Kabanata 28

34.5K 695 171
                                    

Forget you not

Pinakiramdaman ko ang paligid. Alam kong katabi ko pa rin si Tross. Nagkasya kami sa maliit na kama ng anak namin, parehong nakabaluktot. Nakayakap ang kaniyang kamay sa akin at ang hininga ay tumatama sa aking leeg.

Nagmulat ako ng mata. May kadiliman na ang paligid. Dahil anong oras na rin kaming nakarating dito kanina, marahil nga ay napatagal ang aming pagtulog. Hindi na rin siguro kami inabala ng iba dahil wala naman talagang matinong pahinga sa loob ng Hospital na iyon.

Bumangon ako. Puno ng pag-iingat ang kilos dahil ayaw kong magising siya. Higit sa lahat, siya ang talagang pagod sa aming dalawa. Siya iyong hindi nakapagpahinga sa loob ng halos dalawang buwan kong pananatali sa Hospital. Mula ng manganak ako at nanatili roon ng walang malay sa loob ng isang buwan magpasa-hanggang magising ako at naging malala ang kalagayan.

Hindi ko alam kung paanong nagagawa pa niya akong asikasuhin habang nalulugmok din siya sa sakit. Paano niya nagagawang maging malakas kahit na hinang-hina na siya dulot ng unos na dinaranas namin. Dahil ba iyon sa pagmamahal niya sa akin? Kung ganoon, magkaiba kami ng uri ng pagmamahal. Akin iyong nanakit at sa kaniya iyong nagsasakripisyo. Akin iyong mahina at kaniya ay ang matatag.

Nagtangka akong haplusin ang pisngi niya subalit nabitin na lang iyon sa ere. Since the day I woke up, I did almost everything to hurt him. Nasasaktan ko siya ng pisikal. Ang mga mararahang haplos ko sa kaniya noon ay naging mapanakit. Paanong gusto ko pa rin siyang hawakan?

Nakuntento na lamang akong pagmasdan ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay bahagyang mugto rin katulad ng akin. Siya iyong sa kabila ng pagbe-break down, kaya niya pa ring intindihin ang iba.

Ilang sandali ng pag-iyak namin, nakolekta niya agad ang sarili. Inasikaso ako nang magsimulang manikip ang aking dibdib. Hinele ako na parang isang bata at pinaulanan ng mga salitang napupuno ng pag-asa.

My Tross… My husband… My heart is bleeding with the thought that he is just faking everything. Faking his strong aura, faking his words, just so he could give me strength. Just so he could make me feel fine.

Ako? Wala pa akong nagagawa para sa kaniya kundi dagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Ako ay katuwang siya habang ako… walang ginagawa para sa kaniya. He is doing his best to help me while here I am, giving up on myself.

Naramdaman ko ang pagkilos niya, tanda ng paggising. Dumiim ang pagkakayakap ng bisig niya sa akin at hinagilap ang kamay ko. Hinaplos ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa akin. Marahan ang haplos ko roon sa una hanggang sa paunti-unti itong naging marahas. Naramdaman ko ang pagkilos niya.

“Wife? How’s your sleep?” pagtatanong niya, umalis na sa pagkakahiga para lang maharap ako.

Lumunok ako ng ilang sunod bago sinalubong ang tingin niya. Sapilitan kong ing-focus ang tingin ko sa kaniya para lang… hindi ako madala ng maliliit na boses na ‘yon. Tinatawag akong muli. Inaakit akong muling hanapin kung saan ‘yon nanggagaling.

Ayaw ko na. Ayaw ko ng makapanakit uli ng damdamin. My husband is here. I don’t want him to cry again just because I am losing myself. I felt his carress. Somewhat, that slowly calms me down. Kahit pa, naroon pa rin ang boses at mas lumalakas ang mga hagikgik.

Feels like he knows what's happening to me he cuffed my face.

“I’m here, wife,” he smiled after he said that. That smile is assuring me that everything will be alright.

Nanalig ako sa sinabi niya. Nandito lang siya. Kumapit ako sa bisig niya at kumukuha ng lakas ng loob doon para hindi matalo ng isip. Ilang sandali pa kaming ganoon bago naglaho ang mga pagtawa at boses ng bata.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now