Kabanata 6

36.6K 836 159
                                    

Happy 700 reads. Limang chapters at may 700 na. Pinasasaya niyo ako. Enjoy reading!

I do

Nagising ako na wala na akong katabi. Bagkus, isang tray ng pagkain ang bumungad sa akin. Halo-halo ang naroon. May prutas, kanin, ulam at cereals. Inilibot ko ang aking tingin. Walang bakas ni Tross doon. Maybe he’s in the bathroom?

Nanlalambot pa ako pero naisipan na ring tumayo. Naramdaman ko na ang pagkulo ng sikmura ko dala na rin ng masasarap na pagkaing nakahanda. Bago ako kumain ay nag-ayos muna ako ng sarili.

Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang bumukas ang pinto at iluwa noon si Tross. He’s alreay wearing a tuxedo! A white one! Nabitawan ko kaagad ang kutsara nang maalala ang okasyon ngayon.

“Bakit hindi mo ako ginising?” naninisi kong sambit.

He’s walking towards me. Kinuha ko na agad ang cellphone at isinaksak sa charger. I am browsing earlier while I am eating. Nasagot ko na rin ang mga tanong ni Crowell and Tita Selena na hindi ko nagawa kagabi and now, kung hindi pa dumating si Tross, hindi ko maaalalang kasal ng pinsan niya.

“Take  a bath. The makeup artists will be here in any minute.”

Mabilis ko siyang nilingon. I thought he’s coming towards me but… I was wrong. May kinuha siyang suitcase at laptop bago ay hindi ako tinapunan na ng tingin. And he’s words… the way he said those with coldness… Is there something wrong? Bakit ang aura niya ngayon ay hindi katulad ng Tross na kasama ko kagabi?

“May problema ba?” hindi ko naiwasang magtanong.

Gusto kong malaman kung may problema ba siya na dahilan kung bakit parang wala siya sa mood. I want to know what’s bothering him badly. Well, it’s too late to realize that I should’ve not asked him because when he decided to give me his attention, I got stunned with the way he looked at me.

Tross Del Rico look merciless. His eyes are fuming mad but I can see how much he’s trying to hide those. The way his jaw clenched is brutal. He look colder now.There’s no touch of gentleness on his face. All I can see is the man I met on the night of Crisosmo and Tita Selena’s anniversary, which happened to be our engagement party.

“Get ready, De Guia. I don’t want people who waste my time,” he said before storming out of the room.

I was left dumbfounded. What had just happened? Did he just left me with a lot of questions in my head?

Gusto ko siyang sundan at itanong kung ano ang problema niya sa akin pero sa tuwing maiisip ko kung paano niya ako tignan na parang hindi niya nagustuhan ang presensya ko… Bakit? Anong nangyari? He’s not like this yesterday. Hindi siya ganito sa akin…

Kahit labis ang pagtataka, mas inuna kong ihanda ang sarili. Minadali ko ang pagligo dahil habang ginagawa ko ‘yon, naisip ko na baka nainis siya dahil late ako nagising gayong mayroong importanteng okasyon. Pinagagalitan ko na ang sarili ko kung hindi ko lang din naisip na sa kabilang banda, may kasalanan siya. Nauna siyang nagising at ‘di niya naisipang gisingin ako?

Nagsimula akong mainis. Nang lumabas ako mula sa bathroom, sinalubong ako ng limang tao sa loob ng villa. They are all sitting in the sofa. Malaki ‘yon kaya naman kasya sila at maluwag pa.

When they spotted me, they all stood up.

“Good morning, Ma’am. Kami po ang mag-aayos sa inyo,” nakangiting sambit noong isang babae.

Isang tango ang isinagot ko sa kanila.

“M-may gusto ba kayong inumin? Nag-agahan  na ba kayo?” magkasunod kong tanong.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon