Kabanata 9

37.2K 690 101
                                    

Give it a try

I watched how Crowell flood my phone with message. He is probably asking me again how is everything. Wala naman ako sa mood na basahin o sagutin dahil naglalaro ang napakaraming senaryo sa isip ko. I was never an overthinker one, not until now.

Did I really ruin something? I keep on asking myself. The woman, Wiliana is already married but maybe they secretly meet? Kaso, hahayaan ba iyon ng asawa ni Wiliana kahit pa mukhang siya iyong tipo ng tao na hindi magpapalamang.

Bumuntong-hininga ako. I was about to open Crowell's message when Tross came approaching. Kunot ang noo niya, magkasalubong ang kaniyang mga kilay na tila nagagalit. Agad akong inatake ng kaba. Mauulit ba iyong nangyari kahapon matapos ang kasal? Hindi ba niya nagustuhan ang napag-usapan nila ni Wiliana or maybe nagalit ito sa kaniya dahil nagpakasal na siya?

Tumayo ako para salubungin siya.

"Tapos na ba kayong mag-usap? A-ayos lang naman ako rito," pangungumbinsi ko pa para lang 'di matuloy ang galit niya.

Nang makalapit siya ay huminto na ako.

"What do you mean? I was waiting for you. Tumawag lang ang kapatid mo kaya sinagot ko."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. I didn't know that.

"But I think Wiliana wants to talk to you?" humina ang boses ko sa dulo.

He pressed his lips. Tutok na tutok ang mata niya sa akin, hindi man lang maglumikot o nababahala 'di tulad ko na hirap na tumingin ng diretso sa kaniya.

"Tsk. We don't have anything to talk about. Dapat nilapitan mo ako," he said before taking my hand.

"Do you still feel sick?" he asked.

Minasdan niya ako. Nakalimutan ko na ang tungkol doon. Pakiramdam ko, sa dami ng mga pina-iisip ko kanina ay napagod din ako at saka puyat din kagabi.

"Uh, oo. Pwedeng sa villa na lang tayo kumain?"

He nodded. "I'll order for us. Let's go..."

Hinayaan kong igiya niya ako paalis. Nakita ko na ang sinakyan namin kanina na golf cart. A butler greeted us and gave to Tross but Tross did not went on his side, sa kabila iyon at inalalayan akong makaupo. He doesn't need to do that actually pero hindi ko siya gustong suwayin dahil aminado akong nakakasaya na inaasikaso niya ako.

Kung uunahin kong intindihin ang maingay at mabilis na tibok ng puso ko, baka makalimutan ko na ang tungkol kay Wiliana.

He began maneuvering the golf cart. Naging tahimik at awkward na naman sa pagitan namin. I was thinking of a good topic kaya naman naisipan ko na tanungin kung ano ang pinag-usapan nila ng kapatid ko at kung sino iyon.

"Uhm... kamusta iyong pag-uusap ninyo ng kapatid ko at..." sinulyapan ko siya bago nagpatuloy. "Sino sa kanila ang tinutukoy mo?"

Nilingon niya ako kaya nagtama ang mga mata namin. It took him seconds bago niya ibinalik ang tingin sa harap.

"It's Crosson. He said he didn't know you're the one who asked about Wiliana. He also asked about our relationship if all the rumors are true," pagsagot niya.

Bumagsak ang tingin ko sa narinig. Sana pala ay 'di na ako nagsalita. I feel dumb.

"If you want to know something about me, you can ask me directly. Kapag sa iba, baka may dinagdag o binawas na sila."

Kinagat ko ang labi ko at saka tumango-tango. I guess he is mad?

"Sorry... I was just curious," mahinang sambit ko. Hindi na makatingin sa kaniya.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now