CHAPTER 36: Why?

49 8 0
                                    

EHNNA'S POV

"Where's Lamia?" tanong ko kina Cath at Julia na ngayo'y nasa aking harapan.

Kanina pa nga kami rito at kanina pa rin nawawala si Lamia. Ang sabi niya sa akin ay lalabas siya para mag pahangin sa labas‚ pero mahigit tatlong oras na siyang hindi nakakabalik. Balak ko pa naman sanang sabay kaming umuwi para masabayan ko siya papunta sa bahay niyang nasa loob ng gubat. Nais ko sanang samahan siya para hindi siya mag isang nag lalakad sa gubat lalo na't gabi na.

Umiling naman sina Cath at Julia. "Kanina ko pa rin napapansin, kanina pa siya wala rito." wika ni Cath.

"Baka umuwi na siya? kasi kanina ko pa napapansin na parang nababagot na siya e." singit naman ni Julia.

Kinakabahan naman akong napatitig sa kawalan. Mas nangingibabaw ang kaba ko ngayon dahil hindi ko mapigilan mag alala kay Lamia.

What if something bad happened to her? hindi ako komportable.

Nilingon ko naman ang table nila Basilius pero nawala sila roon. Kaya mabilis akong tumayo para lumabas pero hindi pa ako nakakalayo sa aming lamesa ay narinig ko sina Cath at Julia na tinawag ako, "Saglit Ehnna!" pag pipigil sa akin ni Cath at dali-dali silang lumapit papunta sa akin.

"Where are you going?" Julia asked.

"May titignan lang ako sa labas." pag dadahilan ko sa kanila pero bigla rin namang nag salita si Cath, "Balik ka ha? hihintayin ka lang namin dito. Alas dose na kasi, madaling araw na." sabi sa akin ni Cath at tumango naman ako sa kaniya.

Mabilis akong nag lakad palabas sa gymnasium at tumakbo para hanapin sina Basilius.

Alam nila Cath at Julia ang tungkol kay Lamia. Alam nilang may balak si Dhamon kay Lamia.

At alam kong alam din ni Dhamon na alam namin ang lahat ang madamang plano niya, ang masamang balak niya.

Naalala ko nung nasa cafeteria kami ni Dhamon, at hinihintay namin si Lamia ay hindi kami nag usap. Sobrang tahimik naming dalawa sa lamesa non, walang kibuan. I know he's mad at me, because I know everything. I know everything about him.

Takbo ako nang takbo hanggang sa madaanan ko ang garden at naririnig ko na para bang may nag uusap-usap doon. Kaya dahan dahan-dahan kong sinilip ito- Basilius.

Ka agad naman akong nag pakita sa kanila kaya napatigil sila sa pag uusap. Kasama niya sina Whienne, Vortigern at Vandran.

Napatitig naman sila sa akin. "H-Hi," I waved at them at dahan-dahan akong lumapit sa kanilang apat at sinabing, "Na saan si Lamia? nakita niyo ba siya? tatlong oras na ang nakalipas pero wala pa rin siya, sinabi niya sa akin na mag papahangin lang siya sa labas pero tatlong oras na siyang hindi bumabalik." walang preno na aking sabi sa kanila.

Whienne smiled at me at lumapit siya sa akin kaya ngayon ay nakatayo siya sa aking harapan. "She's not here‚ but she's fine." Whienne said pero hindi ko alam kung ano ang sinabi niya.

Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi na hindi ko maintindihan. "Ano? w-what are you saying? what a-are you talking about?" nauutal kong sabi. Ka agad namang umatras si Whienne at pumunta sa aking harapan si Basilius at hinawakan ang aking mag kabilang balikat. "She's fine-" inalis ko naman ang kamay niyang nakakabit sa aking balikat.

"What do you mean na she's fine? may nangyari ba? ano? tell me-" magagalit na sana ako sa kanila ng biglang mag salita si Vandran sa likuran ni Basilius.

"Nakuha nila si Lamia."

I stopped.

This can't be true. My life would be incomplete if Lamia was not around. She's nowhere to be found. They finally take her. Paano kung may masamang nangyari sa kaniya? paano kung na paano na siya? wala ako sa tabi niya kaya hindi ko siya maililigtas.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon