Kabanata 11

13.5K 602 26
                                    


Kabanata 11

Madaling araw na nang nakatulog ako. Hindi nakuntento sa isang beses na pagtatalik si Mikhail. Paulit ulit niya akong inangkin at walang naging pagtutol mula sa akin. Nagpaubaya ako hangga't gusto niya, hindi nakaramdam ng pagsisisi.

Napagod, oo. Pagod na pagod.

Nagmulat ako ng mga mata, ramdam ang matinding panghihina ng katawan ko lalo na sa bandang gitna ng mga hita ko. Medyo mahapdi rin ang parteng 'yon. Pakiramdam ko ay masiyadong naunat dahil sa laki ng sa kaniya.

Namamangha pa rin ako sa tuwing naaalala ako.

Sa gitna ng dilim, natanaw ko si Mikhail na nakatayo sa tapat ng bintana at tila pinagmamasdan ang ulan. Nakasuot na siya ng pantalon niya ngunit wala pa rin saplot sa itaas, ang mga kamay ay nakasilid sa bulsa.

Mabilis na kumidlat kasabay ng malakas na kulog dahilan para magliwanag ang direksyon niya. Muli kong nasilayan ang malaking mukha ng tigre sa kaniyang likod.

"Mikhail..." tawag ko at marahang naupo pasandal sa headboard ng kama.

Mabagal niya akong nilingon at sandaling tinitigan. Ang madilim na paligid at ang paminsan minsan na liwanag mula sa kidlat ay mas lalong nagbibigay talim sa mga mata niya.

Katulad ng tigre sa likod niya, para bang nakahanda ang mga pangil niya na sakmalin ako ano mang oras.

Tuluyan na siyang pumihit paharap sa gawi ko at mabagal na naglakad. Lumunok ako nang maaninag ang talim ng mga mata niya na tila ba galit siya. Pero bakit? Wala naman akong ginawa na mali sa kaniya.

Naupo siya sa gilid ng kama, paharap sa akin. Humigpit ang hawak ko sa puting kumot na nakatapis sa katawan ko.

"How are you feeling?" tanong niya sabay baba ng tingin sa katawan ko. "Sore?"

"Ayos lang. Kaya naman."

Tumango siya. "I'll make you feel better."

Bago pa ako makapagtanong sa ibig niyang sabihin ay maingat niya na akong pinangko kasama ang puting kumot na nakabalot sa akin. Kusang pumulupot ang mga kamay ko paikot sa leeg niya. Mataman ko siyang tinitigan ngunit diretso lang na nakatuon ang mga mata niya sa harapan.

Walang kahirap hirap niyang pinihit ang doorknob ng banyo sa kabila ng katotohanang buhat-buhat niya ako. Sinipa niya ang pinto paloob kasabay ng pagpasok namin.

Swabe niyang pinadulas ang puting kumot mula sa katawan ko at hinayaan iyong bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong mahiya na nakikita niya ang hubad na katawan ko gayong ilang beses naman nang may nangyayari sa amin.

Natuon ang mga mata ko sa bathtub kung saan may ilang talutot ng pulang rosas ang nakalutang sa tubig. Maingat niya akong ibinaba paupo doon, ang maligamgam na tubig ay mabilis na yumakap sa hubad kong katawan.

Nag angat ako ng tingin kay Mikhail. Nakatayo siya sa harapan ko. Titig na titig siya sa akin, walang emosyon ang mukha habang kinakalas ang butones ng kaniyang pantalon. Nagbaba ako tingin nang lumantad sa akin ang boxer brief niya dahilan para makita ko na kaagad ang bakat niya roon.

Ang ganda ng mga biyas niya. Mahahaba at balbon. Pansin rin ang ilang ugat na tila ba buhay na buhay at nagtatago sa loob ng boxer brief niya.

Nanuyo ang lalamunan ko nang harap harapan niyang hubarin ito. Maliwanag masiyado sa loob ng banyo kaya naman malinaw kong nakikita kung gaano siya kaperpekto sa parteng 'yon.

Hindi naman ito nakatayo ngayon pero... bakit malaki pa rin?

