EPILOGUE

43.8K 1.3K 192
                                    


RYEE


    "HINDI KANA maiinggit samin." Biro sakin ni Rychee. "Ikakasal kana, mararanasan na ni Lollipop na mabalibag ng gamit."

"Siraulo!" Singhal ko dito

"Ryee, diba tibo ka?" Tinawanan ako ni Kuya Ryan. "Isang Aning na Archer lang pala ang makakapag-palambot sa'yo."

"Parang sira kayong dalawa kasal na kasal ko inaasar nyo nga ako!" Napasimangot ko na ikinatawa nila

"Ito talaga.." Inakbayan ako ni Rychee. "Sana maging masaya ka sa piling ni Archer, kapag inaway ka nung Aning na yun sabihin mo lang samin ni Kuya at susugurin namin yun. Maraming salamat sa lahat Ate ah? Salamat kasi hindi mo ako sinukuan nung mga panahong..alam mo na. Palagi kang dumalaw samin." Hinalikan ako nito sa noo. "The best Ate ka, Mahal na Mahal kita."

"Matigas man ang ulo mo palagi mong tatandaang Mahal kita, alam kong isa kang strong na babae pero dapat i-share mo ang problema mo sa Asawa mo. Nandito lang palagi si Kuya sayo." Hinalikan din ako ni Kuya Ryan sa noo

"Pinapaiyak nyo ako, kapag nasira ang make up ko lagot kayo sakin." Pinunasan ko ang mga luha ko. "The best kayong kapatid sa'king dalawa.."

"Ang ganda ganda naman ng nag iisang Prinsesa namin." Napalingon kami sa nagsalita

"Nanay, Tatay!" Parehas ko silang nilapitan at niyakap. "Salamat po sa inyong dalawa."

"Masaya ako para sa'yo." Sabi ni Nanay. "Maging mabuting mag asawa kayo ni Archer at maging mabuting mga magulang."

"Marriage is not easy, so be strong both of you." Hinalikan ako sa noo ni Tatay. "Kahit kasal kana palagi ka naming babantayan."

"Salamat po."

Nag usap pa kami ng kaunti bago kami lumabas ng bahay, sumakay ako sa bridal car ko.

"Congrats Hipag." Sabi ni Quen na driver ko. "Welcome sa Pamilya namin."

"Salamat Quen." Nakangiting tugon ko

Nang makarating sa simbahan ay nanginginig na bumaba ako, kinakabahan ako na natatae na parang ewan.

"Hintay lang po kayo." Sabi ng Organizer

"Salamat.."

Naghintay ako saglit hanggang sa bumukas na ang gate kasabay ng pagtugtog ng kantang Beautiful in white

Iniisip ko kung tuluyan ko kayang iniwan si Archer sa police station, aabot kaya kami dito sa altar? Hindi ko akalaing magiging babae talaga ako.

Dati rati babae ang natitipuhan ko, hanggang sa naagaw ni Lollipop ang atensyon ko at nauwi kami sa pagbuo kay Rycher. Nagkalayo man kami, bumalik naman siya sakin, kapag talaga puso ang umiral ang hirap pigilan.

"Ingatan mo sana ang Anak ko." Seryosong sabi ni Tatay ng huminto kami sa tapat ni Archer. "Hahatiin kita sa dalawa kapag sinaktan mo yan."

"Promise I won't.." Tugon ni Archer. "Thank you..Tatay?"

"Sige na kunin mona, baka magbago pa ang isip ko."

Natawa lang si Archer bago kuhanin ang kamay ko.

"Ang ganda mo Mahal." Sabi nito. "Mahal kita."

"Ang gwapo mo Mahal ko."

Lumakad kaming dalawa palapit sa altar. Nagsimula na ang seremonya at tahimik lang kaming nakikinig.

Maya maya pa ay bigayan na ng singsing, nakatingin kami kay Rycher na lumalakad palapit samin dala ang singsing.

"Nanay, Tatay payag na ako magkaroon ng kapatid kahit hindi pa po ako Ten." Sabi nito na ikinatawa naming lahat.

"Ikaw talaga." Pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Punta kana kay Kuya Zaem mo."

Tumango lang ito bago patalon talong naglakad palapit kay Zaem.

"Mahal, itong singsing na ito ang patunay na akin ka lang habangbuhay, itong singsing na ito ang patunay na magiging tapat ang pag-ibig ko sayo hanggang sa kabilang buhay. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, lagi mong tatandaan na nandito lang ako palagi sayo, sa hirap sa ginahawa, sa lungkot at saya. Mahal kita palagi Archer Carson." Sinuot ko ang singsing sa kaniya

Kita ko ang pagpahid niya ng luha na ikinangiti ko

"Mahal, ang singsing na ito ang simbolo nating dalawa, Thank you for coming to my life, mamahalin ko kayo ni Rycher hanggang kabilang buhay, hindi ko kayo sasaktan at hinding hindi ko kayo pababayaan. Mahal kita Ryee Ingrid Carson, akin ka lang." Sinuot nito sakin ang singsing.

"I pronounce to y'all husband ang Wife.." Sabi ng Pari. "Groom, you may now kiss your bride."

Mabilis namang tinaas ni Archer ang belo ko at hinalikan ako, dinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga taong nasa paligid namin.

"SANA ALL!" Dinig kong sigaw ni Rycher

Natatawang nilingon ko ito, tumawa lang ito at tumakbo palapit samin.

"Congratulations po." Sabi nito

Binuhat ito ni Archer. "Salamat Anak."

Nag-picture taking lang kami bago dumiretso sa reception–sa bahay namin ni Archer.

"Congrats." Bati samin ni Ezar

"Salamat." Tugon ko

"Thanks Ezar."

Nagpatuloy ang celebration namin hanggang sa papuntahin na ako sa gitna para ihagis ang bulaklak. Kunwaring tumalikod ako pero agad din akong humarap at inabot kay Madeline ang bulaklak.

"Luh?"

"Tingin ka sa likod mo?" Nakangiting sabi ko na agad niyang ginawa.

"Bakit ka nakaluhod diyan Karson? Hindi naman ako si Lord." Sabi ni Madeline kay Karson

"Baby, I'm going to propose to you." Sagot ni Karson. "I'm sorry for hurting you Madeline, promise I won't hurt you again.." Naglabas ito ng singsing. "So, will you marry me?"

"Yes na Mamu, ilaban mo yan!" Tili ng Anak nilang lalaki...ata?

"Go na Mamu, support po namin kayo." Sabi ng isa pa nilang Anak

"Aba'y, tatanggi paba ako? Yes na yes na." Sagot ni Madeline

Agad sinuot ni Karson ang singsing dito, nagpalakpakan naman kaming lahat.

Nasa ganon akong posisyon ng may humila sakin at dinala ako sa isang kwarto.

"Mahal, I'm horny." Sabi ni Archer at agad sinira ang wedding gown ko. "I love you."

"Mahal din kita Archer..."

'Love is full of sacrifice pero kung kayo talaga, then go!'






–END

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon