Kabanata 18

11.6K 504 30
                                    


Kabanata 18

Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Dilim ang kaagad na bumungad sa akin. Inilinga ko ang paningin. Itim na kurtina ang nakabalot sa buong paligid. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kung bakit ako napunta dito.

Dinala ako ni Mikhail sa bahay niya. Pagkatapos ay may sumulpot na tigre at ipinakilala niya sa akin bilang si Alona.

Suminghap ako. Paanong si Alona ay isang tigre? Sandali. Ibig sabihin... hindi tao ang pinagseselosan ko?

Bumangon ako. Mabilis. Gano'n na lang ang panglalaki ng mga mata ko nang makita si Alona sa gilid ng kama, nakahiga sa sahig habang matalim na nakatitig sa akin!

Sumigaw ako.

Tila naalerto si Alona sa naging sigaw ko at marahas na tumalon paakyat sa kama. Mabilis ang paghinga ko, hinihingal lalo na nang dumamba siya sa mismong dibdib ko. Muli siyang umatungal, ipinapakita sa akin ang matatalim niyang pangil.

"Alona!" sigaw ni Mikhail na humahangos papasok ng kwarto.

Unti-unti akong umatras kahit pa naging mahirap 'yon para sa akin. Literal na mas malaki siya sa akin kung katawan ang pag-uusapan. Ang mga paa niya ay mabigat rin at pakiramdam ko ay hindi na ako makakahinga.

Sinubukan kong titigan si Alona sa asul niyang mga mata. Imposibleng makalabas ako ng buhay dito oras na maisipan niya ako gawing hapunan.

Itinikom ni Alona ang bibig at inilapit ito sa akin. Saktong nakalapit na rin si Mikhail sa direksyon namin at mabilis na hinawakan ang tali ni Alona sa leeg.

"Get off her, Alona." may awtoridad sa boses ni Mikhail.

Tipo ng boses na siya lang ang makakayahan makapagpaamo sa ganitong kabangis na hayop.

Nilingon siya ni Alona at muling umatungal. Ngunit sa pagkakataon na 'yon, umalis siya mula sa pagkakadamba sa akin at bumaba ng kama.

Pinagmasdan ko siyang ihaplos ang mukha sa hita ni Mikhail na para bang bigla siyang naging isang maamong tupa. Masama itong tinitigan ni Mikhail hanggang sa unti-unting nahiga si Alona sa paanan niya.

Hindi kumakalma ang puso ko sa pagtibok habang pinagmamasdan si Alona kahit pa tahimik na ito na nakasalampak sa sahig.

Nilagpasan siya ni Mikhail at mabilis na dumalo sa akin. Dinala niya ang kamay sa pisngi ko at mariin akong tinitigan.

"You okay?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay? Paano ako magiging okay kung halos muntik na akong lapain niyang tigre mo!"

"She's not going to hurt you-"

"Galit na galit nga, hindi ba? Paano mo nasabing hindi niya ako sasaktan? Sinabi niya sa'yo? Nagkakaintindhan kayo?"

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay, ang mga linya sa noo ay naglabasan.

"You think I'm a fucking animal who can understand them?"

"Eh, sabi mo hindi niya ako sasaktan, hindi ba? Paano mo nga nasabi? Halos dambahin niya na nga ako! At saka bakit ba tigre iyang alaga mo? Hindi na normal 'yan, Mikhail!"

"And what is normal for you, huh? To pet a dog or cat? Tss."

Inirapan niya ako. Umikot rin ang mga mata ko at masamang tiningnan si Alona. Nakapikit na ito at ngayon ay tila wala siyang pakialam kung maingay ako. Para bang alam niyang magagalit si Mikhail sa kaniya oras na sungitan niya ulit ako.

"Uuwi na ako!" singhal ko kay Mikhail.

Astang bababa na ako ng kama nang mabilis niya akong hilahin pabalik dahilan para muli akong bumagsak pahiga. Itinuon niya ang mga kamao sa magkabilang gilid ko habang seryosong nakatitig sa akin, ang mga mukha namin ay halos magdikit na.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon