25

43.6K 1.4K 101
                                    

RYEE


   "NAY, NASAN YUNG MAG AMA KO?" Tanong ko

Nang magising kasi ako ay wala na sila sa tabi ko, wala din sila nung lumabas ako ng kwarto.

"Nadaanan ko sila nung bumili ako ng tuyo, nakikipaglaro sa mga bata." Sagot nito. "Umupo ka muna at kumain."

Tumango na lang bago umupo at nagsimulang kumain.

Pinagmasdan ko si Nanay parang ang happy niya ngayon at ang fresh, napansin ko din yung buhok niyang ayos na ayos.

"Nay, saya natin ah?" Nginisihan ko siya. "Nadiligan ka ni Tatay?"

"Nilunod ako sa dilig kagabi ng Tatay mo." Sagot nito kaya napangiwi ako. "Ayan tuloy puyat na puyat."

"Nanay, kadiri, kumakain yung tao eh."

"Ikaw nagsimula." Umirap ito sakin. "Makadiri ka, parang hindi ka nadiligan ah?"

"Hindi ako dinidiligan ni Archer, no dilig hangga't hindi kinakasal."

"Malalanta ka nyan." Tumawa ito ng parang bruha at lumabas ng kusina.

Ibang klase madiligan yung Nanay ko, nagiging baliw.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako para hanapin ang mag ama, nakita ko sila sa may court na naglalaro ng basketball.

Naka-sando lang si Archer kaya kitang kita ang maganda niyang katawan, ang daming malalantod na nanonood at kulang na lang maglaway.

"Kapag ako inaya niyan, isang linggo kaming hindi titigil." Dinig kong sabi ni Bundang. Kapitbahay naming mataba na may tatlong asawa

"Mahiya ka Budang." Sabi ko kaya napatingin sila sakin. "Tatlo na asawa mo, dadalihin mo pa yung akin."

Inirapan ko siya bago pumwesto sa pinakaharap, napatingin naman agad sakin si Archer. Binigay niya yung bola kay Rycher bago ako lapitan

"Nag aya si Rycher, mahimbing tulog mo kaya hindi na kita ginising." Sabi nito at hinalikan ako sa labi. "Btw, Good morning."

"Good morning din." Nginitian ko siya. "Pawis na pawis ka."

"I have a towel here." May dinukot siyang panyo sa bulsa niya

Kinuha ko sa kanya yun at pinunasan ang pawis niya.

"Hindi paba kayo tapos maglaro?" Tanong ko

"I promise to Jahmod that we we'll playing until he want." Tugon nito. "Namiss ako ng mga bata, gusto ko silang pagbigyan."

Lalo akong napangiti sa sinabi niya, kahit bumalik yung alaala niya at matino na ang pag iisip niya hindi pa rin niya makalimutan yung mga batang nakasama at nakalaro niya.

"Okay lang, manonood na lang sa inyo." Sabi ko

"Nanay!" Napatingin kami kay Rycher na tumatakbo palapit samin. "Nanay!"

Tumalon ito kaya agad ko siyang binuhat. "Amoy pawis na ang batang matakaw sa dede."

"Lalaro kami Nanay, masaya kalaro si Tatay po." Sabi nito.

"Wag kang mang aaway ah?" Pinunasan ko ang pawis niya sa likod. "Kapag gutom kana, puntahan mo lang ako dito. Panonoorin kayo ni Nanay."

"Opo!"

Bumalik na yung dalawa sa court, umupo naman ako sa hagdan at pinanood sila. Umayaw sila sa basketball at ngayon ay naghahabulan sila.

"Taya Ate Obry, habol mo ako." Sabi ni Rycher sa pinsan

Hinabol naman siya ni Obry, natawa na lang ako dahil hindi makataya si Obry dahil ang bagal niyang tumakbo.

"Ayaw kona, pagod na ako!" Umupo ito sa gitna ng court.

"Ayaw na daw ni Obry." Nilapitan ito ni Archer. "Punta ka kay Tita Ryee mo."

"Opo!" Tumakbo naman palapit sakin si Obry.

Pinunasan ko ang likod niyang pawisan at inayos ang pusod niyang gulo gulo na.

Naglaro lang sila ng naglaro, halos lahat yata ng larong kalye ay nilaro nila, huminto lang sila nung alas ten na.

Pagod na pagod ang mga itong umupo malapit sakin.

"Sino gustong meryenda?" Tanong ni Archer

"Gusto namin kaso wala kaming pera." Sabi ni Wally. "Lilibre mo ba kami?"

"Syempre naman, diba dati ako ang nililibre nyo?" Sagot ni Archer kaya napangiti ang mga bata

Ngayon pa lang nakikita ko ng hindi magsisisi si Rycher na si Archer ang naging Tatay niya.

"Ryee, daan mona tayong tindahan nila Burikit bago tayo umuwi." Sabi nito at tumango lang ako.

Buhat niya si Rycher habang buhat ko naman si Obry tapos yung mga bata ay kasunod namin.

"PAGBILAN!" Malakas na sigaw ng mag ama. "PAGBILAN!"

"Ito na lintik!" Inis na sabi ni Burikit. "Makasigaw, bibilhin nyo ba ang tindahan ko?"

"Hindi po." Sagot sa kanya ni Rycher. "Konti na lang po tinda nyo eh."

"Heh! Ano ba inyo!?"

"Sampung coke mismo po tsaka dalawampung fudgee bar." Sagot ni Archer. "Magkano po?"

"Sandali!"

Inabot ni Archer ang softdrinks sa mga bata, syempre pati kami meron maliban kay Rycher kasi bawal. Yung fudgee bar naman ay tig-da-dalawa kami.

"290 lahat." Sabi ni Aling Burikit

Nagbayad si Archer ng five hundred. "Keep the change ho."

"Thank you Kuya Lollipop!"

"Laro ulit tayo bukas ah? Kapag wala kang gagawin!"

"Oo, sige uwi na kami."

Kumaway muna kami sa mga bata bago sila talikuran.

"Nanay, gusto kong coke." Nagpapa-awang sabi ni Rycher. "Konti lang po tapos inom akong maraming water mamaya sa bahay."

"Konti lang naman." Sabi ni Archer. "Hahatian kona lang."

"Sige, basta iinom ka ng maraming tubig mamaya sa bahay ah?"

"Opo, Thank you Nanay, Thank you Tatay..love you."

"Nang uuto ka lang eh."

Humagikhik lang ito bago uminom sa coke ni Archer.

Si Archer na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay, kapag iyan nawala pa, hindi na ako mag aasawa.








A/N: LAST UD..HINDI KO ALAM NEXT UD KO DAHIL WALA NA AKONG LOAD. AS OF NOW GUMAGAWA LANG AKO NG PARAAN HEHE.

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon