Kabanata 50

7.9K 333 15
                                    

Kabanata 50

"Ilya is two years older than me. We're actually close to each other the reason why I can't believe what your father told me earlier."

Kanina pa wala sa sarili si Mikhail matapos namin mag-usap nina Papa sa opisina niya. Alam kong hindi basta basta at mahirap paniwalaan o tanggapin ang mga rebelasyong nalaman niya pero wala siyang pagpipilian.

Ang itinuturing niyang pamilya, kalaban ang tingin sa kaniya.

Nakahiga kami sa kama, ang ulo ko ay nasa braso niya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko habang nakatitig sa mataas na kisame ng kwarto ko.

"We used to train and fight together. Lahat ng nalalaman ko, alam niya. Ganoon rin siya sa akin. He is more than a brother to me..." bigo ang boses na sabi niya. "All throughout my life, I thought he is a Romanov."

Inihilig ko ang ulo sa balikat niya at niyakap siya nang mahigpit. Ako man ay hindi inaasahan ang mga nalaman kay Papa noong una akong makarating dito. Ni hindi ko alam na may kapatid si Mikhail. Hindi siya mahilig magkwento tungkol sa pamilya niya. Kahit mag-asawa kami ay may mga bagay pa rin siyang inililihim sa akin.

"One thing I noticed while growing up aside from my parents had never treated each other like couples is father didn't treat Ilya as his son, too..." litanya niya. "Made me wonder why he chose me instead of Ilya being the head of our organization. It should be him for he is older than me."

Sa litrato ko pa lang nakita si Ilya. Isang beses sa personal noong nagtungo kami ng Russia. Sa malayo pa. Wala silang pagkakaparehas ni Mikhail. May hawig ito kay Mariana at nasisiguro ko na ang mas higit na kamukha ni Luciano.

Sa kulay pa lang ng mga mata ay magkaiba na sila. Abo ang kay Mikhail, kulay kahoy naman ang kay Ilya.

"What I can't accept is that my own mother wants me dead. It made me realize why I never see the love in her eyes during her marriage with father..." bumuntonghininga siya. "Her presence means betrayal. Baka noon pa lang, si Luciano na talaga. Noon pa lang, plano na nila ang pabagsakin ako."

Dinig ko ang sakit at poot boses ni Mikhail. Kahit na sino ay masasaktan kapag nalaman mong sarili mong pamilya ang humihila sa'yo pababa. Sa mga oras na ito, wala akong gusto kung hindi ang iganti siya sa kanila pero alam kong mas higit siyang may kakayahan kaysa sa akin.

Isa pa, mayroong plano si Papa na kailangan namin sundin.

"I have been starting to fail our illegal businesses for the past months, Almira. I am getting out of focus for I already want to live a peaceful life with you wherein you and Nikolai can be safe. Mother and I had alot of argument regarding that. She's always blaming you why I am being like this." amin niya sa akin. "Is it bad if I just want to be a better man for you? A better father to Nikolai?"

"Hindi iyan maiintindian ng Mama mo dahil aminin man natin o hindi, sakim siya sa yaman at kapangyarihan. Mas pipiliin niya iyon kaysa sa sarili niyang laman at dugo," diretsong sabi ko. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at pansin ang apoy ng galit sa kaniyang mga mata. "Noon pa man, tanggap ko na kung ano at sino ka. Hindi mo kailangan higitan ang sarili mo dahil sobra-sobra ka para sa akin, Mikhail."

Nilingon niya ako at mariing tinitigan. Sa isang iglap ay tila ba kumislap ang lungkot sa mga mata niya.

"I have already seen this coming..."

Umangat ang dalawa kong kilay. "Ang alin?"

"That you are the only person who will stand beside me until the end..." malungkot siyang ngumiti. "The bonus part is even your family is also with me."

Dinala ko ang kamay sa pisngi niya at hinaplos ito nang marahan habang titig na titig sa mga mata niya.

"Sabi nga noong ikasal tayo, till death do us part, hindi ba? Kasama mo ako hanggang dulo, Mikhail. Gaano man kahirap at kadugo ang pagdadaanan natin, nasa tabi mo ako."

