27

36.6K 1.2K 112
                                    

RYEE


    "MAY BALITA NA?" Tanong ni Nanay

Iling lang ang naisagot ko bago lapitan ang Anak kong nakatulog na sa sofa.

"Mag-da-dalawang buwan na." Nagsalita si Rychee. "B-Baka iniwan na talaga nila tayo, baka ginusto lang tayong makita ni Tatay, baka binayaran niya lang si Lollipop na maging mabait, baka hindi talaga nakakaalala si Lollipop."

"Wag mong sabihin yan, babalik si–"

"–KAILAN PA!?" Malakas na sinipa nito ang lamesa. "ATE! MAG-DA-DALAWANG BUWAN NA, PARA TAYONG TANGANG NAGHAHANAP SA KANILA PERO MISKI ANINO NILA HINDI NATIN MAKITA! HANAP TAYO NG HANAP SA MGA TAONG AYAW NAMAN MAGPAKITA!" Nilingon nito si Nanay. "Tingnan mo itsura ni Nanay, ang payat na, walang maayos na tulog at laging umiiyak!"

"Rychee, babalik sila." Pursigidong sabi ni Nanay.

"Kailan pa Nay? Kung gusto nilang bumalik sana nagpakita na sila agad, sana hindi na nila tayo pinagmumukang tanga!" Nagmamakaawang tumingin ito samin. "Ate, Nay tigil na natin 'to, diba nabuhay naman tayo ng ilang taon na wala si Tatay? Diba Ate na kaya mo ng tatlong taong wala siya?"

"Rychee..."

"Nasasaktan ako para sa inyo, tuwing nakikita ko kayong nahihirapan at nasasaktan, kumikirot ng sobra ang dibdib ko."

"Hindi ko kaya Anak." Humagulgol si Nanay kaya napaiyak na lang din ako. "Mahal na mahal ko ang Tatay mo."

"Rychee, lahat ng pangako ni Lollipop sa'tin tinutupad niya." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Wag natin silang sukuan."

"Ate, oo tinupad niya, pero panandalian lang." Umiling iling ito. "Pagod na ako Nay, Ate."

Dire diretso itong lumabas ng bahay, nilapitan ko si Nanay na umiiyak at niyakap.

"Masama lang loob niya Nay." Sabi ko dito. "Tahan na po, babalik sila."

"Sana nga Anak."

Sana nga....



    "RYCHEE, KAIN NA." Malambing kong sabi dito.

"Tapos na po." Tipid na sagot nito at bumalik sa pagbabasa ng libro.

Napahinga na lang ako ng malalim, wala na ang malambing kong baby Rychee, isa na siyang tahimik na bata.

"Anak, naka-ayos na ba ang gamit mo para sa pag alis natin bukas?" Tanong ko at tipid na tango lang ang sinagot niya. "Sige, lalabas na si Nanay."

Napahinga na lang ako ng malalim bago lumabas ng kwarto namin, nadatnan ko si Kuya doon na nagbabasa ng mga papeles.

"Ready kana ba bukas?" Tanong ni Kuya

Tumango lang ako at umupo sa harapan niya.

Aalis na kami bukas sa lugar na ito, titira kami sa bahay ni Tatay. Ako ang mamamahala sa ibang mga negosyo ni Tatay dahil yun ang hiling ni Kuya, ayaw niyang bumagsak ang mga pinaghirapan ni Tatay kaya pumayag na ako.

Hindi ko alam kung ilang buwan na ang lumipas, hindi na namin sila nakita, hindi na sila nagparamdam. Umaasa pa rin ako na babalik sila pero sila Nanay ay sumuko na.

Pati ang Anak ko ay sumuko na at hindi na umaasang babalikan kami ng Tatay niya, ang pagmamahal niya sa Ama niya ay naging pagkamuhi na.

"Hanggang ngayon ba Kuya, wala pa rin?" Tanong ko

Seryoso akong tiningnan nito at umiling.

"Lagi mong tatandaan ang mga inaral mo." Pag iiba nito ng usapan. "Sindakin mo sila."

"Magaling ako diyan Kuya." Ngumisi ako

"Sindak ng propesyonal na tagapagmana ang ibig kong sabihin Ryee, hindi sindak ng isang sanggano at barumbado." Seryosong sabi nito

"Kuya, I can handle myself, ako na ang bahala sa pamumuno ko sa mga trabahong iniwan ni Tatay." Tumayo ako. "Sisindakin ko sila sa paraan na gusto ko kaya chilaxx ka lang diyan."

Napailing iling lang ito.

Nginisihan ko lang siya bago lumabas ng bahay, pupunta ako kila Iska. Isasama ko sila sakin, sa akin sila mag-ta-trabaho.

"Handa na ba kayo?" Nakangising tanong ko ng makapasok.

"Ay ready na sobra." Tinapik ni Pooh ang dalawang maleta. "Sa wakas makakaalis na ako sa lugar na'to."

"Pahihirapan kita, alalahanin mo magiging Yaya ka ng mga bata habang si Iska at Bayhag ay magta-trabaho sa opisina kasama ko."

Umirap ito. "Hindi mahirap alagaan ang mga bata, lalo na si Rycher."

"Atleast level up ako." Naglakad na parang modelo si Iska habang kumakaway. "From PokPok to office girl."

"Mama, maganda naman po ikaw." Sabi ni Issa at niyakap ako sa bewang. "Thank you po Ninang Ryee."

"Okay lang yun Issa." Ginulo ko ang buhok niya. "Basta mag aral kayong mabuti."

"Opo."

"Ano bang magiging trabaho namin?" Tanong ni Bayhag.

"Security guard ka, tapos si Iska ay assistant ko." Sagot ko.

"Wow, tapos ako Yaya?" Ma-dramang humawak si Pooh sa dibdib niya. "Kung nandoon si Pogi o kaya si Tatay mo, aba'y mag eenjoy ako–Ryee sorry."

"Hindi, okay lang." Nginitian ko siya

"Hanggang ngayon ba wala pa rin?" Tanong ni Iska

Umiling ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Ryee." Nilapitan ako ni Pooh at niyakap.

"Ewan kona, gusto kong umasa pa pero parang wala na." Umiiyak kong sambit. "N-Nasan naba kasi sila? Si Rycher, galit na galit na sa Tatay niya tapos si Rychee galit na galit naman kay Tatay."

"Ryee, wag kang umaktong malakas sa lahat ng oras, kapag malungkot ka nandito lang kaming mga kaibigan mo."

"B-Buti pa kayo nandito, samantalang yung taong inaasam asam kong makasama at pinangakuan ako na hindi na ulit iiwan, ay wala..."





A/N: NASAN NABA KASI KAYO?

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon