Kabanata 8

13.3K 539 13
                                    


Kabanata 8

Ilang araw akong hindi nakapasok sa trabaho. Masama ang pakiramdam ko, literal na nilalagnat. Hindi maintindihan nina Nanay kung ano ang pinagmulan pero ako... alam ko.

Sinabi ko na napagod lang ako sa trabaho. Pero ang totoo, nabigla ang katawan ko nung gabing 'yon. Hindi ko inaasahan ang sakit sa bandang 'yon na tatagal ng ilang araw. Hindi ko akalaing iindahin ko.

Gano'n ba talaga? Magkakalagnat matapos 'yon? Hirap akong maglakad at maging sa pag ihi ay gano'n rin. Gusto ko sana itanong kay Nanay ang tungkol doon, kung gano'n ba talaga ang nararanasan matapos ang gawin ang bagay na 'yon.

Pero siyempre ay hindi maaari. Baka kapag sinabi kong may nangyari sa amin ni Mikhail, himatayin siya. Si Tatay ay siguradong magagalit rin sa akin. Kahit pa nasa tamang edad ako, mali pa rin na hinayaan kong may nangyari sa amin lalo na at wala naman kaming relasyon.

Kakakilala pa lang namin. Ilang beses pa lang nagkita pero ayun at daig ko pa ang babaeng kaladkarin dahil sa nangyari. Ni hindi ako pumalag. Hinayaan ko ang sariling magpadala sa apoy ng pagnanasa sa kaniya.

Sa kabila no'n, wala akong nararamdaman na pagsisisi. Ginusto ko ang bagay na 'yon. Hindi niya ako pinilit. Mali man kung iisipin, kung sakaling tanungin ako kung gugustuhin ko mangyari ulit 'yon sa pagitan namin, gano'n pa rin ang magiging desisyon ko.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay nakita ko ang pagpasok ni Nanay sa kahoy na pintuan. Medyo maayos naman na ang pakiramdam ko kumpara nung mga nakaraang araw. Hindi pa nga lang ako pinapasok ni Tatay dahil baka mabinat daw ako.

Hindi ko lang rin inaasahan na tatawag pa siya kay Andrei para sabihin na hindi ako nakakapasok. Ayaw niya kasing kung ano ang isipin nito. Tuloy ay nag chat pa siya sa akin kagabi para kumustahin ako.

"May bisita ka, Almira." seryoso ang mukha na sabi ni Nanay.

Kumunot ang noo ko. "Bisita po?"

Inisip ko baka sina Jennifer at Imee ang tinutukoy ni Nanay. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso dahil naalala nila ako. Kahit pa araw-araw naman nila ako kinukumusta sa text. Hindi rin talaga siguro sila sanay na hindi ako nakikita.

"Lumabas ka na, anak. Huwag mo paghintayin ang bisita mo."

Tumango ako at pilit na bumangon kahit medyo mabigat pa ang katawan ko. Lumabas na rin si Nanay. Hindi na ako nag aksaya pang magpalit ng damit. Tanging pajama at malaking puting t-shirt lang ang suot ko.

Kahapon pa ang huling ligo ko. Hindi pa naman siguro ako mabaho. Malamang naman ay hindi ako aamuyin nina Imee.

Pero sandali. Wala ba silang pasok? Hindi naman nila day off.

Ah, siguro ay naka lunch break lang.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at lumabas na. Maliit lang ang bahay namin kaya naman ilang hakbang lang ay nasa sala na ako.

Tila gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto nang maabutan ko si Mikhail na nakatayo sa sala. Nakapaloob ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon habang tinitingnan ang litrato ko na nakasabit sa kahoy na dingding.

Lumingon siya sa gawi ko. Nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko nang magtama ang mga mata namin.

"M-Mikhail..." tawag ko.

Ano'ng ginagawa niya dito?

Marahan siyang nagbuntonghininga at tuluyan na akong hinarap. Naglakad siya patungo sa gawi ko. Lalo akong nahirapan igalaw ang mga paa ko. Tila ba nabaon na sa simento.

Walang imik si Mikhail nang huminto sa harapan ko. Titig na titig siya sa akin. Hindi naman salubong ang mga kilay kagaya ng dati pero malalim pa rin ang paraan ng pagtitig niya.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon