17

47K 1.8K 403
                                    

RYEE



    "LOLLIPOP..."

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon ang taong matagal ko ng hinihintay na bumalik.

Bumalik na si Lollipop ko...

"Are you Ryee Ingrid?" Malamig na tanong nito

Napawi ang saya ko ng magsalita siya, bakit ko ba nakalimutan yung sinabi ni Kuya Ryan? Hindi niya na nga pala kami kilala, nakalimutan na niya ako.

Tumikhim ako. "O-Oo."

"I'm here because I need to discuss something to you." Malamig na sabi nito.

"Ah, p-pasok." Niluwagan ko ang bukas ng pinto. "U-Upo ka muna, kumakain kasi kami."

"It's okay, I'll wait."

Sumulyap muna ako sa kanya uli bago bumalik ng kusina.

"Sino yun?" Tanong ni Nanay.

"Bumalik na siya." Sagot ko at ngumiti ng tipid. "Hindi nga lang bilang Lollipop natin kundi Archer Carson."

"Nasa sala daw siya, may sasabihin sakin." Dagdag ko pa.

Tumango lang sila, tinapos namin kaagad ang pagkain.

"Abriella, pwede bang dito muna kayo? Wag mong palalabasin si Rycher ng kusina." Sabi ko. "Ayokong makita siya ni Lollipop."

"Bakit?" Takang tanong ni Rycher. "Gusto ko maki-chismis."

"Makinig ka sakin!" Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin kaya napayuko na lang siya. "Wag kang makulit Rycher."

"Opo."

Nagtungo na kami sa sala, nadatnan naming nakaupo pa rin si Archer at seryoso lang ang muka.

"Sorry for interrupting your eating." Pormal na sabi nito. "I'm Archer Carson."

"Alam namin." Sabi ni Rychee. "Maupo na tayo."

Nagsiupo naman kami.

"Bakit ka nandito Lol–Archer?" Tanong ko

Sana sabihin niyang, nandito ako Ryee kasi nangako akong babalikan kita.

Pero malabo

"I'm here because my Boss want me to bring you to him." Sagot nito. "Mr. Jefferson Ingrid, your father."

Father?

"Gago? Manuel Ingrid pangalan ng Tatay ko." Naguguluhang tumingin ako kay Nanay. "Nay, anong sinasabi nito?"

"Aning pa yata yan." Bulong sakin ni Rycher. "Sampalin mo nga baka sakaling magising."

"He's telling the truth." Seryosong sabi ni Kuya. "Hindi si Manuel ang Tatay natin, siya lang ang Bodyguard ni Papa na nagtakas satin."

"Ryee, Rychee, lumayo ako sa Ama nyo." Ngumiti ng malungkot si Nanay. "Tarantado at Putangina kasi ang Ama nyo, ang alam lang niya ay dalawa ang Anak namin, hindi niya alam na may Rychee pa."

Malakas kong sinampal ang sarili para sana magising, kaso mukang totoo ang lahat ng ito. Tangina!

"Mafia ang Tatay natin." Sabi ni Kuya. "Lahat ng kaaway niya ay tayo ang puntirya kaya lumayo kami ni Nanay para sa kaligtasan nyong dalawa Ryee, lalo kana dahil akala nila ay ikaw ang tagapagmana ni Papa pero hindi, dahil ang magmamana ng trono niya ay ang bunso."

"A-Ako?" Tinuro ni Rychee ang sarili niya. "Gago, ayoko nga halos mamatay na ako maging Piloto lang tapos magmamana lang ako ng trono ng Mafia?"

"Puta naguguluhan na ako!" Napahilot na lang ako sa sintido ko. "Kailangan ko ng maayos na paliwanag."

"Dadalhin ko kayo sa kanya para maliwanagan kay–" Natigil sa pagsasalita si Lollipop at tulala lang napatingin sa likuran ko.

Nagtatakang napatingin ako sa likuran ko, nanlaki ang mga mata ko ng makita si Rycher na nakatayo doon habang inosenteng nakatingin samin.

Tangina!

Tumawa ako ng peke. "Kuya, yung Anak mo."

"Ah, oo." Tumayo si Kuya Ryan at binuhat si Rycher. "Sabi ko sayo Golden sa kusina ka lang eh."

May binulong dito si Kuya Ryan, tumango naman ang Anak ko.

"Ihh, gusto ko sundan si Na–Ryee eh." Nakangusong sagot nito at tumingin kay Archer. "Wow, pogi mo po."

"T-Thank you." Umayos ng upo si Lollipop habang na kay Rycher pa rin ang tingin.

Kita mo 'yang batang yan Lollipop? Ginawa natin yan nung Aning kapa, galing mo eh, aning kana, nakabuo kapa.

"Hala, Ate Ryee sorry tumakbo bigla si Ry–"

"–Okay lang yun Abriella." Putol ko sa sasabihin niya dahil baka mabuko pa kami.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ni Lollipop kay Abriella. "Tell me, inutusan kaba ng Tatay mo huh!?"

Inutusan?

"Hindi inutusan yan, pinalayas lang." Sagot ko.

Napahinga na lang ng malalim si Lollipop bago tumayo. "Aalis na tayo ngayon."

Dire diretso itong lumabas kaya sumunod na lang kami, sumakay kami sa isang Van na si Lollipop ang driver.

"Papa Ryan, kinikidnap ba tayo?" Tanong ni Rycher. "Kasi sabi nila na nangingidnap daw yung may van na corol white."

"May pupuntahan lang tayo." Sagot dito ni Kuya. "Quiet ka muna, okay?"

Nasa gitna kami ng byahe ng bigla na lang may nagpaputok ng baril sa likuran namin kaya napayuko kami.

"JUSMIYO PUTANGINA!" Si Nanay yan. "GAGONG TATAY MO NA YAN, PIPISAIN KO TALAGA ITLOG NIYA!"

"Don't panic, my Van is bulletproof." Walang emosyon sabi ni Lollipop at binilisan ang pagmamaneho.

"Nay, ano bang nangyayari?" Inosenteng tanong ni Rycher.

"Tumahimik kana lang." Sagot ko at niyakap siya. "Lord, kung mamamatay man ako, unahin mona yung driver."

"What!?"

Hindi ko alam kung anong ginawa nitong drive basta ang alam ko ay para akong sumakay sa rides. Maya maya pa ay huminto ang Van kaya agad akong bumaba at sumuka sa isang tabi

"Hinding hindi na ako sasakyan sa Van na yan!" Inis kong sabi

"Hey, Are you okay?" May kamay na humaplos sa likod ka. "Sorry for that."

"Sorry mo mu–" Natigil ako ng makita ang maamo at may pag aalala niyang muka. "Okay lang yun, gusto mo ulitin natin eh."

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon