Kabanata 5

38.8K 896 130
                                    

It's Tross Del Rico

Assurance. That’s all I need. Ngayon na sinabi niya sa aking harapan, hindi siya magloloko, sa palagay ko’y kailangan ko siyang pagkatiwalaan. I know this marriage is only for convenience but both of us wants this to work. Kung hindi namin susubukan, mas mahihirapan kami.

After we eat dinner, he brought me to the Nicci Pool. Bar and Lounge, as what he called it. There’s only a few people in there. I immediately spotted Crosson and his friends. Si Carden, hindi ko kaagad nakita dahil nasa pool pala.

“Tross, who’s this lady beside you? Date for tonight?” A man with a wide grin welcomed Tross with that question.

I lowered my gaze because I am not comfortable with the stares they’re giving me. Plus, Crosson is also here. Lalong nakakadagdag kaba.

“This is my fiancé, Hollis De Guia,” I heard Tross said.

Nag-angat ako ng tingin sa mga nasa harapan. Tross glanced at me before telling the name of the men who’s curiously watching us.

I found out that some of them are Tross’s  colleagues. They are either an heir to a well-known company or a son of politicians. Hindi ko na matandaan ang pangalan nila dahil after introducing them, Tross bid a goodbye. Telling them I am tired.

My brothers greeted him and acknowledge my presence.  Alam ko, hindi sila nagsasalita but they are watching my moves. Baka binilinan sila ng ama para manmanan ako. Thank God, Tross already dismissed them.

Sinundo kami ng golf cart. Hindi na siya nag-volunteer mag-drive dahil pagod na rin siya.

Huminto kami sa isang malaking villa. Maliwanag na maliwanag ‘yon. Animo’y kumikislap na bituin sa malayo ang may kaliitang mga ilaw. Manghang-mangha ako habang pinagmamasdan ‘yon. Kung hindi ako inalalayan ni Tross sa pagbaba sa golf cart ay baka nawalan ako ng balanse dahil ang atensyon ko ay nakatuon lang sa kagandahang nasa harap.

“Carefull,” aniya. He nodded at the golf car driver. Umalis na rin naman ito.

Tross didn’t let me leave his side. Ang braso niya, nasa baywang ko pa rin at parang doon na nito gustong mamirmi. Kung tutuusin, sukat na sukat ang maliit kong baywang sa kapit niya.

“You’ll see a good scenery tomorrow. We’ll stay here for three days,” pag-iimporma niya sa akin bago pa kami makapasok sa loob.

Tinanguan ko na lamang siya at winili ang sarili sa pagtingin sa paligid. Nahihigit ko ang hininga sa ganda ng loob ng villa na ‘yon. Maybe this is really worth of money. Kapag narito ka kasi, parang nare-relax ka. Iba sa pangkaraniwang istilo ng mga villa na mayroon ang ibang resorts.

Sa pagmamasid, nadako ang tingin ko sa nag-iisang king size bed. Umawang ang labi ko nang may mapagtanto. We're not going to sleep together, right?

“M-magkatabi ba tayong… matutulog?” hindi makapaniwalang tanong ko.

He’s already taking off his coat. Nilingon niya ako.

“I’m not going to do anything to you. I’ll wait ‘till we get married,” aniya sa pinaka-normal na tono ng boses tila ba normal lang din ang sinabi niya.

Hindi ako agad nakahuma doon. Magtatabi kami sa iisang kama? May makakasama akong matulog sa isang kama and worst, lalaki pa. Hindi ako kailanman nagkaroon ng katabi. Sunod-sunod akong napalunok. Busy siya sa pag-aasikaso sa sarili niya.

“H-hindi ba pwedeng sa s-sofa na lang ako?” tanong kong muli, naninimbang.

I heard him sighed. Umupo siya sa kama. Wala na siyang pang-itaas ngayon. I didn’t have the chance to observed him back then but right now, he’s actually flaunting himself.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon