tugon ko. "Wag kang mag alala, babalik din tayo dito." Sabi ko dito.

Tumango lang ito bago naunang maglakad.

"Kahit ako, ayokong tumira sa bahay na yun."  Sabi ni Rychee. "Bakit kasi tayo pa ang dapat umasikaso sa iniwan niya? Aalis alis siya tapos mag iiwan pa siya ng responsibilidad."

"Rychee!" Saway sa kanya ni Kuya

"Tsk. Tara na nga Abriella!"

Napahinga na lang ako ng malalim bago sumunod sa kanila

"Ayos ka lang?" Tanong ni Pooh.

"Magiging ayos lang ako." Tugon ko. "Siguradong magiging ayos lang ang lahat."

Sumakay kami sa Van na si Kuya ang driver. Tahimik lang ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay ni Tatay.

"Ay kabog, ang laki ng bahay!" Mahina akong hinampas ni Pooh sa balikat. "Mag-e-enjoy akong maging Yaya na."

"Wow, ang laki ng bahay." Manghang sabi ni Issa. "Mama, para akong prinsesa po."

"Ituring nyo na din itong bahay nyo." Sabi ni Nanay. "Akyat lang ako sa kwarto ko."

"Nay, akyat din ako." Hindi na hinintay ni Rycher ang sagot ko dahil agad ako nitong tinalikuran.

"Parang semana santa vibes tayo." Nakasimangot na umupo si Pooh. "Iba pala ang epekto ni Lollipop at Bebe ni Madir Reylyn."

"Ryee, tomorrow is the start of your work. Ang driver ang maghahatid sayo." Sabi ni Kuya. "I need to go now."

"Ingat Kuya."

Tumango lang ito bago lumabas ng bahay, umakyat na din sila Rychee sa kwarto nila kaya kami na lang nila Iska ang natira.

"Gusto nyo ba ng pagkain?" Tanong ko

"Oo, gutom na kami." Sagot ni Bayhag.

Sinenyasan ko ang isang katulong na lumapit samin. "Padala kami ng pagkain dito, kahit ano."

"Masusunod po." Yumuko ito bago umalis.

"Ano ng plano mo?" Tanong ni Iska. "Hindi mo pa rin ba bibigyan ng bagong Tatay si Rycher? Malapit ka ng mawala sa kalendaryo."

"Ewan ko, sa ngayon gusto ko munang mag-focus sa iniwan ni Tatay at sa Anak ko." Sagot ko.

"Mag-focus ba talaga o ayaw mo pa dahil umaasa ka pa rin sa pagbalik ni Archer?"

Kibit balikat lang ang sinagot ko kay Pooh

     "AALIS na si Nanay." Sabi ko kay Rycher. "Pakabait ka kay Ninang Pooh mo ah?"

"Opo." Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa pisngi. "Ingat po Nanay."

"Ikaw din, malapit na school mo kaya mag aral ka ng magsulat ng pangalan."

Tumango lang ito. Nginitian ko muna siya bago lumabas ng kwarto namin at bumaba.

"Ay iba si Tomboy, CEO ang datingan!" Bungad sakin ni Pooh ng makababa ako. "Ganda!"

"Heh! Alagaan mong mabuti ang Anak ko at mga bata." Bilin ko dito. "Kung may gusto kang bilhin, wag kang mahihiyang manghingi kay Nanay."

"Sige, Ingat kayo."

Nilingon ko si Bayhag at Iska. "Tara na."

Lumabas kami ng bahay at sumakay ng sasakyan, parehas kaming nasa backseat ni Iska samantalang nasa front seat si Bayhag na katabi ng driver

"Ang sexy ko pa din." Sabi ni Iska. "Salamat sa libreng uniform."

"Maliit na bagay." Sagot ko lang dito.

Nang makarating sa company ay taas noo akong bumaba, pinaseryoso ko ang muka ko bago pumasok. Naka-linya ang mga empleyado na parang inaasahan na ang pagdating ko.

"GOOD MORNING MS. INGRID!" Sabay sabay nilang bati.

"Good morning Everyone." Nginitian ko sila. "Wag kayong magpagod masyado sa trabaho, sige na."

"Ryee, saan ako?" Tanong ni Bayhag.

"Dito ka sa ibaba." Tinapik ko ang balikat niya. "Galingan mo, security guard ka dito, hindi mandurukot."

Natawa lang ito bago pumwesto malapit sa pinto. Pumasok naman kami ni Iska sa elevator.

"Wag mahirap gagawin ko ah? Bobo ako, alam mo yan." Sabi ni Iska. "Sa pagchupa at pagkantot lang ako professional."

"Gaga!" Mahina ko siyang siniko. "Hindi naman kita pahihirapan."

Nang bumukas ang elevator ay lumabas kami, sinalubong kami ng isang babaeng kasing edad lang namin.

"Ako po si Nathalie, secretary nyo po." Sabi nito.

"I'm Ryee Ingrid the new CEO." Tinuro ko si Iska. "This is my assistant, Iska."

Tumango lang ito.

"Follow me in my office, give me my schedule for today." Sabi ko at dire diretsong pumasok sa loob.

Hanep, bahay ba ito o opisina?

Umupo ako sa swivel chair, si Iska naman ay tumayo sa tabi ko.

"Ma'am you have meeting to board members at 10:00 AM and you have business proposal to Mr. Carter after lunch. That's all Ma'am." Sabi nito. "And ang papeles pong nasa lamesa nyo ay pipirmahan nyo lahat."

Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa mga papeles na nasa lamesa.

'Sarap sunugin!'

"Thank you, you may go."

Tumango ito bago lumabas, nilingon ko si Iska.

"Gaga, assistant kita hindi security guard." Sabi ko dito. "Doon ka maupo sa table malapit sa pinto."

"Malay koba." Pumunta sa upuan niya.

Ako naman ay sinimulan ng pirmahan ang sandamakmak na papeles, tangina ang sarap itapon!

"Iska, dalhin mo ito sa fifth floor kay Mr. Minio. Pasama ka kay Nathalie."

"Yes Ma'am!"

Kinuha nito ang papeles bago lumabas ng opisina ko. Napasandal na lang ako sa swivel chair at tinaas ang paa ko sa lamesa at kinamot.

Kinginang buhay 'to.

Nasa ganon akong posisyon ng may pumasok na lalaki, agad kong binaba ang paa ko at umayos

"Sorry for not knocking." Kamot ulong sabi nito. "Ms. CEO, may papipirmahan po ako."

Tumango lang ako, agad naman itong lumapit sakin. May nilapag itong papel sa harap ko na binasa ko muna bago pirmahan.

"Kamukang kamuka ka ni Boss CEO." Sabi nito. "Ikaw si Ryee diba?"

"Oo." Sagot ko.

"Ako si Pio, Co–CEO ako dito." Pakilala nito

Ngumiti ito kaya lumitaw ang dimple niya.

"Pamangkin ako ng Tatay mo, ibig sabihin mag-pinsan tayo." Dagdag pa nito.

"Masaya akong makilala ka pre."

"Sige na alis na ako, bye!" Kumaway ito bago lumabas.

Kulit parang si Lollipop ko...

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon