CHAPTER 21

55 8 2
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Tahimik lamang akong nakaupo sa katapat ni Dr. Agustos habang siya ay nakayuko't tinitingnan ang mga papers at tinatanong kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Sabi mo, na ang pills na binigay ko ay hindi na tumatalab ng dalawang beses sa isang araw?"

Tumango ako.

"So you take it three times." Tumango ulit ako. Tiningnan niya ako't bumuntong hininga.

"Alam kong alam mo na kung bakit hindi na ito tumatalab, Naja."

Oo.. alam ko. Pero heto ako't umaastang wala lang, na maliit na problema lamang ito. Acting like I am more okay. Acting like i'm still fine.

"At kapag nagtagal ang pag-inom mo ay hindi na talaga ito tatalab dahil ang gamot ang mas magpapahina sa'yo." Dagdag ni Dr. Agustos.

Inilagay niya ulit ang mga papel sa isang envelope. "I'm sorry, Naja." Agad akong umiling sa paghihingi ng tawad ni Dr. Agustos.

"Hindi po, nagpapasalamat nga ako sa inyo dahil binigyan niyo ako ng mga gamot tapos libre pa.."

"Ang masasabi ko lang sa'yo Naja ay malapit nang mag-iisang taon ang sakit na iyan sa iyo. Kung sana nag oo ka sa pagpapatherapy. Okay ka na sana ngayon.. pero desisyon mo iyon kaya hindi na kita napilit. Ang pills na hinihingi mo ay wala ng ibang stock, at matatagalan pa ang magkaroon."

Hindi ako nagsisi na hindi mag-oo sa therapy dahil ginusto ko iyon. Pinag-isipan ko na ang hindi pagthetherapy dahil alam ko malaking pera ang mababayad ko at ayokong maging sakit sa ulo ako ng lola ko no'n kaya nilihim ko nalang at nanghingi ng tulong ni Dr. Agustos.

Binigyan niya ako ng libreng gamot na magpapakalma sa sakit ko. 'Yung mga araw din na iyon ay nag-exam ako sa Brawny University for scholar at nakapasa ako kaya doon na mag-aaral.

Ang totoo ay hindi ako ininvite ng Brawny na maging scholar. Ako ang lumapit sa kanila. Para kapag nasa siyudad na ako ay makakapag-ipon ako ng pera at ibibigay ko ni lola, at itong sakit ko ay hindi niya malalaman.

Pero 'yon na nga.. mapaglaro ang tadhana, iniwan na ako ni lola.

Tumayo na ako at nagpaalam na ni Dr. Agustos. Habang naglalakad ako sa corridor ng hospital ay marami akong nakakasalubong na pasyenteng naghihirap. Nararamdaman ko ang nararamdaman nila. Iba man ang sakit ko sa kanila ay alam ko ang pakiramdam.

Noon ay handa na ako na isang araw tapos na, handa na ako na sa isang iglap pipikit ako't hindi na gigising ulit. Pero ang totoo..

Ayokong mawala.

Isang bagay lamang ang pumasok sa utak ko na naging dahilan bakit gusto ko pang mabuhay.

Ang mga kaibigan ko.

Napagtanto ko na lamang ang sarili na nakasandal sa hindi mataong lugar at humagulhol. Walang nakakaalam. Ewan ko kung ilang oras akong umiyak sa posisyong iyon pero ang alam ko ay kailangan ko nang tumayo at magpatuloy. Wala namang silbi ang iyak na ito dahil hindi naman humuhupa ang bigat na nararamdaman ko. Baka dahil rin sa kakaiyak ko ay mahihirapan akong huminga.

Yes, I have a lung disease. A lung cancer.

--

Ilang araw ang lumipas ay normal lamang ang takbo. Katabi ko ngayon si Avabella na sinasabayan ang tugtog dahil sa kanta ng one direction. Nasa isang van kami ngayon papunta sa isang resort na plinano naming anim.

Nasa likod si Archer at Gael habang si Flynn at Zarden naman sa harap. Nasa gitna kami ni Avabella.

"The story of my life, I take her home..🎶 I drive all night to keep her warm. And time is frozen.🎶"

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now