Kabanata 21

11.3K 565 32
                                    

Kabanata 21

Gusto ko naman na talagang makipaghiwalay sa kaniya. Na ayaw rin. Kapag naghiwalay kami, paniguradong hahanap hanapin ko siya lalo pa at nasanay na akong kasama ko siya palagi sa araw-araw.

Pero kung mananatili naman ako sa relasyon namin, nasisiguro kong marami pang eksena na katulad ng nangyari nung isang araw ang magaganap sa hinaharap.

Isa pa, ramdam ko sa sarili ko na hindi rin naman talaga ako makakawala sa kaniya kahit pa sabihin kong ayaw ko na. Bukod sa hindi ako kapani-paniwala, masiyado akong nagiging mahina at marupok sa isang haplos niya pa lang.

Kung sabihin ko kaya sa kaniya na huwag na siya maging Mafia? Pero hindi naman ata 'yon ganoon kadali. Nagbasa ako ng tungkol sa kanila, ilan lang ang naintindihan. Sa pagkakaintindi ko, may mga posisyon sila diyan.

Ano kaya ang posisyon ni Mikhail?

"May laman na ba iyang tiyan mo, Almira Eloise?"

Mabilis na nawala ang atensyon ko sa pritong itlog na kanina pa tinititigan matapos marinig ang tanong ni Nanay.

"Hindi pa po ako kumakain kaya wala pang laman, Nay."

Nagkatinginan sila ni Tatay na siyang nakaupo sa harapan ko. Bumuntonghininga si Tatay.

"Ang sinasabi ng Nanay mo ay kung buntis ka na ba?"

Nanglaki ang mga mata ko sa tanong na 'yon ni Tatay. Alam ko naman na hindi na lingid sa kanila na may nangyayari sa amin ni Mikhail. Hindi ba at siya pa nga mismo ang nagsabi kay Tatay? Hindi na rin sila nagtatanong pa sa tuwing gabi o madaling araw na ako umuuwi dahil kinakausap rin sila ni Mikhail.

"Sana naman ay maranasan namin ang ihatid ka sa altar, ano? Matanda ka na at alam mo na ang tama, anak. Hindi kami humahadlang dahil aaminin kong pansin na pansin sa mga mata mo na malalim na ang nararamdaman mo para kay Sir Mikhail. Umaasa kami na sana ay gano'n rin siya sa iyo."

Bumuntonghininga ako at tipid na ngumiti. Wala akong ideya kung bakit biglang nasabi ni Tatay sa akin ang tungkol sa bagay na ito. Mukha bang hindi ako seseryosohin ni Mikhail? Iyong tipo ng babae na hindi ihaharap sa altar at pakakasalan?

Lumabi ako.

Kita mo na, Almira. Pakikipaghiwalay na ang gusto mo, hindi ba? Bakit ngayon ay umaasa ka pa sa isang kasal?

"Hindi po ako buntis, Tatay."

Wala nang sinabi si Tatay hanggang sa magpaalam akong aalis na ng bahay. Paglabas ay lumingon ako sa gawi ng bahay ni Andrei. Doon siya dumiretso pagkatapos niya ako ihatid sa bahay nung isang araw. Pero nagtext rin naman siya na hindi niya ako maihahatid sa coffee shop ngayon dahil may aasikasuhin saglit.

Hindi ko sinagot.

Napakurap kurap ako nang makita ang isang truck na tumigil sa bakanteng lote malapit sa bahay ni Andrei. May bumaba na mga lalaki at isa-isa rin ibinaba ang mga hollow blocks doon.

"Mukhang may bagong lilipat dito, ah." wala sa sariling bulong ko.

Isang beses ko pang tiningnan ang bahay ni Andrei, nagbabakasaling makikita si Mikhail. Nang walang mapala ay nagdesisyon na akong sumakay sa bangka at tuluyan nang pumasok ng trabaho.

Huwag ka na mag-inarte, Almira. Ngayon pa lang na hindi mo nakikita si Mikhail ay hinahanap mo na siya. Paano pa kapag natapos na kayong dalawa?

Buti na lang hindi rin siya pumayag.

"Bakit naman kasi hindi mo ako binalaan tungkol sa pinsan mo? Masiyadong mapang-akit."

Natawa si Andrei na siyang ka-video call ko ngayon. Wala masiyadong tao sa coffee shop kaya maraming libreng oras.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon