Kabanata 40

8.9K 469 31
                                    

Nanatiling walang kibo si Mikhail habang ang lalaking tumulong sa amin ay nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya. Tila ba nakikiramdam sa kaniya ngunit kahanga hanga na wala akong nakikitang takot sa mga mata niya.

"Protect your family. If you failed, my bullets will rip your fucking brains off."

Wala siyang balak patayin si Mikhail sa mga sandaling ito. Ngunit nagbabanta siya, at hindi ko maintindihan kung bakit. Kakampi ba siya? Mukhang hindi. Halatang hindi rin siya kakilala ni Mikhail.

Sino siya kung ganoon? Bakit niya kami iniligtas?

Nahagip ng mga mata ko ang mabilis na pagkilos ni Innessa. Sa ilang segundo ay nasa likod na siya nung lalaki, nakatutok na rin ang baril sa ulo nito.

Natawa iyong lalaki nang maramdaman ang nguso ng baril sa ulo niya.

"Spara, debole." (shook me, weak)sabi nito sa ibang lenggwahe.

Kumunot ang noo ni Innessa. "He's not one of us, Mikhail."

"Of course I ain't one of you," sabi nung lalaki at kasing bilis ng kidlat na inabot mula sa likod ang baril ni Innessa sa marahas na paraan at hinila ang kamay nito.

Kumurap lang ako at nakasalampak na kaagad sa sahig si Innessa. Sa gilid niya ay nakaluhod ang isang tuhod nung lalaki habang ang baril ay nakatutok sa noo niya.

Pumihit si Mikhail paharap sa kanila at pinagmasdan ito sa tahimik na paraan.

Mabigat ang bawat paghinga ni Innessa habang masama ang pagkakatitig doon sa lalaki.

"If you want to win a war, you must stay alert and focus on the goal of winning. You are not a capo to accept defeat just like this..." puno ng awtoridad na sabi nung lalaki kay Innessa na tila ba hinahamon siya. "Fight."

Kitang kita kung paanong nagtagis ang bagang ni Innessa at marahas na tinabig ang baril na nakatutok sa noo niya. Ipinulupot niya ang mga binti paikot sa leeg nung lalaki at bumangon para iuntog ang noo nito sa noo nung lalaki.

"Merda!" (Shit) sabi nung lalaki.

Astang susuntukin siya ni Innessa nang mabilis niyang masalo ang kamao nito saka nginisian.

"Not again, baby."

Ipinaikot niya ang braso mismo ni Innessa sa leeg nito at sinipa ang likod dahilan para bumagsak padapa si Innessa. Naupo iyong lalaki sa likod ng puwetan ni Innessa na tila ba nagpapahinga lang. Pinaglaruan niya pa ang hawak na baril at pinaikot ito sa daliri niya.

"You need more practice, capo." tamad na sabi nung lalaki bago natawa. "I can teach you if you want."

"Shut up and get off me! I promise to kill you once I get a hold of you, asshole!" sigaw ni Innessa sa kaniya ngunit tila baliwala lang.

Patuloy pa rin siya pagpapaikot ng baril sa kaniyang daliri habang pinagmamasdan si Innessa na pilit kumakawala.

Malakas ang pakiramdam ko na hindi masamang tao ang lalaking ito. Pero sino siya? Saan siya nanggaling? At higit sa lahat, bakit niya kami iniligtas ni Innessa kanina? Sino siya?

"Who are you?" malamig ang boses na tanong ni Mikhail.

Ilang hakbang ang ginawa niya palapit sa likod nung lalaki. Hindi ako makaramdam ng kaba o takot na baka may gawin siya kay Mikhail. Nasisiguro ko na maging ang asawa ko ay ramdam kung may mali sa taong nasa harapan namin.

"You don't wanna know."

Inilabas ni Mikhail ang baril mula sa likod ng pantalon na natatakpan ng puting t-shirt niya. Niyakap ko si Nikolai na nakatingin lang sa ama at walang kahit na anong emosyon ang mukha.

Mikhail Sage (Book 1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon