CHAPTER 7

56 10 1
                                    

FLYNN'S POINT OF VIEW

I was lying on my bed, can't sleep and having this mental breakdown again, everynight.

I kept my mouth shut while letting my tears to fall. Why life is so unfair? I am a human too,  but they treat me like a shit.
In my whole life I am a victim of bully, and until now. My parents kept on telling me to fight back, but how? All I feel everytime they bully me is cowardness.

Kailan pa ba ako magdudusa sa mga pasakit na salitang binibigay nila. The murmuring everytime I walk pass them. Kailan pa ba?

I looked at the clock and it's already 3 a.m but still I can't sleep. I can't help myself to feel better. I need someone to comfort me and feel like.. I am worth it. One person popped up on my mind, the girl who helped me escape to the bullies that day.

It's Naja.

--

NAJA'S POINT OF VIEW

"Who lives the pineapple under the sea?" I sang.

"Spongebob squarepants!" Avabella and Gael continued.

"Absorbent and yellow and porous is he!"

"Spongebob squarepants!"

"If nautical nonsense be.." hindi ko natapos ang kanta nang may sumabay sa likuran ko.

"Something you wish." Si Archer.

"Spongebob squarepants!" Sabay naming tatlo at natawa kaming lahat.

"Sabay na ako sa inyo," saad ni Archer.

"Sure! Why not!" Walang pag-aalinlangan kong sagot.

Patuloy kaming naglakad papuntang highschool building. Napalingon ako ni Avabella nang bigla niya akong siniko sa tagiliran.

"Hm?" Taas kilay kong tanong.

Tinuro-turo niya ang tao sa likod namin, si Archer.

"Bakit?" Pabulong kong tanong.

"Crush mo 'no?" Pabulong niyang tanong dahilan para uminit ang pisngi ko't napahinto.

"Why? Whats wrong?" Gael asked when he saw that I stopped.

"A-Ah--"

"Wala HAHAHAH!" kinikilig pa na sabi ni Avabella. Siniko ko siya at naglakad nalang uli.

Paano niya nalaman????? Wala naman akong sinabi sa kaniya ah!

"Paano mo nalaman?" Pabulong kong tanong.

"Syempre instinct, tsaka bestfriend kita!" Agad kong tinakpan ang bibig niya.

Pwede namang hindi siya sumigaw!

"Ah oo nga pala, mauna na kayo may pupuntahan pa ako." Ani ko nilang tatlo.

"Sama na kami.." Giit ni Gael.

"Hindi na, may inutos lang si Ms. Ruel sa akin. Sige mauna na ako!" Hindi ko na hinintay ang reaksiyon nila dahil tumakbo na ako papunta sa Principal's office.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto ng office at may kausap pa ang principal namin kaya pumasok nalang ako at umupo muna sa gilid.

Nagmuni-muni nalang ako para hindi marinig ang usapan ng matatanda.

"What can I help you, hija?" Natauhan ako nang magsalita ang principal  namin na si Mr. Gajeles. Wala na pala iyong kausap niya, umupo ako kung saan may mesa ang pagitan namin.

"Good morning, Mr. Gajeles, naalala niyo po ba iyong vandalism na ginawa ng isang brawny student?" I asked.

Pinagsalikop niya ang mga kamay niya,
"Oo naaalala ko, bakit? Kilala mo ba o nakita mo ba ang gumawa?"

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now