PROLOUGE

483 21 17
                                    

Mataas at matayog na metal gate, at ang pakorbang sulat sa itaas na "Brawny University".

Sementadong lupa kapag ika'y papasok sa unibersidad na ito at ang kulang berdeng bilog ng paaralan at napapaligiran ng mga upuan.

Amoy ng kalikasan, pagsinag ng araw, pagsayaw ng mga puno at ang pagkanta ng mga ibon.

Ang unibersidad na ito ay may apat na matatayog na buildings, ito ay Elementary, High School, Senior High at College Building.

Sa bawat building ay may library at cafeteria.
Meron ding isang malapad na lupain kung saan naroon ang student hall, basketball court, field, at lecture hall.

--*--

9 : 00 a.m

Tahimik ang buong paaralan.

Lahat ng mga estudyantr ay nasa kanilang silid-aralan na.

Pero ang lalakeng nakasuot ng unbottoned white uniform ay kasalukuyang umaakyat sa hindi kataasang sementadong pader dahil under contruction pa ito.

Mukha siyang spy pero medyo mahina.

Hindi naman siya nahirapang umakyat sa pader dahil may bag nga siya.. wala namang laman.

He is Zarden Darwell, Grade 10 student at may mayang pamilya, ang papa niya ay isang successful businessman habang ang kaniyang mama ay isang famous model sa New York. Nakatira siya sa maganda at malaking bahay, may mamahaling mga gamit, pag-aari ng tatlong sasakyan.

Pero.

Hindi pa rin siya kuntento, hindi dahil sa kung anong mayro'n siya, kun'di sa kung anong pamilya na mayro'n siya.

Divorced na ang parents niya pero may koneksyon pa rin sa kaniya at sa isa't-isa.

Minsa nga ay sabay na kumakain, nag-uusap sila pero hanggang do'n lang. Wala na ang tawanan.

Nagbago na.

Mayroon na siya halos lahat pero ang magkaroon ng permanente, kompleto na pamilya ay wala siya.

For him..  His life sucks.

Konting tiis nalang ay makakalabas na sana siya ng Brawny University pero-- "Hoy anong ginagawa mo d'yan!" sigaw ng isang security guard.

Walang pag aalinlangang tumalon si Zarden papuntang kabila kung saan naghihintay ang squad niya na nakasakay sa sasakyan, galing din sila sa ibang university at nagcutting classes.

Tatayo na sana siya pero natumba siya uli dahil sa batong nakaharang.

The worse is, na sprain siya.

"Shit!" He cursed.

"Bro! Bilisan mo! The guards are coming!" Iritableng sigaw nung nasa loob ng sasakyan.

"Wag ka ngang uupo lang d'yan, bro! Malayo yan sa bituka, lets go!" 

Tumingin si Zarden sa mga kasquad niya na naiinis dahil sa tagal. 
Hindi siya makatayo dahil sa sprain.
Nilingon niya ang mga guards na tumatakbo palapit sa kaniya.
Pilit siyang tumayo at nagawa niya rin.

Malapit na sana siya sa sasakyan pero biglang pinaharurot ng nagmamaneho.

"Sorry bro! Next time nalang!" Sigaw pa nito habang kinaway-kaway ang kamay sa labas ng bintana hanggang palayo ito nang palayo.

"Hey!---" may dalawang taong humawak sa balikat niya. "Fvck." He mumbled when he knew who are they.

"Oh ano.. mag cacutting classes ka?"

"Is it not obvious?" pilosopo niyang sagot.

"Tsk tsk, iniwan ka na nila kaya kami na ang kasama mo. Halika sa Dean's office." 

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now