Inilapit niya ang mukha sa akin at pinatakan ako ng halik sa aking labi.

"No until death do us part for us, Almira..." napapaos ang boses na bulong niya. "For I will surely follow you into the dark."

Matunog akong ngumisi. "Sa langit ako, sa impyerno ang bagsak mo."

"Yeah? Then I'll start doing good deeds from now on so I'll end up being with you in heaven, too."

Mas lalo akong natawa. Kahit papaano ay gumagaan ang sitwasyon namin kahit na sandali lang.

"Pero duda akong sa langit ang bagsak ko. Baka kagaya mo, sa ibaba rin ako. Magkasama pa rin tayo."

Huminga siya nang malalim at mahigpit akong niyakap.

"Even if it's in the fires of hell, I don't mind as long as I'm with you."

Siguro, sa dami ng iniisip, hindi namin namalayan na parehas na kaming nakatulog. Sa unang pagmulat ko, naabutan ko pa siyang nakayakap sa akin habang ang labi ay nakalapat sa aking noo. Sa ganoong tanawin ay muli akong niyakap ng antok.

Sa muling paggising ko ay wala na siya sa tabi ko.

"Mikhail?" tawag ko habang pinagmamasdan ang puwang sa tabi ko.

Bumangon ako. Kaagad akong napalingon sa gawi ng center table malapit sa pintuan nang makita ang isa sa mga tauhan nina Papa. Nakatalikod ito sa gawi ko. Base sa hawak niyang tray, naglalapag ito ng mga pagkain doon.

Sa hugis ng katawan niya, alam kong babae siya. Hindi na rin nakakapagtaka dahil halo ang kasarian ng mga sundalo dito sa mansyon.

"Who asked you to be here?" tanong ko sa wikang Ingles dahil halos lahat ng mga tauhan ng Moretti ay purong banyaga.

"Mr. Romanov asked me to get you a dinner." aniya sa malaking boses habang inilalagay ang pitsil ng tubig sa tabi ng isang bowl.

Si Mikhail?

Tumaas ang kilay ko, sandaling tumahimik.

"Where is he?"

"He's with your father."

Tumayo ako, sa kaniya nakapako ang tingin. Lumapit ako sa gawi niya. Lahat ng tauhan na narito ay malaya kong nakikita ang mukha. Ngunit may ilan rin sa kanila ang may harang ang mukha at tanging mga mata lang ang kita. Kagaya na lang nitong kasama ko sa kwarto na nakasuot pa ng itim na sumblero.

Tinapunan ko ng tingin ang mga pagkain na naroon. Lahat ay mukhang masarap ngunit hindi ko magawang makaramdam ng gutom.

Lumapit ako sa tabi nung babae, nakatungo pa rin sa mga nakahain sa ibabaw ng mesa. Inabot ko ang baso, tahimik niya itong sinalinan ng tubig.

Marahan akong suminghap, kaagad natigilan nang maamoy ang pamilyar na pabango. Humigpit ang hawak ko sa baso, bumibilis na rin ang tibok ng puso.

Nagtagis ang mga bagang ko nang ibaba niya ang pitsel sa mesa matapos mapuno ng tubig ang baso ko. Nananatili akong nakahawak roon, nakikiramdam.

Naging malikot ang mga mata ko. Tinalikuran niya ang mesa. Sa isang mabilis na kurap ay nasa likuran ko na siya, mahigpit na nakapaikot ang braso sa aking leeg.

Matunog akong ngumisi, pilit kinakalma ang sarili dahil alam kong walang maidudulot na maganda kung pangungunahan ako ng takot.

"Vera..." madiing tawag ko, nagkikiskisan ang mga ngipin s galit.

Humigpit ang pagkakapulupot ng braso sa leeg ko. Hindi nagtagal at ang malamig na nguso ng baril ay siyang humalik sa aking sentido.

"You should be grateful I am the one who served your last dinner, Almira. But on the second thought, you won't be able to eat it anymore for this will be the last seconds of your life," mapang asar siyang natawa at mas idinuldol pa ang nguso ng baril sa aking sentido. "Die."

-

Complete chapters available on Warranj VIP group. For inquiries, please message Anj Follosco on Fb. Thanks! :)

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon