32

37.2K 1.2K 131
                                    

RYEE

    NAITAWID naman namin ang Birthday party ni Obry, pilit nga lang ang saya naming lahat.

"Rycher, kain na." Sabi ko dito pero hindi siya kumibo. "Rycher..." Napahilot na lang ako sa sintido ko. "Rycher ano ba! Kinakausap kita!"

"Bakit hindi ikaw ang kumain?"

Napaawang ang bibig ko sa tinuran nito.

"Ganyan kana sumagot ngayon huh!?" Nilapitan ko siya. "Aba, Rycher! Ano bang nangyayari sayo!? Lumalaki kang bastos!"

Napayuko lang ito, umaalog ang balikat nito kaya sigurado akong umiiyak siya.

"Rycher naman, alam kong apektado ka dahil sa pagkawala ng Tatay mo pero sumosobra kana." Mahinahon ng sabi ko. "Hindi mo man lang hinintay ang paliwanag ng Tatay mo, nakita mo ang itsura niya kahapon diba? Puro sugat si Tatay mo, dapat hindi mona siya sinaktan."

"H-Hindi nyo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko.." Tugon nito. "Yung mga classmates ko laging sinusundo ng Papa nila, tuwing recess namin, yung ibang Papa ng classmates ko sinasabayan kumain ang mga Anak nila, yung mga classmates ko may kasamang mga magulang tuwing ihahatid at susunduin sila. Ako lang ang wala, kasama ko naman si Ninang Pooh pero magulang ang kailangan ko. Palagi ka ng busy tapos si Tatay wala pa."

"Tuwing mamamasyal kami nila Ninang, naiinggit ako sa mga bata na masayang kasama ang mga Papa nila, naglalaro sila kasama ang mga Papa at Mama nila." Tumingin ito sakin. Puro luha ang mga mata niya at kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. "Umaakto lang akong malakas at tahimik pero nasasaktan na ako ng sobra. Kahit ikaw wala ng oras sakin, dati ayaw mo akong pabayaan, tapos ngayon wala ka ng atensyon sakin."

"Rycher, hindi totoo yan.." Umiiling kong sabi habang umiiyak. "S-Sorry kung hindi mona maramdaman yun, n-nagtatrabaho si Nanay para sayo."

"Mas gusto ko pa na wala kang trabaho, may atensyon ka sakin." Pinahid nito ang luha niya. "Pakiramdam ko po wala ng nagmamahal sakin at wala ng may pakielam sakin."

"Rycher, wag mong sabihin yan."

Ngumiti ito. "Okay lang Nanay, sasanayin kona ang sarili ko simula ngayon."

Akmang hahawakan ko siya pero mabilis siyang tumakbo palabas. Napaluhod na lang ako at napahagulgol

Ang Anak ko..

"Sorry Rycher.." Pinahid ko ang mga luha ko at sinundan siya.

"ANONG GINAGAWA NYO DITO!?"

Natigilan ako ng makita ang eksena sa sala, nandito sila Tatay at Archer. Hawak ni Rychee ang kwelyo ni Tatay.

"Rychee, hayaan nyo naman kaming magpaliwanag." Pagsusumamo ni Tatay

"Rychee, bitawan mo siya." Seryosong sabi ni Kuya Ryan dito.

Pabalya namang binitawan ni Rychee si Tatay.

"Maupo kayo." Sabi ko at nginitian sila. "Sige, papakinggan namin ang paliwanag nyo."

"Salamat Ryee." Ngumiti si Archer. "Salamat.."

"Pa, ano bang nangyari?" Seryosong tanong ni Kuya Ryan.

"Pinatawag kami ng Ultors court nung araw na yun." Sagot ni Tatay. "Ang ultors court ay ang batas at taga-parusa ng mga Mafia. Pagdating namin doon ay nandoon ang Tatay ni Abriella, dinakip kami ng Ultors at kinulong."

"Tangina.." Mura ni Kuya. "Sila ang may gawa ng mga yan?"

"Hindi ko alam kung anong set up ang ginawa samin ng putanginang Tarry na yan at napaniwala ang mga ultors, pinahirapan nila kami." Napayukom ng kamao si Tatay. "Mabuti na lamang ay niligtas kami ng King sa tulong na din nila Ezar."

"That's the reason why we can't find you both." Sabi ni Kuya Ryan. "Tangina!"

"Natatandaan mo itsura ng mga yun?" Galit na tanong ni Nanay. "Tangina nila. Ituro nyo sila sakin."

"I want too but I can't." Nag iwas ng tingin si Archer. "I know their face but I can't define it now."

"May amnesia ka ulit?" Tanong ko. "Pero imposible dahil naaalala mo naman kami."

"Ryee.." Sumeryoso ang muka ni Tatay. "Puro itim na lang ang nakikita ni Archer.." Natigilan ako sa sinabi nito. "Binulag siya."

Nakaawang ang bibig na napatitig ako kay Archer, kaya ba inaalalayan siya ni Tatay?

"Archer.."

"It's okay." Ngumiti ito. "Bulag ako pero malakas ang pakiramdam ko."

"S-Sorry.." Napatingin kaming lahat kay Rycher. "Galit lang ako kaya nasaktan kita, Sorry.."

"Don't say sorry Rycher, naiintindihan ko at hindi galit si Tatay sayo dahil deserve ko naman yun." Sabi dito ni Archer.

"Dapat hindi ako sa inyo galit eh, dapat doon sa mga masasama. Sorry po, kasi nagtampo lang ako tapos nalungkot, sorry po. Naiinggit kasi ako sa ibang bata na may Tatay tapos masaya silang magkasama." Umiiyak na yumakap ito sa bewang ni Archer. "Sorry po, love mo pa rin ako diba kahit naging masama ako? Love mo pa rin diba po ako kahit na sinasagot kona sila Nanay?"

"Always kang Love ni Tatay, pero dapat mag-sorry ka kila Nanay mo kasi nasagot mo po sila."

Napaiyak na lang ako sa eksena nila. Tumayo ako at nakiyakap na din.

"Sorry..." Bulong nito sakin

"Hindi, ako dapat ang mag-sorry, Sorry kung sumuko ako sa paghahanap sa'yo–sa inyo ni Tatay." Humihikbing saad ko. "Sorry Lollipop ko."

"Okay na yun, hindi na ako mawawala pangako yan at tutuparin kona ang pangakong iyon." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Mahal na Mahal ko kayo."





A/N: HAYST

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon