Kabanata 18

37.9K 867 71
                                    

Marry me again

“Problem?” I heard Tross asked while driving.

“Wala naman…” tugon ko bago humarap sa bintana para itago ang pag-iinit ng pisngi.

We’re on our way to our house. It’s already ten in the morning. The two Delicante are probably there, waiting… at hindi ako nagkamali. Busangot na ang mukha ni Zohan.

“Napakatagal niyo naman. Kanina pang madaling araw si Lance,” sita nito sa amin.

“Napaka-clingy mo,” ani Zath at tumabi sa akin habang kumakain.

Dumaan kami sa isang fastfood at nag-take out na lang at iyon ang kinain naming lima.

Mabilis lumipas ang mga araw at lingo. Ang relasyon namin ni Tross ay mas lumalim. Ang apat na beses na pangyayari sa amin ay nadagdagan nang nadagdagan. Sa gabi, sa hapon, tuwing day off at minsan ayaw niya na lang pumasok sa kompanya at siya naman daw ang boss. Nagdadahilan.

Nitong lingo lang na nagdaan walang nangyari sa amin dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Kapag dating sa bahay ay mabilis akong inaantok at nakakatulog. He has been whining about me, not having a time for him dahil totoo naman.

Sa nagdaang lingo na ‘to, naaabutan niya na lang akong tulog na at gigising lang para pumasok. Katulad na lamang ngayon na atubili ako sa pag-aayos sa sarili. Last day ko sa trabaho at siguradong marami ang tao. Pagod pa rin naman pero ayaw ko namang biglang um-absent gayong pahinga na bukas.

Naabutan ko si Tross sa coffee bar, tahimik at prenteng nakaupo. Sabado ngayon kaya hindi niya kailangang magtungo sa kompanya. Dito lang siya. Napangiti ako habang pinapanood siyang relax na relax, umuugoy pa ang paa.

“Good morning,” bati ko nang makalapit sa kaniya.

I crouched down to give him a peck on the lips but he deepened the kiss by holding my nape. Hinampas ko siya sa braso para tumigil. Tumawa lang ako nang makitang nakasimangot siya.

“Last day ko na…” sambit ko dahil pakiramdam ko ay hihirit na naman siya sa akin na um-absent muna ako.

Kumibit ang balikat niya.

“I won’t ask you to leave this day for me…” he said defensively. May ngisi sa labi niya na ikinailing ko lang.

Nakakaduda iyong ngiti na iyon.

“Ihahatid mo ba ako?” tanong ko habang inaayos ang bag sa balikat ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Lance na kay Tross muna tumingin bago sa akin. Naglakad iyon palapit sa aming dalawa.

“Wala kang pasok…” tamad na tamad na sabi nito.

Nangunot ang noo ko.

“Huh? Ako?”

Na kay Lance ang buong atensyon ko habang siya ay pasulyap-sulyap sa katabi ko. Humugot siya ng malalim na hininga at dinukot ang cellphone. Bumulong-bulong pa ito.

“Makikikape lang ako tapos magpapaliwanag pa…”

Ilang pindot ang ginawa niya bago nag-ring iyon.

“Good day, Mr. Montemar…” nanlaki ang mata ko nang mapagsino ang boses. It’s our head chef!

Tumikhim si Lance at signal iyon para magsalita muli ang nasa kabilang linya.

“I’m sorry, Ilaria. Our café was sold to a new owner. They would take Stacy, Tobias and I but sad to say, the rest got fired.”

Bumagsak ang balikat ko sa narinig.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon