8

43.7K 1.9K 219
                                    


Sa part na story na'to ni Archer, wala na dito si Emery–wala na si Emery sa puder ni Ezar. Skl




RYEE

    NANG MAGISING ako ay wala na si Lollipop sa bahay, pati na rin si Kuya at Rychee.

"Magandang umaga Ate." Bati sakin ni Abriella. "Kumain kana po, I made pancake and coffee for you."

"Salamat." Nginitian ko siya bago dumiretso ng kusina.

Nagmumog ako at naghilamos bago magsimulang kumain. Bet ko naman ang asawa ni Rychee, maganda at mukang mabait.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan kona iyon bago magtungo sa sala, nadatnan ko si Abriella na nakaupo at tulala.

"Nasan si Nanay?" Tanong ko dito. "Nakita mo ba?"

"Mag-ma-mahjong daw po si Nanay." Magalang na sagot nito

"Sige, dito ka lang at maglalaba ako sa poso." Sabi ko na ikinatango niya lang.

Kinuha ko ang isang basket naming labahin, nagtungo ako sa poso ng kapitbahay namin.

"PALABA!" Malakas kong sigaw.

"Aba'y maglaba ka, wag ka ng magpaalam." Sabi ng masungit na si Pururot.

Inirapan ko lang siya bago magsimulang maglaba. Konti lang naman ang labahin dahil naglaba na si Nanay nung makalawa.

"Ryee..." Malanding tawag sakin ni Louisa.

Isa siya sa mga ex chicks ko.

"Oh?" Walang ganang tanong ko. "May kailangan ka?"

"Na-meet ko yung alaga mo, ang gwapo." Konti na lang magiging heart shape na yung mga mata niya. "Halata ding Daks, lakad mo naman ako oh."

"Ayoko nga, bata pa yun."

"Matanda na yun, isip bata lang. Pwede kona din pagtiyagaan."

Anong akala niya sa Lollipop ko bagay?

Itinaas ko yung pamukpok na dala ko. "Kita mo'to? Kapag hindi ka umalis sa harap ko, ipupukpok ko sayo ito."

"Sungit mo!" Inis itong tumayo at umalis.

"Malandi ka kasi!"

Bumalik na lang sa paglalaba, maya maya pa ay natapos na ako. Sinampay ko ito sa likuran namin bago pumasok sa loob.

"Gusto mo ng meryenda?" Tanong ko kay Abriella.

"Hindi po Ate, okay lang ako.." Ngumiti ito pero halatang peke, kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Umupo ako sa tabi niya. "Huwag na huwag mo akong ngingitian kung hindi ka talaga masaya."

Nawala ang ngiti nito at napalitan ng malungkot na muka. "Sorry po, nami-miss ko lang po kasi sila Daddy."

"Wag mo silang ma-miss, hayaan mong sila ang maka-miss sayo." Sabi ko. "Wag kang mag alala dahil siguradong hindi ka rin nila matitiis, wag ka ding mahihiya dito samin dahil Pamilya kana din namin."

"Salamat po Ate Ryee."

"Walang anuman, sige na wag ka ng malungkot. Ayokong makita nakasimangot ang Pamangkin ko kapag lumabas."

Natawa ito. "Opo hindi na po."

Nginitian ko muna siya bago magtungo sa banyo at maligo saglit. Saktong pagkatapos ko ay ang pagdating ni Nanay.

"Nay, lalarga ako, bantayan mong mabuti si Abriella."

"Saan kana naman pupuntang bata ka? Puro ka lakwatsa, hindi ba napapagod 'yang paa mo kalalakad huh?–"

Hindi kona siya pinatapos sa sermon niya dahil agad akong tumakbo palabas. Siguradong ilang minuto ang sermon nun kapag pinatapos kopa siya

Nagtungo ako sa plaza para mandukot, syempre yung dinudukutan ko ay yung mga gago lang at mandurukot din.

Napangisi ako ng makita ang grupo nila Chett–grupo ng mga mayayabang at mandurukot.

Pasimple akong dumaan sa likuran nila at mabilis na kinuha ang wallet nila, napangisi ako at nagtago sa isang eskinita. Mga bobo!

"Akina yan." Mabilis akong napalingon sa nagsalita.

"Angge!" Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Long time no see."

"Tsk, nakita ko ginawa mo kila Chett."

"Sus, naunahan lang kita eh."

Natawa lang ito bago ako tapikin sa balikat. "Sige na Alis na ako, hinihintay ako ni Irene at nung mga bata."

"Oh eto." Nilagyan ko siya ng five hundred sa bulsa niya. "Bilhan mo sila ng pasalubong."

"Salamat."

Eksperto itong umakyat sa mataas na bakod. Napailing na lang ako sa ginawa nito, kinuha ko yung mga pera sa wallet bago itapon ang mga wallet.

Nagtungo ako sa botika para bumili ng vitamins at gatas para sa buntis.

"Ano po inyo?" Tanong nung babaeng tindera

Ganda! Wiwit

"Vitamins nga at gatas para sa buntis." Sabi ko dito sabay kindat

Namula ang pisngi nito bago mabilis na umalis para kuhanin ang mga binili ko.

"Five hundred sixty po." Sabi nito

Dumukot naman ako ng six hundred at inabot sa kanya. "Keep the change miss beautiful."

Nag-flying kiss ako sa kanya bago tuluyang umalis, napakagandang dilag, bagay na bagay kaming dalawa.

Pipito pito ako habang naglalakad pauwi samin, kailangan ko ng ihanda ang susuotin ni Lollipop para sa pamamasyal namin mamaya.

"Nay! Andito na ako–" Napahinto ako ng may makita akong lalaking nakaupo.

Walang emosyon ang muka nitong nakatingin sakin kaya medyo nakaramdam ako ng takot.

"Sino ka?" Maangas kong tanong dito. "Hindi ka naman mukang akyat bahay."

"Ezar Carter." Tipid na sagot nito kaya napatango ako.

Lumabas si Nanay ng kusina na may dalang baso ng juice, kasunod nito si Abriella na hatalang hindi mapakali.

"Nay, kilala mo ba yan? Anong ginagawa niya dito?"

"Anak, kapatid siya ni Lollipop." Sagot ni Nanay na ikinatigil ko.

"I'm Ezar Carter and the one who called you Lollipop is my brother..."

Sakto namang pumasok si Lollipop na may masayang ngiti sa muka at madungis

"RYEE!" Mabilis itong yumakap sa bewang ko. "Masaya ako kasi dami kong kita, yehey! May pambili na ako ng Lollipop at superman toy!"

"What the fvck!?" Nanlaki ang mga mata nitong si Ezar habang nakaawang ang mga labi..

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon