Kabanata 13

36K 778 33
                                    

That would be the last

Mararahang haplos ang gumising sa akin. Haplos sa pisngi at mahigpit na kapit sa aking kamay. Nang magdilat ako ng mata, sumalubong sa akin ang kisame ng kwarto sa bahay namin ni Tross.

Segundo matapos kung dumilat, nakita ko na rin ang nag-aalalang mukha ni Tross at nabubuhayang loob na si Tita Selena.

“You’re awake…” they said unison.

Sa halip na sumagot, dumako ang tingin ko sa malawak na bintana na ngayon ay nakabukas na. Tanaw ang maliwanag na garden sa labas. Umaga na. Inisip ko kung ano ang nangyari kagabi at nang maalala ay mabilis na bumangon.

Tita Selena warned me to stay still pero ‘di ako sumunod.

“Nasaan ho si Crowell?” paos pa ang boses ko.

I am eager to know if he is okay or if he really did leave their house. Tita sighed.

“He’s with his brothers, hija. You don’t have to worry…” Tita assured me.

Tross handed me water which I accepted.

“I’ll cancel our flight…” pagbibigay imporma niya sa akin.

Wala naman sa akin ‘yon. Mas gusto ko rito. But Tita stopped us.

“Hindi, hijo. I think Hollis has been dealing with stress here. Mas mabuti nga na lumayo muna kayo kahit isang lingo lang para mapahinga ang isip niya.”

I don’t like Tita’s suggestion. Maiisip ko pa lang na maiiwan si Crowell…

“Sa susunod na lang po. Gusto ko rin hong masamahan si Crowell, Tita…”

Tita held my hand.

“Hollis… huwag mong masamain, anak…” matipid siyang ngumiti matapos sabihin ‘yon.

Umiwas siya ng tingin, nanginig ang mga labi, at parang may itinatago.

“Baka mas makapag-isip ng ayos ang kapatid mo kapag hinayaan natin siya. Baka kapag pinilit… makaisip siyang magrebelde at…” nabasag ang boses ni Tita. Nag-uunahan sa pagtulo ang luha niya.

“Hindi ko kaya,” pagpapatuloy niya.

Nasasaktan akong makita si Tita Selena sa ganitong estado. Pumasok sa isip ko na, bakit hindi pa rin masaya ang pamilya nila gayong bumalik na ang kulang sa kanila? Bakit… parang lalo pang gumulo?

Kalahating oras pa bago napagpasyang umuwi ni Tita. She made sure that we’ll be having our vacation slash honeymoon in Hawaii. Tross seems to like it too kaya um-oo na lang ako.

He told me to get ready and he asked the two maid to pack our things. Nagsuot lang ako ng simpleng white shirt dress na may tatak na prada. I matched it with cream-colored two-inch sandals.

Our flight is supposed to be nine in the morning but I woke up fifteen minutes late. I asked Tross how is he going to book us a sudden flight and it turns out that his family has their own private plane. Iyon ang gagamitin namin. I felt nervous but excited too. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na babyahe ako patungo sa ibang bansa.

“Ma’am Hollis, ayos na po ang lahat ng gamit ninyo.”

Nilingon ko ang kasambahay namin na tumawag sa akin. Nagpasalamat ako agad at nginitian sila na agad din namang nawala nang makitang apat na bagahe ang naroon at para sa akin pa lamang iyon.

“A-ate… palalayasin niyo na ho ba ako?”

Tumawa ito at nagkamot ng ulo.

“Eh, Ma’am, sabi ni Sir Tross isang buwan daw ho kayo roon…”

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now