CHAPTER 3

87 10 5
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Imbes magsalita at makisali sa usapan nila ay natikom ang bibig ko't nakatayo lang.

"Tapos ngayon si Naja na naman ang bibiktimahin mo, for what? Para umakyat ka sa pwesto mo at ikaw ang mapunta sa Section A? Don't you dare do that, Gael." Nanunuyo ang lalamunan ko at walang masabi.

"Be careful Naja. Mauna na ako, at saka hindi muna ako makakasabay sa'yo pag uwi, sorry."

"Avabella---" but it's too late, nakalayo agad siya.

Naiwan ako at si Gael na nakatayo. Imbes na sumabay sa mood ay ngumiti ako.

"Umupo ka na Gael---"

"Sorry dahil nasali ka pa sa hindi pagkakaintindihan namin ni Avabella, a-and also I promise na hinding-hindi na kita lalapitan pa kung natatakot kang gayahin kita kay Avabella noon. I'm sorry, Naja."

Ano??? At pati rin siya nag walk out.

--

I'm frustrated of what just happened.

Aray!  

Agad kong hinimas-himas ang maliit na ilong ko, nabangga lang naman ako sa pader --- hindi pader, libro?

"Sleepwalking?" Pamilyar na naman ang boses, bakit ba lagi kong nababangga ang taong 'to?!

Ginawa lang naman niyang shield ang makapal na librong hawak niya. Grabe!

"Hindi 'no!" umiba ako ng direksyon pero biglang ---ting!

May naisip ako! Bumalik ako sa daan ko at kanina na chill kung maglakad itong si Zarden ay ngayo'y kinaladkad ko na.

"What the--- what the hell are you--- hey!" Hindi ko siya pinakinggan at hawak hawak pa rin ang braso niya habang kinakaladkad

--

ZARDEN'S POINT OF VIEW

What's wrong with this girl! Bigla bigla nalang akong kinaladkad ng walang pahintulot!

Agrh!

What's actually wrong with this girl! Ang assumera niya na sinunsundan ko siya and now look! Damn!

Huminto kami sa--- sa library? 

Actually dito sana ako papunta and now here I am.
Tiningnan ko siya ng masama habang siya ay hinihingal at hawak-hawak ang dalawang tuhod.

Huh, nahiya naman ang kinaladkad.

"Tara pasok," aniya at hinihingal pa rin.

Why would I-- damn! Kinaladkad niya ulit ako papasok sa library! Inalayan niya pa talaga akong umupo!

Bakit ba ang lakas niyang makahila sa akin at hindi ko man lang napigilan. Sa pagkapit ng kamay niya sa kamay ko ang higpit. Meron na ring mga babaeng humahawak sa kamay ko pero agad ko rin naman itong nababawi dahil walang kalakas-lakas ang paghawak nila.

Feckless in another word.

But this girl.. damn! Anak ba siya ng champion sa weightlifting?

Sumandal ako sa upuan at seryoso siyang tinitigan habang siya ay nakangiti at hindi man lang nakokonsesnya sa pagkaladkad sa akin.

Her face.. irksome.

"Tulungan mo'ko," I crossed my arms when she said that.

If for her I am an 'easy to get' kind of handsome guy then she's wrong.

"Help yourself." Sagot ko.

"Ahh so hindi mo ako tutulungan?" 

"Kahit hindi mo sabihin, I won't."

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now