CHAPTER 22

69 6 0
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Dumaan ang ilang araw ay normal lang ang takbo. Magkakasama kaming anim pumunta sa school, at uuwi. Minsan din gagala kami every saturday.

Gaya ng palagi naming bonding ni Zarden ay hindi nagbago, nagulat nga siya nung kinabukasan binati ko siya ng good morning at parang wala lang.

Kaya inexplain ko sa kaniya na kahit ganoon hindi magbabago ang pagkakaibigan namin. Porket umamin siya hindi ko na siya papansinin.

Graduation na namin, we are moving up!

Nasa bahay kami ngayon ni Zarden, gusto raw ni Zarden dito ganapin ang salo-salo, kasama ang pamilya nina Avabella, Gael, Flynn tsaka Archer. Sayang wala na si lola.

I miss her.

Malaking bahay talaga ang bahay nina Zarden!

Kainan, tawanan at kwentuhan ang mga nagaganap.

Nasa loob ako ng cr dala-dala ang slimbag ko at kasalukuyang pinahid ang tubig na nasa gilid ng bibig ko.

Habang tumatagal mas gumagrabe ang sakit sa dibdib, dahil pinipigilan ko ang maubo. Tumatagal rin ay pahina ako nang pahina.

Alam ko naman na mangyayari ito.

Nagulat ako nang pagbukas ng pinto ng cr ay si Zarden ang nakita ko.

Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi siya kumurap.

"B-Bakit?" I stuttered.

Bigla siyang lumapit sa pader at sinandal ang noo roon at pumikit. Sinundan ko lang siya ng tingin. Minulat niya ang mata niya at tumingin sa akin.

"Natutunaw ako.." he mumbled.

Uminit ang pisngi ko't kumurap. Pinagsasabi niya?

"Pinagsasabi mo? Sige una na ako.." pero hinarangan niya ang daan ko.

"Basa ang damit mo, magkakasakit ka kapag tumuyo iyan sa katawan mo." Nag-aalala niyang sabi.

Agad akong napatingin sa damit ko't napangiwi nang maliit na basa lang ito.

"Maliit lang naman.."

"No. Come with me." Hindi pa nga ako nakatapos sa pagsagot ay hinawakan niya ang braso ko't hinila.

Huminto kami sa kwarto niya at binuksan niya ito. Pumasok siya at sinenyasan akong pumasok.

I roamed my eyes around, naging light gray ang room niya, hindi gaya dati na ang dilim. Ang astig rin ng table niya at computer. But there this one thing caught my attention, the polaroid picture glued on the wall.

Napangiti ako.

Ito iyong naggigrilling ang mama at papa niya. Hanggang ngayon ay hindi pa niya ito kinuha kaya ang ibig sabihin napakaspecial day niya iyon at ang saya ko kung ganoon man!

"Here. Just pick."

Ang dami ng hawak niyang damit na kinuha niya sa walk in closet. Agad nalang akong namili dahil nakakahiya na.

"Ito.." oversized t-shirt ito na kulay itim at may maliit na pulso na print sa gitna.

"Oh.." ngumiti siya. "That was Manang Cely's first gift to me when I turned 15," hindi nawala ang ngiti niya.

Umawang ang bibig ko't agad na binalik ang damit pero pinigilan niya ako.

"Iba nalang.. nakakahiya naman susuotin ko lang tapos regalo pala ni Manang Cely.." napangiwi kong sagot.

"Oh come on..kahit anong gawin mo pipilitin pa rin kita. That's yours already, pumili kapa kung gusto mo." Napakamot ako sa batok at tinulungan nalang siyang ibalik ang mga damit, nakakahiya na talaga!

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now