Kabanata 38

9K 415 20
                                    

Nakita ko kung paanong minasahe ni Mikhail ang sentido niya habang nakapikit. Nagtatagis rin ang ang bagang niya. Nakatutok pa rin ang dulo ng kutsilyo sa leeg ni Vera. Nang pagapangin ko ang mga mata sa babae ay matalim pa rin siyang nakatitig sa akin.

Alam kong hindi gusto ni Mikhail na narito ako at kinakalaban si Vera. Hindi ko nakakalimutan ang paalaa niya na kailangan naming mag-ingat dahil narito ito dahil kay Luciano. Hindi ko lang nagawang pigilan ang sarili ko.

Ang totoo, gusto kong iturok ang kutsilyo na ito sa leeg niya para na rin gumanti sa mga pinaggagawa nito kay Mikhail. Lalo na dahil inaalisan niya ng karapatan ang asawa ko na makaalala para lang sa utos ni Luciano.

Takot ako sa dugo noon pero simula nang makilala ko si Mikhail ay unti-unti na rin ako nakasanay. Na sa klase ng mundo at buhay na mayroon siya, normal na lang ang makakita ng dugo. Normal na lang ang makasaksi nito na gumagapang mula sa kung saan man parte ng katawan.

"You'll take that knife away from my neck or you'll die?" nangdidilat ang mga mata ni Vera nang sabihin 'yon.

Natawa ako. "Ang lakas ng loob mo sabihin sa akin 'yan gayong isang maling galaw ko lang, alam mo na ang kalalagyan mo."

Hindi siya nakasagot. Pansin ang matinding pagtatagis ng bagang nia dahil na rin sa paggalaw ng mga buto sa kaniyang panga.

"You let a squammy enter your house, Sage. I'm afraid this woman would take advantage of you. She's telling us that she is your wife but where's the proof—"

"Wala akong kailangan patunayan sa'yo. At hindi pa ba pruweba ang anak namin—"

"Bring Nikolai to his room." putol ni Mikhail sa sinasabi ko habang ang isang kasambahay ay nasa tapat niya.

"Opo, Sir Mikhail."

Sinulyapan ko si Mikhail at naabutang mariin siyang nakatitig sa akin. Tumayo si Nikolai, hawak siya sa kamay ng kasambahay. Nilingon nito ang ama.

"Paano po si Mama?" tanong nito nang hindi pa rin ako tinitingnan kagaya ng bilin ko sa kaniya kanina.

Kung mayroon man isang bagay na hinahangaan ko pagdating kay Nikolai, marunong siyang sumunod sa kahit na anong sabihin gaano man siya nakakaramdam ng takot. Pakiramdam ko, magandang simula na rin para masanay na siya sa klase ng mundo na kalalakihan niya.

"Ayos lang ako, Nikolai. Pumasok ka muna sa kwarto." kalmadong sabi ko.

Bahagya niyang itinagilid ang ulo sa gawi ko ngunit hindi ako tuluyang tiningnan. Muli niyang binalingan si Mikhail at malamig itong tinitigan bago tuluyan nang nagbawi.

Nang wala na si Nikolai ay tumayo na si Mikhail. Marahas na naglikha ng ingay ang ginawa niyang pag atras sa upuan niya. Titig na titig ako sa kaniya habang papalapit na siya sa gawi namin ni Vera.

Mariing magkalapat ang mga mata namin, tila ba palihim na nag-uusap. Hindi na ako nagulat pa nang ibaba niya ang kamay ko na may hawak na kutsilyo at marahang hinila si Vera palayo sa akin.

"I don't tolerate that kind of behavior in my house."

Arte lang, Almira. Huwag kang magpapadala sa mga salita niya. Kailangan n'yong magpanggap.

Nahagip ng mga mata ko kung paanong tumaas ang gilid ng labi ni Vera habang hawak siya ni Mikhail sa braso na para bang nagwagi siya dahil siya ang kinakampihan ni Mikhail. Pinilit kong huwag pansinin 'yon at binalingan si Mikhail.

"It's either you follow my rules... or you get the fuck out of my house. Choose."

Alam ko naman na pagpapanggap lang ang ginagawa namin ngayon pero hindi ko maiwasan ang mairita sa paraan ng pananalita niya. Parang totoo.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon