Kabanata 27

9.6K 489 48
                                    

Kabanata 27

"Take it easy, Mikhail. Your wife is still pregnant."

Binalot nang matinding init ang pisngi ko sa tinuran na 'yon ni Giuseppe. Nasa coffee shop kaming lahat, nagpapaalam para sa pag-alis namin ni Mikhail.

Matapos ang kasal ay nagplano siyang magbakasyon kami sa ibang bansa para daw sa honeymoon. Hindi ko alam kung kailangan pa 'yon samantalang buntis na nga ako. Bibiyahe kami patungong Manila kung saan naroon ang pribadong eroplano na pag-aari niya.

Ayaw kong maniwala nung una na may sarili siyang eroplano pero hindi na dapat ako nagdududa pa. Masiyado siyang mayaman.

"Shut up. I'm not like you." sabi ni Mikhail habang hawak ang aking kamay.

Natawa sina Andrei at ang ibang mga kaibigan. Maging sina Olivia ay hindi na rin napigilan pa ang matawa.

"Not like me? What am I?"

"A walking dick, man." Si Andrei.

Mas lalong lumakas ang tawanan. Ngayon ko lang naisip na kapag magkakasama pala silang magpipinsan, hindi maiiwasan ang ganitong usapan. Normal na nga ata para sa kanila ang ganito.

Ako lang ang hindi sanay.

"We'll get going before you all corrupt Almira's mind—"

"Her mind is already corrupted, Mikhail. Buntis na nga, e."

Nagkatinginan kami ni Mikhail. Tumaas ang gilid ng labi niya.

"She's still innocent for me."

"What a fucking whipped." si Misha ang nagsabi no'n.

"And you're not?" balik ni Ismael sa kaniya habang nakangisi.

Itinaas lang ni Misha ang gitnang daliri niya sabay tingin kay Marina na abala lang sa cell phone nito at tila walang pakialam.

Hindi nagtagal at tuluyan na kaming nagpaalam. Sumakay kami ng yate at nagdiretso na patungong Calatrava kung saan naghihintay ang kotse niya. Papasibol pa lang ang araw dahil ginusto ni Mikhail na maaga kaming umalis.

"How's our baby? Moving a lot?" tanong niya habang nasa biyahe na kami patungong Tablas.

"Medyo. Kagabi ay malikot siya. Gigisingin sana kita para iparamdam sa'yo kaya lang ay masiyado nang malalim ang tulog mo."

Hawak ang isang manibela, inabot niya ang tiyan ko at marahan itong hinaplos.

"Sana ay ginising mo ako."

"Hayaan mo na. Marami pa namang pagkakataon para maramdaman mo siya."

Binigyan niya ako ng isang mabilis na sulyap at tipid na nginitian.

"I hope so."

Ngumuso ako. "Oo naman. Alam mo mas mararamdaman mo pa nga siya kapag tumungtong na siya ng anim na buwan pataas."

Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"Don't change his name, hmm? Nikolai suits him..." sabi niya, ang hawak sa aking kamay ay humigpit. "He's my biggest victory from all of my fights, Almira. You two are my victory."

Nawala ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko ay masiyadong mabigat ang dating ng mga salita niya. Hindi ko nagugustuhan. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ito sa labas.

"Bakit ko naman babaguhin? Kapag naipanganak ko na siya, ikaw pa mismo ang magsasabi sa anak natin na iyon ang pangalan niya," seryosong anas ko. "Nasa tabi naman siguro kita kapag ipinanganak ko si Nikolai, hindi ba?"

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon