Hapon na at nagsi-uwian na rin ang mga ibang kaklase ko. Kaya nag simula na rin akong mag impake at iniligay ang mga ibang gamit ko sa locker ko.
Habang nag liligpit ako‚ nasa likuran ko naman si Dhamon at nag-aayos din ng gamit niya.
Napatigil naman ako at tinignan siya.
“Hey...” I called him and he turned around.
He smiled, “Hey...“
“A-Ah... Okay ka lang ba? Hindi mo na kami sinasamahan ni Ehnna sa cafeteria e. Nakakapanibago kasi.” Naiilang na sabi ko sa kaniya at napahaplos sa aking batok.
He chuckled. “I’m very sorry kung hindi ko na kayo na sasamahan. Marami lang talaga akong ginagawa e, kaya minsan hindi ako nakakakain sa tamang oras. Pero pinapangako ko na babawi ako sa inyo.” Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko na lang din siya. “I understand.” Sagot ko naman.
“Pasensiya na... Sadyang naninibago lang talaga ako sa iyo. Hindi ka na katulad ng dati.” I added.
Napatango siya sa sinabi ko. “I know... I’m sorry, Lamia.”
“Pero kung gusto mo sasamahan kita bukas--”
Mabilis naman akong umiling sa kaniyang sinabi. “Huwag na ah, okay lang. Busy ka, ’di ba? Kaya dapat mong unahin ’yan. Naiintindihan ko naman kita.” Sagot ko sa kaniya. “Aakala ko lang kasi ayaw mo na kaming samahan ni Ehnna e.” Naiilang kong sabi at pinilit ko na lamang ngumiti sa kaniya.
I really thought he didn't want to be with me anymore. Busy lang pala talaga siya.
Nako nako Lamia Jane, nakakahiya ka talaga.
“Sure sure. Kung hindi ako busy bukas, sasamahan kita kahit saan ka pa mag punta dito sa campus.” He giggled.
Ilang minuto rin kaming nagkatitigan at habang tumatagal ay mas lalo kaming naiilang parehas.
“I have to go, see you tomorrow, Lamia. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.” He said at tumango na lang ako at kumaway sa kaniya.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ay lumingon ako sa aking harapan kung saan nandoon sina, Vandran. Sakto naman at umalis na rin sila, kasama niya sina, Whienne at, Basilius. Na iwan naman si Vortigern dahil parang may ginagawa pa siya pero hindi ko na lang iyon pinansin at tumingin kay Ehnna na nasa aking tabi lang naman.
“Uy, alis na ako, ah? Hindi kita masasabayan ngayon palabas sa gate e. Mag papasama kasi sa akin si Cath sa lakad niya ngayon, pasensiya na talaga, ha?” Dali-dali niyang sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.
“Okay lang. Ingat kayo sa pupuntahan niyo.”
So what? I’m fucking alone again.
Sabagay, hindi ko rin naman masisisi si Ehnna. Sobrang close niya kina, Cath, at Julia, tapos kaming dalawa parang medyo lang.
Nasanay na rin kasi ako mag-isa, kaya ayos lang din sa akin kahit na wala na akong kasama. Pero parang mas better talaga kung may kasama ako-- aba, ewan! Bahala na. Tutal malaki na ako, dapat nga hindi na ako nag seselos kina, Cath, at Ehnna e.
Napabuntong hininga na lang ako at sinuot ang bag ko.
Bahala na, huwag ko na lang muna isipin ’yon.
Makakasama ko pa rin naman si Ehnna. Bukas sigurado ako. Ang importante, maibibigay ko na itong folder binder kay Kiel ngayon.
Akmang aalis na ako at lalabas sa pintuan nang bigla akong tinawang ni Vortigern kaya nilingon ko siya mula sa aking likuran.
“Hey! Wait!”
“Ano?”
“Anong meron sa folder na 'yan? Puwedeng patingin?” He asked honestly and he pointed the folder in my right hand.
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...