Kabanata 7

33.9K 662 20
                                    

Tulala ako sa veranda ng villa. Pinagmamasdan ko ang maliwanag na paligid. Sumasaboy sa mukha ko ang malamig at preskong hangin. Magta-tatlumpong minuto na ako rito mula nang makapagbihis ako.

Nakatulog ako kanina habang nakababad sa bathtub. Naalimpungatan na lang ako dahil sa sobrang lamig. Sinubukan kong matulog dahil nararamdaman ko na rin ang pagod ng buong maghapon pero hindi ako dalawin ng antok dahil sa napakaraming isipin.

Ano ang mangyayari sa akin ngayon? I'm just eighteen. Wala pa akong kaalam-alam sa pakikipagrelasyon at biglaan kong pinasok ang buhay pag-aasawa. Hindi ko alam kung paano ba magiging normal ang bawat bukas ko gayong nakatali ako sa isang lalaking tila hindi tanggap ang kasal na naganap.

Mula noong umalis, hindi pa siya bumabalik. Sumapit ang alas dos ng madaling-araw, wala pa ring Tross na bumabalik. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nilisan ang veranda at nagtungo sa kama.

"Hindi ko na siya hihintayin," sambit ko.

Dahil sa pagod, mabilis akong hinila ng antok. Sa kalagitnaan ng pagtulog ko, sunod-sunod na ingay ang narinig ko. Mga yabag ng paa at mga maliliit na murang puno ng diin. Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga. Dumapo agad ang tingin ko sa pintuan kung saan nanggaling ang tatlong bulto ng tao.

"It's Blake, Hollis..." ani isang boses na pamilyar sa akin.

Nagmamadali akong tumayo at salubungin sila. Hindi ko kilala ang isa pa niyang kasama at 'di ko na 'yon pinagkaabalahan. Natuon ang atensyon ko sa inaalalayan nilang si Tross. Langong-lango siya sa alak. Kitang-kita 'yon dahil halos wala na siyang malay.

"Pasensya ka na, Hollis..." si Blake iyon.

Itinuro ko ang kama.

"Iwan niyo na siya. Ako na ang bahala," pahayag ko.

Inihiga nila si Tross doon. Halos wala ng malay. Blake turned to face me.

"Pasensya ka na, Hollis. Alam mo na..." binasa niya ang kaniyang labi. "Hindi madali sa kaniya ang lahat."

Isang tango ang isinagot ko.

"I understand, Blake. Ako na ang bahala sa kaniya."

Lasing na rin ang dalawa pero maayos pa naman ang lagay. Unlike Tross. Umalis sila matapos maiayos nang pagkakahiga ang pinsan nila.

Pinagmasdan ko siya sandali. Ito ang lalaking kanina lang ay pinakasalan ko. Ang lalaking kanina lang din ay tinalikuran ako. Bumuntong-hininga ako. Nag-iinit ang bawat sulok ng aking mata. Alam kong hindi pa ako tuluyang nakakahuma sa pangyayari. Tapos, makikita ko si Tross na nagpakalasing dahil sa parehas na dahilan. Hindi namin ginusto ang kasal.

Pinalis ko ang mainit na likido sa aking pisngi bago kumilos. Inuna kong alisin ang bow tie niya bago ay ang suit jacket. Nahihirapan ako nang sobra dahil bukod sa mabigat siya, matangkad pa. I was having a doubt if I should really take off his pants but in the end, I did. Mukhang hirap na hirap siya kumilos.

I thank God, he has boxer on. Kahit pa kasal na kami, hindi ko maatim na makita siya sa ganoong estado. Well, pang-itaas pa nga lang na katawan niya ang nakalantad sa akin, abot-abot na kaba ang dinanas ko.

Tinapik ko ang braso niya nang bumalik ito sa kaniyang dibdib gayong sinusuotan ko siya ng t-shirt. Inalis naman niya 'yon na parang nauunawaan niya ang nais ko. Inismiran ko siya.

Sinulyapan ko sandali ang kaniyang mukha. Kahit na langong-lango sa alak, masungit pa rin ang itsura niya. Parang mataas na mataas pa rin at 'di basta-bastang tao. Ang alak ay balewala at 'di maiaalis ang tikas niya.

Hinila ko ang t-shirt pababa. Sumayad ang likod ng kamay ko sa dibdib niya. Uminit ang pisngi ko dahil doon. Kanina pa ako ingat na ingat na huwag magdampi ang mga balat namin. Wala siyang malay ngunit alam ko pa rin na hindi niya gustong magdidikit kami dahil galit pa rin siya at 'di niya iyon magugustuhang malaman.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now