Kabanata 4

37.4K 942 78
                                    

Will you cheat?

I was silent the whole ride. Hindi ko alam kung paano mag-react sa sinabi niya. To my peace, hindi rin naman siya nagsalita pa matapos ng sinabi niya. I can still feel the embarrassment. Nangangawit na ang ulo ko na nakabaling lang sa bintana. Ayokong ituwid ang ulo dahil baka masulyapan ko siya at mamula lang.

Apat na oras ang byahe patungo sa Bataan at sa dalawang oras noon ay nakatulog ako. Ginising niya na lang ako noong nakarating na kami. Sinipat ko ang sarili ko. Alas nueve kami nang makarating.

He’s talking to someone on his phone habang ako, kinukuha na ang mga bag sa backseat. Nasa walong paper bag na puno ang mga ‘yon. Hindi ko alam kung anong klase ng mga damit ang pinagkukuha niya but I guess I need to settle with those. At least, may magagamit ako.

Nang makuha ko lahat, tinunton ko ang daan malapit sa likod niya. Nang maramdaman niya ang presensya ko, nagpaalam na siya sa kausap. Binalingan niya ako. Binalak niyang kunin ang hawak ko pero umusog ako palayo.

“H-hindi na… kaya ko naman…” Ngumiti ako at ipinakitang hindi naman nabibigatan sa dala.

He tsked before he forcefully took all the paper bags. Akala ko ay tatalikod na siya pero binuhat niya lang sa kanang kamay ang lahat ng paper bags bago ako hinapit sa baywang.

“A-anong ginagawa mo?” halos pagalit na tanong ko pero nagtunog gulat lang 'yon.

He urged me to walk but I gave all my strength to stop him. He eyed me. I can sense that he’s already pissed at me being defiant.

“Kaya ko naman maglakad…” sambit ko sa mababang boses.

I heard him sighed.

“Baka mawala ka,” aniya saka muli akong yinakag.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod. Tinatahak namin ang daan patungo sa reception area. Some of the resort employees welcomed us. Hindi niya iyon pinansin. Kahit ngiti man lang kaya ako ang alanganing ngumiti sa mga iyon.

“Good evening, Sir! Welcome to Rancho Bernardo!” ani babaeng receptionist.

Tross handed her his card. It’s a black one. I haven’t seen card like that. Wala naman noon si Crowell at sa kapatid niya, I don’t know if they also have that.

“Royal villa, Sir,” the woman said before giving back the black card.

A man went to us.

“Let me guide you, Sir,” anito. Tross declined him.
Alanganin ko itong nginitian.

Mukhang natakot pa ang lalaki dahil walang kahit anong emosyon sa mukha ng kasama ko nang i-decline niya ang alok.

“We’ll eat first,” he informed me.

Tinangay niya ako sa paglakad niya. Well, wala akong alam sa lugar na ‘to. Rancho Bernardo sounds new to me. This is my first time visiting a luxury resort. Like as in luxury.

“Both of your brothers were at lounge. We’ll go there once we’re done with our dinner.”

Tumango lang ako at ‘di na siya sinagot. Nagmamasid na mainam ang mata ko sa kapaligiran. The resort’s yard is spacious enough to host a party pero ang nakalagay dito ay dalawang mamahaling L-type sofa, tatlong canopy swings at mangilan-ngilan na trapeze swings. Both toddlers and adult will surely find their fun, relaxations and peace here.

“We’ll roam around tomorrow…”

Pagkuha niya sa atensyon ko. Bahagya ko siyang nilingon at nakitang pinagmamasdan niya rin ako. Miminsan lang bumabaling sa daanan. Mabuti at walang hagdan kundi ay baka matisod na kami.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now