6

44.4K 1.8K 300
                                    


RYEE


   "RYEE? HINDI PA TAYO UUWI?" Nakangusong tanong ni Lollipop. "Gugutom na ako."

Tanghalian na pala

"Umuwi kana at kumain." Sabi ko. "Bumalik kana lang mamaya."

"Ayaw." Umiling ito. "Gusto ko sabay tayo uwi at kain."

Ayoko pang umuwi, baka masaksak kona lang bigla si Rychee dahil sa sobrang gigil.

"Sige tara na." Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kanya.

Nakangiting tinanggap niya naman ito at tumayo, magkahawak kamay kaming naglalakad pauwi.

"Lollipop, tara laro." Yaya sa kanya ni Jahmod. "Habulan."

"Mamayang hapon na lang." Sagot ni Lollipop. "Kakain pa ako tapos matutulog, mamayang hapon lang ako pwede eh."

"Sige, sunduin ka namin mamaya."

Ilang minuto pa ay nakauwi na kami, nadatnan namin sila na tahimik na kumakain sa sala.

"Kumain na kayo." Sabi ni Nanay

"Ate.." Tawag sakin ni Rychee pero hindi ko siya pinansin at dire-diretsong lumabas lang ng kusina.

"Rychee, wag kana lungkot bukas kakausapin kana din ni Ryee." Dinig kong sabi ni Lollipop kay Rychee. "Happy ka lang ah? Kapag malungkot ka, lungkot din si Lollipop."

"Salamat Lollipop."

Nagsandok ako ng kanin at ulam bago bumalik sa sala, binigay ko yung isang pinggan kay Lollipop na agad niyang kinuha

"Hep, naghugas kaba ng kamay?" Tanong ko dito ng akmang kakamayin niya na yung kanin.

"Hindi pa pala." Mabilis itong tumayo at tumakbo patungong kusina. Maya maya pa ay bumalik din ito. "Linis na kamay ko Ryee."

"Very good, kain kana."

Tumango naman ito at nagsimula ng kumain.

"Anong plano mo ngayon?" Nag angat ako ng tingin kay Rychee. "Paano mo bubuhayin ang mag ina mo?"

"Magtatrabaho ako." Mahinang sagot nito

"At ang pag aaral mo?" Hindi ito nakakibo. "Ano titigil ka!? Sasayangin mo ang mga pinaghirapan namin para sayo huh!?"

"Magtatrabaho ako habang nag aaral.." Sagot nito

"Aba'y dapat lang, sinasabi ko sayo Rychee kapag ikaw huminto, lumayas kana dito." Sabi ko dito at binalingan yung nabuntis niya. "Ikaw anong plano mo?"

"H-Hihinto po ako sa pag aaral." Nakayukong sagot nito.

"Titira ka dito samin dahil pinalayas ka diba?" Tanong ko

Dahan dahan itong tumango. "Don't worry po may savings ako, tutulong po ako sa gastusin–"

"–Itabi mo yan para sa panganganak mo." Napahinga na lang ako ng malalim. "Sinasabi kona sa inyo, hindi madali ang buhay na kahaharapin nyo."

"Sorry Ate.." Sabi ni Rychee. "Sorry.."

"Nagawa mona, may magagawa paba ako?" Nagpatuloy ako sa pagkain. "Ewan kona lang kung anong magagawa sayo ni Kuya Ryan."

Tumayo ako at pumasok ng kusina, nilapag ko ang pinagkainan ko sa lababo at hinugasan.

"Ate.." May yumakap mula sa likuran ko. "Sorry, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko pero sana mapatawad mo ako, sorry kung nabigo ko kayo, sorry kung nabalewala ang paghihirap nyo para sakin.."

"Hindi rin naman yun dahil doon eh." Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko. "Rychee ayaw ka namin ni Kuya na matulad samin, ayaw ni Kuya na maging construction worker ka lang, ayaw kong maging mandurukot ka kagaya ko, gusto naming makatapos ka hindi lang dahil sa gusto naming maiahon mo kami sa hirap, gusto naming matupad mo ang pangarap mo at magkaroon ka ng magandang buhay.."

"Sorry.."

"Diba pangarap mo maging piloto? Hindi kapa graduating nag OJT kana, tao nga lang sinakyan mo hindi eroplano."

"Pangako tutuparin ko pa rin yun Ate para sa'tin, magtatapos ako pangako."

Hinarap ko siya. "Rychee, tuparin mo yan dahil kawawa ang Anak mo kapag nagkataon, magtapos ka ah? Bigyan mo ng magandang buhay ang Anak mo–Ang mag ina mo."

"Oo Ate." Niyakap ulit ako nito. "Thank you Ate.."

"Yakap kayo? Bakit hindi ako kasali?" Napahiwalay siya sa yakap ng may nagsalita. "Sali dapat ako."

"Halika dito." Aya ko sa kanya

Lumapit naman siya samin, nag-group hug kami sa kusina.

"Hindi na kayo aaway?" Tanong ni Lollipop. "Bati na kayo? Hindi kana galit kay Rychee, Ryee?"

"Hindi na." Sagot ko. "Sige na, ilagay mona yung plato sa lababo at huhugasan ko."

"Hindi, si Lollipop maghuhugas." Nagtungo ito sa lababo at hinugasan ang pinakainan niya.

Nagtungo kami sa sala at umupo sa lapag ni Lollipop, si Rychee naman ay nilapitan ang asawa niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa babae.

"Abriella Iñigo po." Sagot nito

Iñigo? Parang Pamilyar pero nakalimutan ko kung saan ko narinig.

"Anak ka ni Tarry Iñigo?" Seryosong tanong dito ni Nanay at tumango naman ito.

Kita ko ang lalong pagbabago ng ekspresyon ni Nanay na ikinataka ko lang.

"Bakit po Nanay?" Tanong ko. "Kilala mo?"

"Crush ko lang dati." Sagot nito at tumawa. "Gwapo Tatay niyan."

"Mas gwapo pa sakin?" Nakangusong tanong ni Lollipop

"Mas gwapo ka." Sagot ni Nanay. "Kung maaanakan mo si Ryee, ganda ng magiging resulta nung baby nyo."

"Nanay!" Pinanlakihan ko siya ng mata

"Baby?" Tumingin sakin si Lollipop. "Ryee, gusto kong baby."

Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito, bwiset na aning 'to.

"Bata kapa." Sabi ko dito. "Bad yun para sa mga bata."

"Ede pag malaki na lang ako." Sabi nito at humiga sa lapag tsaka ginawang unan ang hita ko. "Tutulog na ako, gusto ko laki agad para gagawa na tayo ng baby."

Jusko! Ayoko! Ang laki kaya ng Anaconda mo!







A/N: ARCHER MALAKI KANA, UMURONG LANG UTAK MO

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon