Kabanata 37

9.2K 444 37
                                    

Kabanata 37

Naging palaisipan sa akin kung bakit sa dami ng doktor na puwedeng mag-alaga kay Mikhail, si Vera pa talaga.

Wala bang iba?

“Malapit si Mama at Vera. Since they knew that I can’t remember anything, they took that advantage to control me.”

“Wala bang ideya ang Mama mo sa ginawa ni Vera sa’yo? Na niloko ka niya?”

Tumaas ang sulok ng labi niya habang isinusuot ang pantalon. Malapit nang sumikat ang araw. Bago pa man magising si Nikolai, nagdesisyon kaming magtungo na doon.

“None. I don’t like sharing stories with her. Maging kay Papa ay hindi ako nagsasabi. But I know he already knew it. Can’t hide anything from him.”

Tumayo ako mula sa kama at huminga nang malalim. Naglakad ako malapit sa malaking vanity mirror at tinitigan ang sarili ko. Medyo mahapdi ang gitnang bahagi ng mga hita ko dahil tinotoo ni Mikhail ang sinabi niyang hindi niya ako titigilan.

Isa pa sa mga senyales na pilit kong binabaliwala pero nagsusumiksik pa rin sa isip ko. Kung hindi niya ako naaalala, normal lang ba na makipagtalik siya nang paulit ulit sa isang babae na ni ang itsura ay hindi niya magawang mahagilap sa isip niya?

“Hindi ba nagsasabi ang Papa mo sa Mama mo?” wala sa sariling tanong ko habang ang isip ay abala sa kung saan.

“No. They’re not the typical couple.”

Nilingon ko siya. Naglalakad na siya palapit sa akin, ang mga mata namin ay magkalapat. Matiim siyang nakatitig. Ganoon rin ako sa kaniya.

Hindi mo pa ba talaga ako naaalala, Mikhail?

Niyakap niya ako sa bewang, ang baba ay nasa ibabaw ng balikat ko — bagay na palaging ginagawa niya sa akin noon.

“What did you tell our son during the time I was gone?”

“Sinabi kong patay ka na.”

“Uh-huh. Did he ask for the reason why?”

“Aksidente. Hanggang doon lang. Hindi ko na sinabi pa ang ibang bagay dahil masiyado pa siyang bata para maintindihan ‘yon.”

Humarap ako sa salamin. Nagtama ang mga mata namin sa repleksyon.

“Si George pala, kumusta na?”

Nagtaas siya ng kilay. “Why are you asking about him?”

“Gusto ko lang malaman.”

“He’s taking care of the other business.”

Tumango ako. “Bago kami magpunta dito ni Nikolai, may humarang na mga sasakyan sa amin. Balak kaming ilipat sa ibang kotse pero may tumulong sa amin. Hindi ko kilala. Naiiba ang salita kesa sa inyo. Umalis rin kaagad at pagkatapos ay nakita ko si George. May pakiramdam akong si Luciano ang may pakana noon.”

Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Mikhail. Sinubukan ko pag-aralan ang reaksyon niya ngunit hindi ko magawa. Wala akong mabasa. Masiyadong madilim ang mga mata niya.

“Namukhaan mo sila?” tanong niya hindi kalaunan.

Umiling ako. “Nababalutan ng itim na tela ang mga mukha nila.”

Umigting ang panga niya, tila malalim ang iniisip dahil hindi na rin sumagot. Umayos siya ng tayo at pinaharap ako sa kaniya. Mariin niya akong tinitigan sa mga mata, nababakasan ng galit.

“Stay focus and alert.”

Iyon lang ang sinabi niya sa akin bago kami lumabas ng silid niya. Tinunton namin ang kwarto kung saan naroon si Nikolai. Nang marahan kong buksan ang pinto ay natanaw ko siyang matuwid na nakatayo sa bintana habang nakatingin sa labas. Nasa likod ko si Mikhail at nakasunod lang.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon