CHAPTER 9

61 10 0
                                    


NAJA'S POINT OF VIEW

Napagpasyahan ko nang umuwi dahil malapit namang mag-gabi. Nakokonsesnya ako kay William, pero naaawa rin ako kay Flynn at Zarden.

Sasakay na sana ako ng taxi nang nahagilap ng aking mala-eagle eyes si Zarden, galit na galit na pumasok sa sasakyan niya at agad itong pinaandar.

May kung anong mga bulate sa utak ko na sinasabing sundan ko siya.

"Saan kayo Maam?"

"Sundan niyo po iyong kulay asul na sasakyan."

Nasa open entrance palang ako ng Hope University ay kitang-kita ko na ang mga estudyanteng nagtipon at nakikinood sa nangyayari. Nahagilap ko agad si Zarden. Dali-dali akong tumakbo palapit roon at nakisali sa mga nanonood.

"I'm not here to explain those shit you've questioned. I'm here to give you that punch, kulang pa nga eh." Bulalas ni Zarden sa lalakeng hindi ko kilala.

He can't stop his temper, I never saw him like that at kahit nakita ko man ay alam kong galit na galit siya, there's a blood on his fist while he was clenching it so hard. Ano bang nangyayari?

"Sana noon sinabi niyo sa akin na hindi ako belong sa inyo, hindi 'yung kaharap niyo ako pero sa pilit na paraan." Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni Zarden.

"W-What are you saying, Zarden? Tsaka bakit mo siya sinuntok?!"

"I know you know Gerald, don't act like you didn't, ikaw din Lim, alam kong alam mo rin pero ang ginawa mo ay ako pa ang pinigilan mo, such an ashole."

"'Wag mong ibaliktad ang kwento, Zarden. Ikaw ang sumira sa relasyon namin sa'yo. Ikaw."

"We promised to each other na walang iwanan. Gagraduate kami rito, ganoon ka rin, kaya ayaw ka na naming maging kaibigan ka dahil sinuway mo ang pangako nating apat." ani ng isang lalake na may dugo ang mukha.

A-Ano raw??? Ganiyan na pala? Porque umiba ng school 'di na friend?

"Hindi na pala kayo naging totoo sa akin?"

"Yes. Since you studied at Brawny." Giit ng isang lalake

I shook my head, no.. hindi dapat ito naririnig ni Zarden.

"It's not our fault Zar, it's you."

"Thats why you're not belong--" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nitong isa dahil humakbang ako palapit sa kanila.

"Excuse me! Dadaan ako!" Halos matumba pa itong may dugo sa mukha dahil sa lakas ng takwil ko sa kaniya.

"Hay nako! Nandito ka lang pala, Zarden!" Sabay lapit ko sa kaniya at hinawakan ang braso niya.

Aalis na sana kami sa harap nila pero pinigilan ako nitong makapal pa sa makapal ang kilay.

"Who are you?"

"Me? Who am I? Ofcourse ako lang naman ang isa sa tunay na kaibigan ni Zarden, hindi kayo kasali roon, sino ba kayo?-- ah school niyo pala ito, sige mauna na kami." Hinarap ko si Zarden na napakatalim ng tingin doon sa humarang.

"Halikana.." bulong ko sa kaniya.

Tinarayan ko pa ng tingin ang tatlong kunot na kunot ang noo.

Lakad takbo ang ginawa kong paghila ni Zarden, basta ang alam ko nagpapadala lang siya sa hila ko. Sinakay ko siya sa sasakyan niya, at ako ang nagdadrive. Sinong nagsabi hindi ako marunong????? 0_o

Kahit sa pagdadrive walang sali-salita si Zarden. Masakit talagang ipeke ng kaibigan, naramdaman ko rin 'yan noon.

Huminto ako sa isang lugar, hindi lang basta random place kun'di sa favorite place ko. Wala masyadong tao rito, at may isang bench na laging umaagaw ng atensyon ko.

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now