CHAPTER 4

71 10 0
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Mag-isa akong naglalakad ngayon papuntang paaralan. Sana nga mangyari iyong gusto kong mangyari. Napadaan ako sa bahay ni Flynn.

Oo nga pala nalaman ko na may pinuntahan si Flynn at ang pamilya niya na isang resort. Hindi ko alam kung saan, ang alam ko masaya silang magkasama sa isa't isa.

Kaya ako maagang pumunta dahil nalimutan kong sagutin ang assignment ko kagabi, dahil na rin sa antok. Nasa library ako ngayon at wala pang katao- tao. 
Nang matapos na ang pagsagot ko ay kinuha ko nalang ang sudoku book na dinala ko.
Napaaga pala ako masyado kaya nakatatlong game na ako ng sudoku.

"No no no, not there. It's number seven." someone voiced out at my back, sa boses pa lang ay ewan ko ba kung hindi ka makakangiti. 

Agad akong napalingon sa likuran ko. Wow..

I feel like.. kaharap ko ang isang.. ang isang nag-iisang oppa ng buhay ko--- joke lang!

Si Archer.

"H-Ha?" I stuttered.

"Number seven dapat ang ilagay mo d'yan." Sabay labas ng nakakatunaw niyang ngiti na isa sa nagpafall ng mga babae rito sa university.

"A-Ah oo number seven." Kumurap-kurap ako't sinulat nalang ang number seven sa isang maliit na box.

"Wow, nice one, Naja.. sige una na ako." Aniya sabay alis sa harap ko't ay shet! Nagpahabol pa ng goodbye!

Assumera na kung assumera! Crush din ba ako ni--- ay palaka!

May biglang pumilantik malapit sa mukha ko kaya natauhan ako. Sino naman ito?

"Ang aga mo ah?" Aniya habang na kay Archer lang ang tingin na palabas ng library.

Sinira ko nalang ang sudoku book ko at tiningnan ang oras.
7:30 na pala kaya marami na ang mga estudyante.

"Hindi, kakadating ko lang.." Sabay tayo ko at nilagay ang bag sa balikat ko.

Hinarang niya ang katawan niya sa daan kaya bumalik ako sa pagkaupo.  Naaamoy ko na naman ang pabango niya.

"Talaga ba? Ang alam ko, rito mo na cinontinue ang pagsagot ng assignment mo't naka three game kana sa sudoku at namula kapa no'ng lumapit sayo si Archer." Tumingala ako sa lalakeng mala-essay ang sinabi, he is also looking at me while smirking.

Tumuyo ang lalamunan ko sa mga sinabi niya. Talambuhay ko ngayon ang sinabi niya ah!  Tsaka namula pala ako? Sana hindi nakita ni Archer 'yun!

"Natapos mo na assignment mo?" sabay iwas ko ng tingin.

"Crush mo si Archer?" Dahilan para sapakin ko siya.

"Ouch! Who the hell told you that you can slap me?!" Umalis ang pagbablock ng braso niya kaya tumayo ako.

"Para kasing sasakyang nawalan ng preno iyang bibig mo't malakas din ang boses, kung marinig ka kaya ni Archer!" Pabulong na sigaw ko sa kaniya.

"Ahhh so crush mo talaga siya?" He looked at me suspiciously while his hands in his pocket.

"Isang tanong mo pa hindi na kita tuturuan sa pre calculus." I skedaddled infront of him.

"Then don't. I wouldn't help you today," agad akong napahinto at tiningnan siya ng nakakunot noo.

"Diba deal na? Tsaka wala namang kinalaman ang pre calculus ah! Eh paano yung ililibre?" Napahalukipkip ako.

"Let's say isa rin akong klaseng tao na malabo pagdating sa plano." 

"B-But it's already a deal!" I keep my voice not to be too high, we are at the library. 

"Did I say deal? I just nodded."

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now