Kabanata 12

13.6K 617 40
                                    


Kabanata 12

Masama ang tingin na ipinupukol sa akin ni Nanay. Madaling araw na akong nakauwi mula sa villa ni Mikhail. Pasado alas kwatro na. Doon pa lang rin kasi tumila ang ulan.

Inaasahan ko nang sarado pa ang bahay kapag dumating ako. Balak sana sila kausapin ni Mikhail para na rin humingi ng dispensa na inumaga ako ng uwi. Hindi na nga lang nagkaroon ng pagkakataon.

Pero paano ba humingi ng dispensa ang isang Mikhail? Mukhang hindi siya 'yong tipo ng lalaki na marunong humingi ng sorry. Hindi ba't iyon nga ang naging dahilan para magsabong kaming dalawa nung una kaming magkita?

"Almira!" pukaw ni Nanay sa atensyon ko, mataas ang boses.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "Na-lowbat po kasi talaga ako kaya hindi po ako nakapagtext sa inyo-"

"At ang polong suot mo? Ano'ng palusot ang ibibigay mo sa akin? Na sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay nasira kaya polo ni Sir Mikhail ang suot mo?!"

Paano niya nalaman na kay Mikhail itong suot kong polo? Tulog pa naman sila nung dumating ako kaya hindi niya nakita kung sino ang kasama ko.

Ito naman kasing si Mikhail. Pati damit ko ay sinira. Pagkatapos ay polo niya ang ipapasuot sa akin na halos hanggang tuhod ko na.

Hindi ako nakasagot.

"Ikaw, Almira, hindi kita pinagbabawalan na magkaroon ng nobyo pero sinasabi ko sa'yo na hindi basta-basta ang mga lalaking nagugustuhan mo..." malamig na sabi ni Nanay. "Sa itsura pa lang ni Sir Mikhail, mukhang gulo lang ang dadalhin niyan sa buhay mo."

Alam ko po. Hindi ako tututol sa bagay na 'yan. Lalo pa at siya mismo ay inamin na siya ang tipo ng lalaking hindi ko gugustuhin maging parte ng pamilya ko.

Pumapatay siya ng tao. Oo at hindi ko pa naman nakikita. Hindi ko pa nasasaksikhan. Pero ang eksena nung tinutukan niya ng baril ang lalaking nagtangkang mangbastos sa akin, at kung paano siya makipagbarilan sa mga kaaway niya ay sapat na para paniwalaan ko siya.

Gusto kong matakot. Pero bakit hindi ko maramdaman? Gusto kong mag-alala sa kalalagyan ko oras na hayaan ko ang sarili na tuluyan nang mahulog sa kaniya... kung hindi pa ba.

Ngayon pa lang, dapat lumalayo na ako. Pero iisipin ko pa lang, tumututol na ang puso ko.

Mabuti na lang at wala akong pasok ngayong araw na ito. Maganda na rin ang panahon at hindi na kagaya kahapon na magdamag umulan.

Lumabas ako ng bahay. Tumingin ako sa gawi ng bahay ni Andrei dahil alam kong doon tumuloy si Mikhail pagkahatid sa akin.

Tumunog ang cell phone na hawak ko. Nagbaba ako ng tingin dito at nakitang may text mula sa isang estrangherong numero.

What are you looking at?

Napakurap kurap ang mga mata ko matapos mabasa ang text na 'yon. Ano'ng sinasabi niya? Sino ba ito?

Tumunog ulit ang cell phone ko. Galing ulit sa parehas na numero.

You look like a lost kitten, Ma Belle.

Ma Belle? Sino 'yon? Wrong number ata ito.

Nagtipa ako ng sagot para sa kaniya.

Ako:

Wrong number po ata kayo. Hindi po ako si Ma Belle.

Nakatitig sa cell phone, halos mabitawan ko ito nang malakas itong mag ring. Tumatawag iyong may ari ng numerong nagtext.

Sandali akong nagkaroon ng alinlangan kung sasagutin ko ang tawag o hindi. Sa huli, tinanggap ko ito at inilagay ang cell phone sa tainga.

Hindi kaagad ako nagsalita, hinihintay na mauna kung sino man ang nasa kabilang linya.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon