CHAPTER 24: Sixtine

72 10 8
                                    

LAMIA’S POV

“Sabihin mo na.” sabi ko sa kaniya.

Nakatayo kami ngayon at mag kaharap, napansin ko naman na para bang nag dadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ba sa akin lahat-lahat o hindi.

“Ano na?” paninimula ko rito. Tinignan niya naman ako sa aking mga mata, “Gusto mo ba talaga malaman—”

“Oo nga. I want to. Ikaw lang naman ’yung mabagal, kanina pa ako nag sabi sa iyo na gusto ko malaman pero parang ayaw mo naman ata sabihin sa akin—”

“Kung sasabihin ko ba, gagawin mo?” he asked me while he's looking into my eyes. “Paano ko gagawin kung hindi mo pa sinasabi?” sagot ko rito.

He smirked at napayuko na lang siya at umiling. Tinignan niya naman ako, “You have to avoid Dhamon before it’s too late.” kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi, “Ano? bakit?” I asked him, "He wants your blood.” he said, kaya mas lalo akong nag duda dahil sa kaniyang sinabi, “The truth is, I am a wer—" he abruptly stopped talking and he stared something in my back.

“What? what is it?” I asked him at nang hindi siya sumagot, I turned around to see what was on my back.

“Hey, Lamia. Kanina pa kita hinahanap.” he said habang ako naman ay nagulat pa rin sa nangyayari.

“Can you come with me to the library?" Dhamon asked.

Napalunok naman ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya, “Ah— puwede r-rin.” naiilang kong sabi sa kaniya.

Tinignan niya naman si, Vandran na nasa aking likuran. Humakbang naman siya papalapit sa akin at hinawakan ang aking kaliwang kamay. “Let’s go Lamia—” hihilahin niya na sana ako pero hinawakan din ni, Vandran ang kanang kamay ko kaya napatigil si Dhamon at napatingin kay Vandran.

Hinawakan ni Dhamon ang kaliwa kong kamay at si Vandran naman ay hinawakan ang aking kanang kamay.

Bakit parang nasa telebisyon ako, tangina nilang parehas.

“Bitaw. Sasamahan niya pa ako sa library—” sabi ni Dhamon pero sumingit naman si Vandran sa kaniyang sinabi, “Ang bastos mo naman ata. Nakita mo naman siguro na nag uusap kami, ’di ba?” seryosong sabi ni Vandran kay Dhamon.

“She’s not going to believe you—”

Vandran cut him off, “Hindi ka nakakasigurado—”

“Paano ka niya paniniwalaan kung mas malapit ang loob niya sa akin kesa sa iyo—”

“Bitawan niyo na lang ako. Mukha kayong mga bata e.” ayaw ko sila magkagulo kaya inalis ko ang aking kamay na hinawakan ni Vandran at Dhamon. “I don't trust both of you. So I'm going back to the classroom, mag suntukan na lang kayo rito.” sabi ko sa kanila at iniwan sila doon sa garden.

Nag lakad na lang ako at bumalik sa classroom. Nang makarating ako sa classroom ay nag iingayan naman ang mga kaklase ko pero binalewala ko lang ito at tumabi kay Ehnna, “Oh? saan ka galing? bakit ang tagal mo?” she asked me at inilagay ko ang aking bag sa upuan at umupo sa kaniyang tabi.

I faced her, “Sa bahay siyempre. Natagalan lang ako kasi may ginagawa pa ako e,” dahan-dahan naman siyang napatango sa aking sinabi, “Ah. Akala ko a-absent ka e.” sabi niya sa akin, kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon