Kabanata 11

33.8K 765 81
                                    

Long lost De Guia

Six thirty, pareho kaming nakaayos ni Tross. I am wearing a Long Lavalliere-Neck Dress in Silk Muslin. It's a product of Saint Laurent. I partnered it with four inches Louboutin scarpin. I tied my hair in a simple bun. I know how to take care of myself in an occasion like this. Because I am the only girl in the house, Tita Selena introduce me to the world of fashion. Tinuturuan ako mag-makeup at mag-partner ng iba't-ibang mga damit. Iyon ay kapag wala ang kaniyang asawa. Pasalamat ako dahil kahit papaano, kaya kong ayusin ang sarili ko para sa isang biglaang party.

Tross is wearing white sleeve polo shirt and a black slack. Typical looks of a businessman. He is dress simple yet it looks like a lot of glam team turn him into this. Minsan, nakakainis isipin na napakadali para sa mga lalaki ang mag-ayos habang ang mga babae naman, oras ang inuubos.

"You look stunning..." he murmured when he escorted me out of our house.

Nilukob ng init ang dibdib at ang pisngi ko. Nanulis ang nguso ko sa pagpipigil ng ngiti pero 'di rin nagtagumpay.

"Ikaw rin..." sambit ko.

We arrived at the De Guia's house in a few minutes. Ilang bahay lang naman kasi ang pagitan at naroon na rin kami. Gumamit pa rin ng kotse si Tross dahil masyado raw mataas ang suot kong sapatos at gabi na. I just let him be. Ang coat na binitbit niya, isinabit pa rin niya sa balikat ko kahit mahaba naman ang manggas ng suot ko.

"Baka mas lumamig mamaya," aniya nang sabihin kong huwag na.

We left our house at seven at nakapasok kami sa bakuran ng De Guia ay may pitong minutong laktaw na. Sa labas pa lang, pansin na kung saan ginaganap ang welcoming party. Although kakaunti lang daw ang mga imbetado, I doubt that it'll be simple... at hindi ako roon nagkamali.

Pagpasok sa malaking bakuran sa likuran, kung saan naroon ang pool at lanai at may kalakihan ang space na siyang palagiang pinagdarausan ng ganitong kasiyahan ng mga De Guia. 

Umihip ang hangin kaya bahagya akong nanginig. May iilang puno rin kasi rito at mahalaman. Tross's hand in my waist became tense.

"Are you feeling well?" aniya sa boses na parang 'di pwedeng magkamali ako ng sagot at hihilahin niya ako pabalik sa bahay.

Umiling ako. "Medyo malamig lang..."

May iilang mga mukha na pamilyar naman sa akin, at iyon ay ang mga relatives ng De Guia. Tita Sonia, Tita Selena's twin sister is good to me. She keeps on thanking me for saving her sister from despair. Ang kambal na anak niya, fraternal din katulad nila ni Tita Selena. The twins treated me good but they went to U.S because their grandparent from their father's side wants them there.

It's been years, tho. Hindi ko alam kung babalik pa sila rito o natuluyan silang magustuhan ang buhay sa U.S.

Upon entering the massive space, some guests noticed Tross and went to him for a short introduction. Mukhang kilala talaga at matunog ang pangalan niya sa larangan ng business. The party already started. Malamyos ang tunog ng musika. Kaniya-kaniyang kwentuhan at toast ng kani-kanilang champagne glass ang mga narito.

I saw Crosson and Carden with his group of friends. Mas marami ngayon, tipon-tipon sila. I guess they are excited to see the real unica-hija of the De Guia.

"Do you want to go there?" Tross asked me.

Napansin niya yata ang titig ko sa gawi roon. Sasagot na sana ako nang mamataan si Crowell na lumabas mula sa partition ng lanai at pinasadahan lang ng tingin ang grupo nila Crosson bago dire-diretsong naglakad. Hinanap niya agad ang mga mata ko.

I tried to smile when our eyes met. Hindi siya nagbigay ng kahit anong reaction. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. I can feel how Crowell hate this idea but has no choice but to stay here. I know he wants to ditch this party. Siguro, naisip niya lang na narito ako kaya narito o siya o 'di kaya naman ay nakiusap sa kaniya ang Mommy niya.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now