Kabanata 10

14.1K 593 27
                                    


Kabanata 10

Sa boses pa lang, alam kong siya 'yon. Sa amoy ng mamahiling pabango na nanunuot sa ilong ko, hindi ako puwedeng magkamali.

Huminga ako nang malalim at mariing pumikit — pilit kinakalma ang nagwawalang puso. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang pananabik na nararamdaman ko ngayong narito siya at nakayakap mula sa likuran ko.

Nagmulat ako ng mga mata at marahang pumihit para harapin siya. Sa kabila ng madilim na paligid at tanging dim light lang ang mayroon, pansin pa rin ang dilim ng mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"M-Mikhail..." tawag ko sa mahinahong boses.

Lumunok ako. Nababalutan ng samu't-saring emosyon ang mga mata niya, malayo sa mga matang natititigan ko noon. Madilim pa rin, tila hindi marunong maawa pero may kakaiba. Hindi ko mapangalanan. O, baka nag iilusyon lang ako.

Mula sa bewang ko, gumapang paitaas ang kamay niya hanggang sa makarating ito sa aking pisngi. Humaplos ang hinlalaki niya sa aking labi. Titig na titig kami sa isa't isa, parehas may gustong sabihin ngunit halatang hindi magawa.

"Did you miss me?" napapaos ang boses na tanong niya.

Kung 'yon ang ibig sabihin kung kaya't lagi akong tila wala sa sarili kakaisip sa kaniya... kung kumusta na siya matapos ang nangyari noon... maaaring oo.

Tumango ako, hindi na nag-alinlangan pang magsinungaling dahil wala rin namang dahilan.

Umigting ang panga niya, nagdilim ang mukha.

"Fuck."

Kung mayroon akong napapansin sa kaniya matapos ang ilang buwan na hindi ko siya nakita, iyon ay mas lalo siyang gumwapo. Mas nagmukhang mapanganib.

Mas naging matikas ang katawan niya, halatang inalagaan mabuti. Noon ay hindi gaanong pansin ang balbas na bumabalot sa mga panga niya. Ngayon ay halata na. Mas bagay. Mas nagmukha siyang makapangyarihan. Mas lalo ko siyang hinangaan.

Dinala ko ang kamay sa panga niya, marahan itong hinaplos. Ang maliliit na balbas ay kumikiliti sa palad ko. Sa bawat paghagod ng kamay ko, mas lalong tumatalim ang mga mata niya.

Hindi ko napaghandaan ang naging sunod na galaw niya. Hinawakan niya ang magkabilang likod ng tuhod ko at marahas akong binuhat. Awtomatikong yumakap paikot sa bewang niya ang mga binti ko, ang mga kamay ay nasa batok niya.

Isinalya niya ako sa pader kung saan hindi abot ng dim light. Sa posisyon naming dalawa, higit na mas mataas ako sa kaniya. Agresibong lumapat ang mga labi niya sa akin. Sinuklian ko 'yon at nakipagtunggali sa kaniya. Marahas ang bawat paghinga namin, tila naghahabulan. Para bang wala nang bukas.

"Told myself that I would stay away from you but fuck, who am I kidding?" aniya sa pagitan ng mga labi namin bago matunog na ngumisi.

Masiyado akong naliliyo sa sensasyon na dulot ng mga halik niya na hindi ko na magawa pang intindihin ang mga sinasabi niya.

Kumawala ang mga labi niya at gumapang pababa sa panga ko. Iginilid ko ang leeg para mas mahalikan niya ako nang mas maayos.

"Good girl." dinig kong bulong niya.

Hindi ko alam kung nasasabik lang ba ako sa kaniya na maging ang timbre ng boses niya ay naghahatid ng kuryente sa akin.

Mula sa panga ay dumausdos pababa ang labi niya patungo sa leeg ko. Dahil nakabukas na ang unang tatlong butones ay mas madali niyang nalapatan ng halik ang dibdib ko.

"Ah, Mikhail," nanghihinang tawag ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakayakap paikot sa leeg niya.

Hindi ako nag-aalala na baka mabitawan niya ako. Sa liit ng katawan ko kumpara sa kaniya, kayang kaya niya ako buhatin kahit gamit lang ang isang kamay.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon