CHAPTER 11

59 8 0
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Monday, school again. Kasama ko ngayon papasok ng university sina Avabella at Gael. Bumungad sa amin ang malaking tarpaulin na nasa gate ng University.

'Brawny University's Anniversary!'

Yes, anniversary ngayon ng Brawny, dahil bago ako rito naninibago ako sa mga maaaring activities at programs, isa na roon ang spelling bee at dahil ako ang top 1 ako ang ipapalaban. Sa totoo lang ayoko, pero wala na akong takas, nilista na nila ako.

Naglalakad kami papunta sa isang room ng college building, doon gaganapin ang spelling bee. Sina Avabella, Gael, at Flynn ang kasama ko ngayon, hindi namin nakasabay sina Archer at Zarden.

"Do what you can, Naj!" Puri ni Avabella.

"Pwede rin maghintay lang kami rito hanggang matapos ka, Naj," suhestiyon ni Gael

"'Wag na, kaya ko naman." Hindi pala namin akalain na nasa harap na kami no'ng room.

"Paano yan, mauuna na ako. Kita tayo mamaya!" Hinintay ko munang makaalis sila bago ako pumasok.

"Good morning, miss." Ikinagulat ko nang may bumati sa akin, nakaupo siya sa mesa habang nakahalukipkip kaya klaro ang laki ng balikat niya.

"Ginagawa mo rito?"

Inangat niya ang malaking id na parehong id na meron ako ngayon.

"Section E's Top 1 representative, I Zarden Darwell nice meeting you."

--

May apat na upuan lamang ang nandito at may white board. Tatlo lamang kaming magsespelling bee for grade 10. Section A, E, and I. Wala raw representative ang Section O, while Section U aren't allowed in any activities and competitions.

Habang nagreready pa ang gurong kaharap namin ay hindi ko maiwasang hindi lumingon kay Zarden na nasa harap ko at medyo malayo.

Top 1 pala siya sa Section E, napakurap ako nang may tumapon ng isang kumpol na papel sa ulo ko.

He chuckled softly when the paper ball landed on my head. Nilayo ko nalang ang tingin ko't kinagat ang ibabang labi. Nang-aasar talaga siya.

Sabi pa ng gurong nasa harap namin ay first round palang ito at may isang matatanggal hanggang sa dalawa nalang ang maglalaban, at gaya ng palaging nangyayari, there will be one person win this game and take the award.

Shane Alman - 6/10

Naja Blair - 8/10

Zarden Darwell - 9/10

"Nasa inyong dalawa lamang ang mananalo at kung sino man iyon ay makakatanggap ng award and prize, yes you heard it clearly, dalawa. The award will be get on Friday which is the last day of Brawny's celebration that will be held at the student hall, lahat ng estudyante pupunta roon," tumango tango lang ako kahit ang naiintindihan ko lang ay sa friday ang last day ng celebration. "While the prize is 20,000 pesos."

My eyes widened in shock.

"20,000 pesos?" It keeps running in my mind.

Kailangan ko ang perang 'yon para kay lola. Nalaman kong umuubo siya at medyo mahal ang mga gamot at kulang ang perang ibinigay ko.

May 3 minutes break daw kami kaya nandito lang ako't nakaupo habang iniisip kung okay lang ba ngayon si lola --halos humiwalay ang kaluluwa ko nang may umalog sa upuan ko.

"Daydreaming, huh?"

Napakurap ako at inayos ang upo.

"Ang galing mo, you got one wrong." Bilib na sabi ko sa kaniya.

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now