"Still not tired of staring at it?" aniya dahilan para mabilis kong alisin ang tingin sa bandang 'yon.

Narinig ko ang malalim na pagtawa niya, may kalakip na panunukso. Umapaw ang tubig nang bigla siyang pumwesto kasalungat ko.

Muli ko siyang tiningnan. Nakalahad ang mga braso niya sa magkabilang gilid ng bathtub habang nakamasid sa akin. Ang mga binti niya ay ramdam ko sa bawat gilid ng mga hita ko. Kaunting haplos ng mga balat namin ay para akong sinisilaban.

"Come here..." marahan ang boses na sabi niya.

Hindi kaagad ako tumalima at tinitigan pa siya. Pansin ang kulay pulang pilat sa kaliwang balikat niya. Nasisiguro kong iyon ang naging tama ng baril sa kaniya noon.

"I'm not going to touch you if that's what you are thinking."

Ngumuso ako. "Hindi naman 'yon ang iniisip ko."

Maingat akong gumalaw palapit sa puwesto niya. Patalikod akong naupo sa harapan niya. Marahan niyang iniyakap ang mga kamay paikot sa dibdib ko.

Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang nakakakiliting sensasyon nang humaplos ang balat niya sa mga tuktok nito.

"What are you thinking then?" napapaos ang boses niya, tila ba nang aakit.

Nililis niya ang buhok mula sa gilid ng leeg ko at inilipat 'yon sa kabila. Pigil ang aking hininga nang maramdaman ang mainit na dampi ng mga labi niya roon.

"Iniisip ko kung... kumusta ka na? Ang s-sugat mo, ayos na ba?"

"Healed."

Ang sabi niya ay puwede ko itanong sa kaniya ang lahat ng gusto kong malaman. Pero pakiramdam ko ay hindi ko pa gustong malaman. Gusto ko pa siyang manatiling misteryo sa paningin ko. Pakiramdam ko, hindi ako magiging handa.

"Hindi ka na dapat pa nadamay ng araw na 'yon."

Mukhang kahit hindi ko itanong, siya na rin ang kusang magsasabi.

"Hindi naman ako nadamay. Walang n-nangyaring masama sa akin."

Naramdaman ko ang pag angat ng dibdib niya tanda ng pagpapakawala niya ng malalim na hininga.

"You were almost shot in the head if I didn't pull you down with me," nagtatagis ang bagang na sabi niya. "I would fucking burn them through the fires of hell if something bad happens to you."

Hinahaluhan ng lason ang bawat salita niya. Mga tinik na tila ba nakayap sa kaniyang dila. Bumundol ang kaba sa puso ko nang maramdaman kung gaano siya ka-kalmado habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

Para bang normal na lang sa kaniya ang gumawa ng isang bagay na hindi aakalain na magagawa ng isang tao.

"S-Sino ang mga taong 'yon, Mikhail?" hindi na napigilan pang tanong ko. "Ikaw ba ang s-sadya nila?"

"Yes."

"B-Bakit?"

"I killed someone who was important to them."

Tumigil ang pagdaloy ng hangin sa aking dibdib. Hindi ako nakagalaw, tila naging paralisado na ang katawan.

"B-Bakit mo p-pinatay?" tanong ko, sinikap maging kalmado ang boses.

"I can hear fear through your voice."

Hindi ako nakasagot. Alam ko na kahit anong pilit ko na itago ang takot na humahalik sa boses ko, hindi ko pa rin mapipigilan.

"A-Anong..." lumunok ako. Tumigil sa paghaplos sa aking dibdib ang mga kamay niya. Sa kabila ng mainit na tubig na yumayakap sa aking katawan, hindi pa rin maiwasan ng mga palad at talampakan ko ang manglamig. "Anong k-klaseng pagkatao ang mayroon ka, Mikhail?"

"Someone you would never want to be part of your life," marahan at madilim ang boses na bulong niya sa gilid ng tainga ko. "But there's no way you can still avoid the devil, Almira. I'll find, take and make you mine... in every unholy possible way." Dumulas ang mainit niyang labi sa gilid ng aking leeg dahilan para kusang pumikit ang mga mata ko. "You will be fully mine. Heart. Body... and soul."

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon