Kabanata 53

7.9K 282 14
                                    

Kabanata 53

"I don't think we still have the time to train you, Lucia. War is already approaching."

Tama si Alessandro. Noong gabi pa lang na sumugod si Vera dito ay alam naming nagsimula na ang gyera sa pagitan namin nina Mariana, Ilya at Luciano. Lalo pa at matagal na nila kaming namamanmanan dahil sa tauhan nilang nagawang pumasok at magkunwaring kaisa ng Ndrangheta.

"She doesn't need it. As long as she knows how to use a gun, it's enough. Besides, she defeated Vera who we know was good in physical fights." sagot ni Innessa at kinalabit ang gatilyo.

Mabilis niyang tinamaan ang target, walang kahirap hirap. Sumunod na bumaril si Alessandro bago si Mikhail. Ganoon rin ang resulta. Sisiw na lang sa kanila ang bagay na ito.

Huminga ako nang malalim at inasinta ang pulang target. Nang nasa tamang posisyon na ang katawan at mga kamay ay kinalabit ko na rin ang gatilyo. Nagkatinginan kaming lahat nang tumama iyon sa mismong target.

"Good job, sorella..." bati ni Alessandro sa akin. "You learned so fast."

Nang si Mikhail ang tingnan ko ay may ngisi na sa labi nito. Kahit walang sabihin ay alam kong humahanga rin siya.

Maaga kaming lahat sa shooting range na narito lang sa loob nang malawak na bakuran.  May ilang araw na nang sunugin ang katawan ni Vera at simula noon ay bumuo na ng plano sina Papa at Mikhail na unti unti nang isagawa ang pag-ubos sa miyembro ng organisasyon ni Luciano.

"You know leaving the organization ain't possible, son. You kill to join, you die to leave. Unless Nikolai is already a grown up man and can take the higher position, then that's the only way you can step down from being the highest." sabi ni Papa kay Mikhail nang minsang nasa hapunan kami.

Seryoso si Mikhail na gusto niya nang bitawan ang organisasyon. Kung maaari nga lang ibigay na ito kay Ilya ay gagawin niya. Pero hindi 'yon ganoon kadali lalo pa at hindi niya maatim na isang kadugo ni Luciano ang papalit sa kaniya.

Wala siyang pagpipilian kung hindi ang ipagpatuloy ang buhay na sinimulan niya. Habang ako at si Nikolai ay nasa tabi niya. Nga lang, hindi na dapat kami umasa pa sa isang buhay na tahimik.

"We have already destroyed Luciano's gambling businesses and all his drug deals with the other organizations around the global. Our men have also killed his wife this morning. I bet he is already mourning as of the moment."

Mula sa patio kung saan pinagmamasdan ko si Mikhail na sa pag-a-assemble ng mga baril ay dumating si Papa kasama si Mama. May ngisi sa mga labi niya na para bang isang karangalan para sa kaniya ang mga impormasyon.

Napaayos ako mula sa pagkakaupo. Ganoon rin sina Mama at Papa na pumwesto sa mismong tapat namin. Ipinagkrus ni Mama ang mga binti niya habang diretsong tinitigan si Mikhail. Si Papa naman ay sumisimsim ng alak mula sa kopitang dala.

"May asawa pa po si Luciano?" tanong ko kay Mama.

Tumango siya. "Yes. Olga Mikhailov, the legal wife."

Mabilis kong tiningnan si Mikhail. He was just looking at his gun without any hint of surprise on his face.

"Alam mong may asawa pa siya?" tanong ko sa kaniya.

"His relationship with my mother is the only thing I wasn't aware of..." sabi niya saka ikinasa ang baril.

Itinuon niya ito sa itaas kung saan may ibon. Kinalabit niya ang gatilyo dahilan nang mabilis na pagbagsak nito sa lupa. Huminga siya nang malalim pagkatapos at ibinaba ang baril sa mesa. Nag-angat siya ng tingin kina Papa.

"My mother and Ilya are for surely being used by Luciano to drag the organization down and take what is mine." malamig na sabi niya.

"Have to agree with that aside from Ilya being used by his father..." sagot ni Papa at humithit mula sa tobacco. "Ilya and Luciano are using your mother to bring you down."

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon