CHAPTER 12

58 9 0
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Nasa labas ng student hall kami naghihintay ni Archer na matapos ang group photo nila, dahil walang magawa inikot ko nalang ang tingin ko at napunta ito kay Zarden na nakatingin pala sa akin.

Nginitian ko siya, kasi naman ang seryoso ng mukha, lero walang effect, ang seryoso pa rin ng mukha at umiwas ng tingin.

Bumuntong hininga nalang ako, minsan talaga---ah hindi araw-araw talaga tinotoyo itong si Zarden.

Nahagilap ng tingin ko ang isang lalakeng may kasamang babae at kinakausap niya ito habang ang babae naman ay manghang- mangha sa mga sinasabi niya, halatang baguhan pa ang babae dahil hindi pa ito nakauniform at walang ID.

Nakita ako ni William dahilan para kumaway siya sa akin.

"Hi Naj!" Bati niya sa akin kasama iyong babae.

"Hi Will, kumusta--" may biglang tumakip sa mukha ko, sa buong katawan ko, ang likod niya ngayon ang nakikita ko.

"What are you doing? Do you think I will like what you're doing? You just said hi to Naja, tinamaan ka ba ng amnesia?"

Agad akong umalis sa pwesto ko at magkasing linya na kami nitong sumulpot.

"Zar nagbago na siya," pabulong kong sabi ni Zarden habang pinapatahan ang nakakumo niyang kamao.

Nakita kong nagulat at naguguluhan iyong babaeng katabi niya.

"H-Hey chill. I just want to say hi to my friend---" but Zarden cut him off.

"She's not your friend."

Napahawak ako sa bewang ko at hinarap si Zarden. Pinigilan din nina Gael si Zarden.

"Zar nagsorry na siya, maniwala ka."

Tumingin siya sa akin at binalik ang tingin kay William.

"Listen, Zarden. I'm not that guy anymore. I am a good boy now." Natatawa pang giit ni William.

"If that so, you better go, sa susunod na araw nalang kayo mag-usap ni Naja," ani Flynn.

My attention are now on Flynn. He's not the Flynn I've seen everytime he is infront or talking to William.

I smiled.

"O-Okay I will. Chill. Gusto ko lang sabihin sa inyo na good boy na ako para hindi maghalata itong katabi ko, oh." Medyo nahiya si William sa katabi niyang babae.

Nilingon ko silang dalawa at natatawa.

"Opo... good boy ka na po basta wag mo nang ulitin 'yung---"

"Oo na po hindi na! I promise!" Pinutulan niya ako ng sasabihin.

Naku! Naku! Ayaw niyang malaman nitong babae kung anong pinaggagawa niya na kagaguhan noon kaya pinutulan niya ako ng sasabihin.

"Oh sige, mag-ingat kayo, Will!"  I waved at both of them as they skedaddled.

Bumuntong hining ako at nilingon si Zarden na nakatingin na naman sa akin. Ang creepy niya talaga!

"Hindi na siya mambubully, 'wag kana mag-alala." I patted his hair.

Umangat pa ako ng kaunti dahil ang tangkad ng taong ito! Halos masubsub ako dahil umatras siya, nagulat at namumula ang tenga.

"W-What are you doing?"

Imbes sagutin ang tanong niya ay tinawanan ko siya at umalis sa harap niya.

Hay nakoo Zarden Darwell. Masanay kana kasi ganiyan ako kaclingy. Tinabihan ko si Flynn na naghihintay ring lumabas si Archer.

"Galing mo Flynn! Ang brave mo," kunot noo niya akong tiningnan at maya-maya'y ngumiti ito nang maintindihan ang pinapahiwatig ko.

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now