CHAPTER 7: Nice To Meet You, Lamia

118 29 0
                                    

LAMIA’S POV

I just woke up and I decided to take a bath immediately, and I have to prepare myself for another day at school. I decided to walk downstairs after taking a bath and getting ready, nang makababa na ako, hinanap ng mga mata ko si Papa sa sala.

“Pa?”

No one answered.

Bakit ba ang tahimik? Ano kaya ang meron? E sa ganitong oras nandito sa sala si, Papa. Tapos nanonood lang siya ng TV o ’di kaya umiinom ng kape sa kusina, uupo siya roon kaharap ang counter table.

Inilagay ko ang bag ko sa couch at lumabas ng bahay, nagbabakasakaling nandoon si, Papa.

“Pa?”

Pero pag tingin ko sa labas ay tanging mga ibon lamang ang naririnig ko at sinalubong ako ng malakas na hangin.

Pumasok ulit ako sa bahay pero sa aking paglingon ay napahinto ako dahil sa gulat na aking nadarama.

“Tanginang— Sino ka?” Gulat kong sabi at nababahala na rin dahil may pumasok sa bahay na hindi ko naman kilala.

May babaeng nakatayo sa sala at hindi ko masiyado maaninag ang mukha niya dahil na rin sa madilim ang parteng iyon.

Hindi lumingon sa akin ang babaeng iyon at mas pinili pang umupo sa couch na kung saan kaharap nito ang TV namin. In-on niya ang TV kaya naman dali-dali akong pumasok sa bahay.

Dahan-dahan akong lumapit sa likuran ng couch na kung saan doon siya naka upo at nanonood sa TV namin.

Trespassing na nga siya e.

Mala-late na ako!

“Sino ka?” Pag-uulit ko pero wala pa ring sagot.

Napahinto ako sa kaniyang likuran, “Paano ka naka pasok dito sa bahay namin? Trespassing ’yang ginagawa mo! Ipapakulong kita—” I stopped talking when she stood up at mabilis na tumingin sa akin.

Her eyes were blue but when she looked at me, they turned into red. She has dark shadows na lumilitaw sa kaniyang katawan.

What the hell is this...

Is this hallucination?

Her lips were black. She has straight hair yet when she stares at me, parang gusto niya ako patayin dahil sa kaniyang mga titig.

She smiled at me, “Do you mind if you sit next to me?”

She smiled at me once again and she showed her fangs.

I'm unable to move because of what I'm seeing right now.

“W-Who are y-you...”

Tumayo naman siya galing sa pagkakaupo, kaya napalaki ang aking dalawang mga mata dahil sa aking nakikita ngayon.

What the—

“Nagulat ba kita, Lamia?” Nakangiting sambit niya.

Naghabol hininga naman ako dahil sa kaba at takot. Hindi rin ako makagalaw dahil sa aking nakikita ngayon.

Naramdaman ko namang may tao sa aking likuran pero hindi ko na ito nilingon dahil na rin sa kaba.

Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa babaeng nasa aking harapan ngayon.

Ang tangkad niya...

“Lamia?”

“Lamia? Are you okay, honey?”

Lumingon ako ka agad at dali-daling niyakap si, Papa.

“What’s happening, honey? Are you okay?” Tanong niya sa akin at hinahaplos ang aking likuran. Kumuwala naman ako sa pagkayakap sa kaniya, “Papa... May babaeng naka pasok sa bahay natin! Nakatayo siya malapit dito sa couch!” I explained to him at napatigil naman siya at tinignan kung may tao ba sa sala.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon