CHAPTER 18

52 9 0
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Tumatakbo akong pauwi ng bahay dala-dala ang papel na medalya sa kamay.

"Lola!"

Ngingitian ako ng mga taong nadadaanan ko dahil sa enerhiyang nasa ngiti ko.

"Lola! Lola!"

Nagulat akong binungad ni lola.

"Oh apo? Anong nangyari? Bakit?" Natataranta niyang sagot.

Taas baba ang balikat ko tsaka tinaas ang papel na medalya.

Nanlambot si lola sa nakita at niyakap ako.

"Nako apo.. kagaling mo naman!" pisil-pisil niya sa pisngi ko.

I giggled when she did that.

"Top one ako lola!"

Pumalakpak siya, niyakap ulit ako at hinalik halikan ang pisngi.

"Ang bango bango talaga ng apo ko kahit amoy maasim!"

Natawa ako sa sinabi niya at niyakap siya.

~

"Lola! Nandito na apo niyo!" Bungad ko pagpasok ng bahay dala-dala ang basket na wala ng laman.

Ngumiti si lola nang makita ako at maya maya'y napalitan ng pag-aalala.

"Diba sabi ko sayo apo asikasuhin mo muna iyang pag aaral mo?" Nag-aalala niyang sabi.

Bumuntong hininga ako at yinuko ang ulo. Nagtitinda kasi ako ng barbeque ng kapitbahay namin sa school. Sa bawat barbeque, may two pesos ako roon, kaya laking tulong 'yon.

"Lola kaya ko naman, tsaka kapag napagod ako uupo naman ako."

Umiling siya at pinaupo ako.

"Hindi 'yon apo.. kahit na. Bata ka pa para magtrabaho.. diba sabi ko sa'yo na dapat makapagtapos ka ng pag aaral?"

Ngumuso ako at yinuko ulit ang ulo pero hinangad niya ito.

"Mahirap lang tayo pero ang edukasyon ay ayokong malayo sa iyo apo ko, 'yon din ang bilin ng magulang mo sa akin."
"Kaya sana unahin mo ang pag-aaral apo.. nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango ako at niyakap siya.

~

Walang emosyon ang mukha nang isa- isa kong nilagay ang mga damit ko sa maleta. Hinahawi kada segundo ang luha ko.

Nanginginig ang mga labi, sinirado ko na ang maleta pero hindi ako makatayo. Yumuko ako at humagulhol.

Ayoko.. ayoko sana..

Pero hindi.. para ito kay lola.

Hinawi ko ulit ang luha at tumingin sa salamin, ngumiti ako at siniguradong walang luhang tutulo sa mata ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto, nanlambot ulit ako nang makita si lolang hinawi ang luha at saka tumayo nang makita niya akong lumabas ng kwarto.

"Ready kana ba apo? Naghihintay na si Fe sa labas para ihatid ka sa airport.." pumaos pa ang boses nito.

Tumango-tango ako.

"Aalis na ako lola.."

"Oo.." nilapitan niya ako at inayos ang buhok ko. "Mag-iingat ka apo ko.."

May namuo na namang luha sa mga mata ko, hindi ko mapigilan.

"Magpalakas ka roon apo.. uminom ka ng vitamins.. tapos ikwento mo rin sa akin ang mga ganap doon ha.. bibili muna ako ng selpon syempre.." tumawa kaming dalawa.

Taste of FriendshipWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu