5

45.6K 1.7K 354
                                    


RYEE


   "RYEE!" Napalingon ako kay Lollipop na kapapasok lang ng bahay.

Sobrang dungis nito kaya napangiwi na lang ako, hawak nito ang laylayan ng damit niya kaya kita ang tiyan niyang may abs.

"Anong itsura yan Lollipop?" Kunot noong tanong ko. "Ibaba mo nga 'yang damit mo, gusto mo talagang ginagahasa ng mata ng mga kapitbahay natin."

Nakangusong lumapit ito sakin. "Ryee, nakipaglaro ako ng text, nanalo ako!"

"Oo na, dumiretso kana sa C.R at maligo." Sabi ko dito. "Amoy pawis kana."

"Ryee, paliguan mo ako." Nakangusong sabi nito. "Wala si Kuya, kaya ikaw na lang."

"Ay hindi, matuto kang maligo mag isa." Tinulak tulak ko siya. "Sige na, ihahanda kona yung damit mo."

Wala si Nanay, nagpunta sa school ni Rychee dahil kuhaan ng card, si Kuya naman ay nasa trabaho kaya dalawa lang kami ngayon ni Lollipop dito sa bahay.

"Sige, basta yung superman kong damit ah?"

"Oo na sige na."

Tumakbo naman ito papuntang C.R, ako naman ay hinanda ang susuotin niya bago bumalik sa kusina para patayin yung kalan.

Umupo ako sa upuang kahoy namin at binuksan ang T.V, kainis, dapat ngayon ay nagsusugal ako eh!

"RYEE! TAPOS NA AKO!!" Sigaw ni Lollipop na bigla na lang sumulpot sa harap ko

Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil wala siyang takip miski isa at yung anaconda niya ay malapit sa muka ko.

"A-Ang laki!" Wala sa sariling sambit ko. "T-Tangina!"

"Sabi sayo laki putotoy ko eh." Pagmamalaki nito.

Nabigla ako ng tumigas ito at lalo pang lumaki. Gago, anong nangyayari?

"Ryee, lumalaki pa putotoy ko." Sabi nito. "Anong gagawin ko?"

"Tangina!" Mabilis akong tumayo at dinampot yung brief niya. "Isuot mo."

Kinuha naman niya ito at agad sinuot, binigay ko din sa kanya yung short niya na agad niyang sinuot.

"Ryee, superman!" Nginuso nito yung damit

"Yuko ka, isusuot ko sayo." Agad naman siyang yumuko kaya sinuot kona sa kanya yung damit.

Hindi ko makalimutan yung Anaconda niya, ang laki laki! Tangina yan!

Umupo kaming dalawa at nanonood na lang, maya maya pa ay dumating na sila Nanay. Lukot na lukot ang muka ni Nanay samantalang si Rychee ay namumula ang mga mata na halatang galing sa pag iyak, may kasunod silang isang dalagitang maganda na halatang kagagaling din sa iyak.

"Nanay, kamusta grades ni Rychee?" Tanong ko

"Pasado." Sagot nito kaya napangiti ako

"Naks, congrats utol!" Tinapik ko ito sa balikat. "Dadagdagan ko ang baon mo, ikaw na ang mag-aahon sa'min sa hirap."

"Ate!" Bigla na lang itong umiyak. "Sorry Ate.."

"May problema ba?" Takang tanong ko at binalingan yung magandang dalagita na umiiyak na din. "Sino yan?"

"Yang magaling mong kapatid!" Galit na dinuro ni Nanay si Rychee. "Habang nag aaral may binubulog! At ang babae niyang kasama ay nabuntis niya!"

Nawala ang ngiti sa muka ko.

"Alam mo naman ang hirap ng buhay natin Rychee! Ikaw na lang ang inaasahan na'ming mag aahon samin sa hirap!" Dagdag pa ni Nanay na maluha-luha. "Nagpapakahirap kami para sayo, para sa kinabukasan mo tapos nagtatanim kana pala ng semilya!? Tangina, ano bang pagkalukulang pa namin huh!?"

"Sorry Nanay." Iyak lang ni Rychee. "Sorry Ate."

Hindi ko siya sinagot, pinagsususuntok ko lang siya na hindi niya iniiwasan.

"Pinagmamalaki kita! Huminto ako sa pag aaral para sayo!" Singhal ko dito. "Lahat ng luho mo binibigay namin, tapos ganito lang? Paano na 'yang pag aaral mo huh!? Alam mo namang sobrang hirap natin, may mga utang pa tayong hindi nababayaran tapos..." Tumulo na lang ang luha ko. "Rychee naman!"

"Ryee, tama na.." humarang si Lollipop at tinakpan si Rychee. "Dudugo na muka ni Rychee, tama na, wag muna suntok Rychee."

Binalingan ko yung babae. "Alam ba ito ng magulang mo huh!? Alam mong bata pa kayo tapos naisipan nyo na ang ganong bagay!"

"Sorry po." Iyak nito. "P-Pinalayas po ako nila Daddy."

Sinubukan ko ulit abutin si Rychee pero humarang si Lollipop. "UMALIS KA DIYAN!"

"Ako na lang saktan mo, wag na Rychee." Nanggigilid ang luhang sabi nito. "Wag na Rychee.."

Pinahid ko ang mga luha ko at mabilis na lumabas ng bahay, kapag hindi ako umalis doon ay baka mapatay kona si Rychee.

Nagtungo ako sa plaza at umupo sa lagi kong tinatambayan kapag galit ako.

Gusto kong patayin si Rychee sa totoo lang, hindi ko tinuloy ang pagka-college ko para lang kay Rychee, pinasok ko ang pandurukot dahil gusto kong makatapos si Rychee dahil alam kong siya na lang ang mag aahon sa'min sa hirap tapos...tangina! Hindi ko alam na may girlfriend na pala siya at gumagawa na ng bata.

Ayos namang makipag-kantutan siya eh, pero dapat hindi niya pinutok sa loob o kaya nag-condom siya!

"Ryee?"

"Bakit ka sumunod?" Walang emosyong tanong ko dito. "Umuwi kana."

"Ayaw, gusto ko samahan ka." Umupo ito sa tabi ko. "Ryee, ayos ka lang?"

"Hindi ako okay!" Napahagulgol na lang ako. "Ano pa bang kulang sa binibigay namin kay Rychee!? Ginawa na namin lahat eh! Alam niyang mahirap lang kami tapos gumawa siya agad ng bata? Nangako siya na iaahon niya kami sa hirap eh!"

"Wag kana iyak." Niyakap ako nito. "Wag kang mag alala, magiging okay din lahat..tahan na Ryee, naiiyak din ako."

Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap niya...

"Salamat Lollipop ko.."

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon