CHAPTER 5

64 11 0
                                    


NAJA'S POINT OF VIEW

Naglalakad ako papasok ng university na abot tenga ang ngiti dahil sa mga nangyari kahapon. Nakaramdam ako ng relief dahil nagkabati na sina Gael at Avabella. Baka magkasabay pa silang pumunta rito!

Napakunot noo ako nang may ibang estudyante na pinagtitinginan ako at sa mga phone nila. Anong problema?

"Diba siya 'yung kasama niya kahapon?"
"Baka kasali siya 'no?"
"Shh wag kayong maingay.."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa tuwing dadaan ako ay may nagbubulungan.

Kumakati na ang buong katawan ko sa koryusidad.

"Excuse me? Anong meron?" tanong ko sa isang kumpol ng mga estudyante.

Nang malaman ko ang dahilan ay dali-dali akong tumakbo papuntang principal's office.

--

ZARDEN'S POINT OF VIEW

I'm here at the principal's office, laguidly sitting infront of Flynn's parents and Flynn.

Paggising ko kanina bumaha lang naman ang social media ko ng pogi na nagvavandalism at may nakasulat pa na 'fat flynn'.

Nakakatawa pa roon, mukha ko ang naroon.

Wala akong maalala kagabi na ginawa ko iyon, dahil hindi ko naman ginawa, pero heto ako't pinatawag sa office.

"Tell us why did you do that Mr. Darwell." Ani Mr. Gajeles, our principal.

Tinikom ko nalang ang bibig ko't ayokong magsalita.

"Sabihin mo na na ikaw ang gumawa nun, hijo.." ani mama ni Flynn.

Tiningnan ko si Flynn na nakayuko.

"Ask your son if I really did that." Nakasandal lang ako sa upuan.

Tinaas ni Flynn ang ulo niya at nag aalalang tiningnan ako.

"Tell them. Nababagot na ako rito--"

"Mr. Darwell your language!" Mr. Gajeles cut me off.

I dont care.

"Hindi po siya ang gumawa nun.." Flynn stated.

"Then who's this guy in the picture? Dopolganger? Twin---" I cut Mr. Gajeles off.

"It's already 2022 Mr. Gajeles pero hindi mo pa rin alam ang salitang edited? Download the app picsart and you will know." I crossed my arms. "Feckless." I mumbled.

Bakit ba kasi hindi modern na tao ang principal namin na umasta parang 1900's pa ngayon. Asar!

"Ma, pa. I swear hindi si Zarden ang gumawa niyan.." Flynn said in an implored way.

"Ang anak niyo na ang nagsabi." I agreed.

His father let out a heavy sigh.

"Hindi ko alam kung ano ang totoo kaya hindi pa rin kita paniniwalaan, tsaka na ako maniniwala kapag may ebidensya na hindi talaga ikaw iyon." 

Tumayo ang mga magulang ni Flynn at ganoon din si Flynn.

"Mom listen.." Flynn begged. Lumabas na ang tatlo at naiwan ako tsaka itong matandang principal.

"Mr. Darwell." Gusto ko ng lumabas pero hindi pa ako pinapalabas.

"Kung ikaw talaga ang gumawa, hindi ako magdadalawang isip na ilagay ka sa Lower sections, or..I'll kick you in this university."

I clenched my fist so hard. Damn you, William.

--

NAJA'S POINT OF VIEW

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now